Matagal tagal na din yung panahong naranasan ko yung tinatawag na MOVIE DAY na kasama ko yung mga kasama sa trabaho..
yung mga naaalala ko eh
yung na IDS pa ako..yung pedro penduko na di ko makalimutan yung isang kasama namin na si Benjohn Villedo dahil sa pagtawa na kita mo na yugn ngalangala na sumisipa pa sa harapang upuan nya
yung nasa Ecommsite namin kami..pinanood naman namin yung Harold & Kumar Go to White Castle..trip lang.
tapos kanina..pagtapos ng mahabang trabaho at dami ng mga meeting kasama ang mga taga 8layer yung Curse Of The Golden Flower naman yung binakbak namin..di ko alam bat iyon yung title..pwede namang "THE MEDICINE" kasi dun lang halos umikot yugn storya eh.
anyway, enjoy din kasi mga bagong dugo at kasama sa panonood. pero bago iyon..syempre kain muna kami sa "MONGKOK"..pinagtripan namin yung PATATIM at yung mga Dumplings nila..sarap lalo na't isinasawsaw sya sa toyo ng isang maliit na platito na may halong pangpaanghang at kalamansi....tapos paikot mong isasawsaw na pababad yung hakaw at siomai na nakatusok sa iyong tinidor..panalo!
after ng movie..syempre balik sa work. tapos nagrecord kami ng gitara ng kantang "KUMPLIKADO" at this time..yung Behringer na mixer na yung gamit namin.
tapos food trip ng noodles ng koreanong "BOWL NOODLES" yung NONG SHIM (spicy chicken flavor)..ang anghang!
aba, puro kain ata ako today..kasi kaninang tangahali nanlibra din yung isang client namin sa itallanis sa greenbelt. tapos nung bumisita naman kami sa MTS sa isang client din..nag starbucks kami at nag food trip din sa 5th floor ng building nila pero swawarma naman.
sa huli! masaya ang araw na ito..panalo...busog!
No comments:
Post a Comment