Tuesday, September 11, 2007

Linux Seminar

gusto ko lang ishare yung parte ng experience ko sa seminar na ki-nunduct namin ni Erwin sa batangas kahapon.

pagdating namin sa BSU sinalubong na agad kami ng 2 estudyante yung President at yung VP ng organisasyong syang nagpakulo ng seminar para ihatid kami sa room na kung saan gaganapin yung seminar. mahigit isan daan yung estudyanteng nandun halo ito mula sa kursong COE at COMPTECH. nag simula na akong mag setup ng laptop ko dahil ako yung unang unang mag sasalita sa harap..di nga gumana yung unang projector na hinanda nila pag ikinakabit ko sa laptop ko eh. tapos nag sumala na yung "PROGRAM" hehehe oo program kasi yung laging ginagamit nilang salita instead na SEMINAR.


inumpisahan ko yung unang part ng seminar sa pamamagitan ng pagpapakilala ng aming kumpanya at syempre sa pagdedefine ng mga ekspectation. sinabi ko lang naman na ineexpect ko na sana pagtapos ng seminar may mga takhome silang mahahalagang bagay patungkol sa linux at maging bukas ang kanilang mga isipan na mayroon palang opensource..iniwan ko din na sana maunawaan nila na hindi lang opensource or linux yung gusto kong maitakehome nila kundi yung itinuturong "VALUES" ng teknolohiyang ito.

nagtawag din ako sa mga estudyan para sila din ay masalita para sabihin ang kanilang mga ineekspek sa seminar para pagnatapos ang seminar alam ko kung nasagot ko o naibigay ko ang kanilang mga nais maintindihan.

nakakatuwa nga eh..natapos yung aking pagsasalita sa harapan na lahat ng mga estudyante ay talagang nakikinig maayos din silang nagtatanong tungkol sa mga bagay bagay na kanilang nais malinawan.

ang mga masasayang parte sa seminar ay yung mga intermission number na ginawa nila.
may kumakanta, may nagdala pang gitara upang magbigay ng kaunting kasiyahan sa lahat.

Overall!
magign maganda yung seminar..di sya boring na ikober ko naman siguro yung mga bagay bagay na gusto nila at higit din sa lahat naipakita naman ni erwin din yung aktual na pagiinstall ng linux pati mga dapat tandaan pag gagamit ng linux.
nagiwan din kami ng ilang CD o installer ng UBUNTU para maeron silang nalalaro o naiinstall sa kanilang pagaaral.

sana makapagshare pa kami mga mga kanitong klaseng eskwelahan para maipamahagi yung aming kapirangot na kaalaman.

di na din kami siguro makakalimutan ng mga batang ito.
nagiwan kasi si erwin ng isang bagay na di talaga nila malilimutan....

wag mahihiya pag tinatanong...wag mahihiya pag gustong magtanong...
yung speaker nga ninyo..di nahihiya..kahit BUNGE! kayo pa.


salamat nga pala kay sir Rodel Pega sa kanyang pagimbita sa amin at pag aasikaso.
sayang di nakasama si Crispin at Vicar.

No comments: