Maikling synopsis ukol sa tula:
Ang paglikha ng tulang ito ay udyok ng isang pagnanais na mabuhay ang mga talatang di naririnig sa araw araw na paglalayag. Isa sa mga awitin ng datinggrupong Patatag (pamagat:”Supling” ni Jonas Baes) ay isa sa mga naging inspirasyon sa pagsasakatuparan. Ito ay para sa FORM
Sa parte naman ng CONTENT, ang tahasang nagbigay ng buhay sa tulang ito ay base sa tunay na karanasan ng may akda… Sinubok na isakatauhan ang mga taong nakasalamuha at nagbigay ng isang realisasyon at pagtutuwid sa namulatan konsepto gaya ng “pagkakaibigan” at higit sa lahat at nagpaigting bagkus na gumawa ng mas masisig at makabuluhang pagtatala sa buhay ng may akda… sa larangan negosyo, pakikisalamuha at pagtatakda.
Sa isang banda,Mapupuna rin na ang mga kataga ay maaaring maisahalintulad sa mga pulitiko na walang patumanggang ginaganap ang pagiging salot sa lipunan.
Kahilingan:
Sana’y malapatan ng musika/ melodia sa paghabi ng isang awit.
Pamagat:ANG LAMAT
May Akda: Meric B. Mara
Bitak-bitak na ang bungo, warak na bumbunan
Manhid na sa tunay na karamdaman
Sariling kagustuhan at madayang pangangatwiran
Huwad na katotohanan ang kabuhayan
Ang palasak na bukang bibig ay kagandahan
Na taliwas sa paninindigan at pagsambang kinamulatan
May Lamat na ang kaluluwa tahasan pang binibida
Pag sisisi ay sa salamin at barag na di na umuubra
Ang pagkupit ay tinakda na tila matatag na batas
Sa pusong walang patid ang iyak tila panis na gatas
walang patumangang pagpipigtas sa kayamanang di likas
Binu buyangyang ang pagkataong walang bakas
Tinatagpi ng salapi at karangayaan ang retasong katauhan
Sa piling ng pagkabantog na kanlungang nilumot na batuhan
Bingi sa sariling mga salita na sakdal sa rehas ng katotohanan
Duwag sa hamon ng tagumpay at lamat na puso ang sukatan
gumuguhit ang mga kuko habang mga likod ay hinahagod
unti unting pinapaslang katinuan ng walang muwang sa pagkayod
nalansi at kapos sa karunungan ng buhay na malugod
mala kalyong lamat na puhunan ay pikit mata nilang sinasahod.
No comments:
Post a Comment