Saturday, September 08, 2007

usapang henyo

Nag simula sa text ni Roz kasi ang lahat. kasi last thursday nasa isang client kami at inumaga na kami halos dahil sa deployment para sa isang PBX/mini call center.

anong sabi sa text? " BADMINTON DAW pantangal stress.

Kasi laging late kami or umaga na kung umuwi dahil sa mga R&D at pag mamamap ng mga tools namin. kaya ayun dapat mag babadminton kami ng biyernes ng gabi..kaya lang nauwi kami sa INUMAN sa conspiracy! (si clara lang ang wala..buong 8layer ang gumimik) bakit hindi kasama si clara? eh ang laki na kasi ng kanyang tyan at bawal sa baby nya yung beer at yosi! hehehe..tama iyan Clara bantayan mo nalagn si baby mo muna..bawi ka nalang pagtapos ng iyong panganganak..lapit na? kailangan nga ba?

si pangkal wala din pala, kasi maaga syan umuwi o nagpaalam sa akin dahil sumasakit yung ulo nya. (matigas kasi ang ulo..kaya ka napapalo at napipingot ng nanay mo hehehe)//pagaling ka agad tol

ang ganda nga ng tugtugan eh..si mike villegas kasi yung humahataw sa entablado...litaw na litaw yung mga detalyeng ginagawa nya ang sarap sa tenga tapos taylor pa yung gitara nya kaya solve solve tuloy ako sa pakikinig syempre si cookie yung bumabanat sa mic..napuna ko lang yugn lapad sa ilalim ng mesa nya habang kumakanta sya..shot nga ng shot eh! =) tapos yung second set ang masaya..kasi naki jam na si sir gary granada. (idol ko iyon! dami kong natutunan pa pakikinig lang ng mga album nya ) ang nakakatuwa ang saya ng paligid si HENYO parang malungkot at naiiyak! hehehe
kasi ang tawag talaga namin sa kanya ay ALLAN "G". kagabi lagn namin napagtanto na Allan GRANADA pala...parang si sir gary yung nawawala nyang tatay! peace henyo!

ang hindi ko makakalimutan nung gabi na iyon eh yung mga kwentuhan 'BATA" oo napagusapan kung ano ano ba yung mga pinagkakaabalan o mga laro nung mga bata pa kami..di ko na nga naitago yung mga kwentong bata ko..mga kwentong taguang pong...mga laro namin ng pinsan ko..ssssshhh =) at mga kwentong college kung paano ako dumidiskarte ng kaunting perang pandagdag sa baon ko..ang liit kasi masyado ng baon ko dati..parang hindi baon. pero nakagradweyt naman ako kaya masaya.

naalala ko lang yung mga nangyari kagabi kaya isinulat ko na din.

ngayon eto na oips ako at ginagawa ko nga yugn slides na gagamitin ko sa lunes para sa presentation..natapos ko na din..nag setsetup lang ako ng 2 distro pa o dalawang OS sa laptop ko, balak ko kasing makita sana ng mga bata o mga estudyante yung mga application sa linux para mas maappreciate nila yung seminar.

natuwa din ako sa isang youtube video na ito tutal mga kwetong henyo naman yung entry ko ngayon.

http://www.youtube.com/watch?v=eR3-vnIBcs8

Adamson University Exhibit 2007

naalala ko yung mga eksena sa design project namin wala nga lang TV PATROL nun yung time ng defense and exhibit namin. naalala ko tuloy yung LCD (electronic bulletin board) na project namin.


No comments: