Di ko alam kung alam nyo itong mga pangalan na ito..
Yusuke(Eugene)
Kurama (Dennis)
Hiei(Vincent)
Kuwabara(Alfred)|
Sila yung mga karakter na nag pasikat ng kartoon na ghost fighter.
Nalalala ko lang..matagal na panahon na rin na kung saan nagiging sikat yung mga salitang..”ILANG PURSYENTO NG KAPANGYARIHAN MO NA NAGAMIT MO”
Sa ngayon na aasociate yung mga katagang ito sa aming mga proyekto at mga pinagkakalibangan..pag nagkukwentuhan at medyo malanya ka dahil pagod ka na..makakarinig ka na o kamusta? Mukhang limang pursyento nalang ng kapanagyarihan meron ka ah..tapos minsan naman..pag nagcoconduct ka ng training na kung saan nagiging maganda at interactive ang kinalalabasan..sasabihan ka naman ng ayus ah..parang limang daaang pursyento yung ginamit mo ngayon..
Nakakatuwa lang, sa sa mga ganitong kataga at pamamaraan pwede palang makagaan ng pakiramdam lalo na pag pagod ka..isa syang stress fighter. Hehehe
Sa ngyon..medyo nadadalang yung pag susulat ko sa BLOG yung mga tula at mga kanta medyo nadadalang na din..medyo madami akong nasusulat na dokumento lately na patungkol sa mga reports na ginagawa ko sa mga client..mga manual at mga presentation materials para aming mga kustomer. Medyo kailangan maging maganda at madetalye na tama ang mga ito..kaya dito ako medyo nabababad nitong mga nakaraang araw,lingo ar buwan..laging mahigit dalawang daang pursyen yung inaalocate kong kapangyarihan tuwing gagawin ko ang mga bagay bagay na ito..para matapos agad at maibalik ko naman yung aking mga nakagisnan na pagsusulat ng tula at mga kanta..
O paano mga kapatid hanggang sa muli!
Promise ko naman sa sarili ko..di ko na ihihinto ang pag susulat patungkol sa mga bagay bagay..
No comments:
Post a Comment