Friday, September 14, 2007

panaginip ni r3d3ye

nawiwirduhan lang ako sa napanaginipan ko kanina..oo kanina kasi mga 5am na ako natulog eh.
gusto ko lang i share at subukan ko kung maipaliwanag ko ng maigi dito sa BLOG ko. kasi bihira akong managinip..madalas kasi idlip lang ginagawa ko, nagigising ako agad..tapos muni muni na ng mga work na gagawin ko tapos tawag sa mga client para mangamusta at mag support..tapos pag oks na..papasok na ako! naaalala ko nga yung isang panaginip ko na di ko makakalimutan..yung college ako...kasi may assignment kami sa thermodynamics namin tapos pipupuyat ko na sya at ilang libro na yung nabasa ko tapos di ko pa din ma solve..langya kasi yung tracher namin nun eh masyado kaming pinahirapan..anyway! na solve ko sya kasi nga napanaginipan ko.//oh ha! pag pasok nga..nagtaas na agad ako ng kamay sa classrom nun para ako na mag solve sa pisara. nakakatulong din pala ang panaginip minsan. pero wag kayong masyadonh umasa sa managinip ah...maraming tao ang nananaginip ng gising kaya walang napatutunguhan.

anyway ano ba yung napanaginipan ko kanina?
meron daw akong nakikitang isang lugar na nakakahati sa tatlo

1. isang lugar na puno ng kadiliman
2. isang lugar na makulimlim at parang dapit hapon
3. isang lugar na maliwanag

itong mga lugar na ito ay kailangan ko daw daanan.
kaya pumunta ako sa unang lugar "lugar na sobrang dilim" dito habang kinakapa ko ang daan may nasilayan akong isang tao na meron syang hawak na bumbilyang umiilaw...ang pangalan nya ay Gary. tinanong ko si gary kung paano sya nagkaroon ng bumbilya na iyon at may itinuro syang lugar at naikwento nya sa aking yung mga pagsubok na dinaanan nyan bago sya magkaroon ng bumbilya ng liwanag. may isang bahay pala sa lugar ng kadiliman na binabantayan ng isang malaking OSO sa oso mo makukuha yung bumbilya pag nagapi mo sya papasok ka sa bahay at may isang lugar dun na isasaksak mo lang yung bumbilya at magliliwanag na sya ang maganda dito pag naisaksak mo na sya di na mamamatay yung liwanag ng bumbilya habang nandun ka sa lugar ng kadiliman. kaya ayun nakakatuwa kasi may pagsubok pa para lang magkabumbilya ka..kaya ang ginawa ko nalang..kinaibigan ko nalang si gary at naki sabay ako sa kanya...aba..OSO ata yung kakalabanin ko eh pwede nman akong maki hits sa bumbilya ng liwanag nya..at nagpahatid ako sa kanya sa ikalawang lugar sa LUGAR NG MAKULIMLIM!..pero bago ko ituloy..papasalamat muna ako kay gary..gary..kung sino ka man..salamat sa paghahatid mo sa akin sa ikalawang lugar.kahit ba panaginip lang..hehehehe!
anyway..ituloy na natiny ung kwento..

sa IKALAWANG LUGAR NAMAN pag dating mo don! makakakita ka ng mga BUROL!
ang nakakatawa..pag tumingin ka sa harap mo..parehas ang itsura kung papaling ka ng konti sa kaliwa o sa kanan..OO..pareparehas ang itsura syempre ang naiiba lang pag pumaling ka sa liguran..lugar na kadiliman na syan pinanggalingan ko. sa ikalawang lugar na iyon! magdadalawang isip ka kung saan ka maglalakbay kaya nga yung unang nagdadalawang isip pa akong humakbang, makikita panga na puno din ang kapaliriran na iyon ng mga maratulang nakasulat sa isang karbord na sulat dugo na "KUNG NALILIGAW KA NA" TUMAWAG SA MGA LETRANG ITO :LIGAW-NA-AKO" di ko tuloy maisip paano ko gagawin iyon..pwede ba akong tumawag sa mga letra? weird! kaya ang ginawa ko sa panaginip ko..umupo muna ako sa pagitan ng lugar ng kadiliman at lugar ng makulimlim at nag analisa..hanggang sa naisip ko..na kung pareparehas ang mga nakikita ko..harap,kaliwa o kanan..ibig sabihin..iisa lang ang patutunguhan..basta wag lang mangangaba at diresto lang ang lakad! at ginawa ko iyon...tumungo ako sa bandang kanan ko...lakad lang ng lakad...wala nga lang akong nasasalubong na tao sa lugar na ito! pero nagulat ako..tama yung analisis ko..kasi nakarating ako sa IKATLONG LUGAR! LUGAR ng LIWANAG!

whew! nakagod mag lakbay sa panaginip.

pagdating ko sa ikatlong lugar..sinalubong agad ako ng isang lumang simbahan, walang bubong at talagang mababanaag yung mga adobe at mga gilid o haligi na ng simbahan na talagang babagsak na sya o maaring bimigay sa isang iglap. ang nakakamangha pa dito di tulad sa mga ordinaryong simbahan na may "choir" dito sa simbahan sa ikatlong lugar ang mga kumakanta ay mga grupo ng pare..may mga nakasuot ng gray at mga ilan namang mga nakasuot na puting puting dami na pam pare tapos hindi sila magkakatabi kumanta..pinopostehan nila ang bawat gilid ng lumang simbahan.isa bawat kanto ng simbahan..di ko lang matandaan yung bilang pero mahigit dalawampung pare yung sabay sabay na kumakanta ng awiting simbahan na nalagang mamamangha ka sa ganda..kaya pumasok ako sa simbahan na iyon! dun may nakilala akong isang pare...nagkakilala kami sa mata,sa mukha at sa mga usapan..pero di kami nagkapalitan ng pangalan. (bakit? di ko din alam eh..panaginip nga.) tapos may tinawag syang isang pare din at may kinausap nya na tangalin na sa pagkanta yung isang pare na nasa isang kanto sa kanan ng simbahan..kasi ba naman! sintunado daw. hehehehe may maarting pare pala kahit sa panaginip.

tapos..patapos ang pag kausap nya na ito! nagising na ako sa aking pagkakatulog.mabigat ang ulo ko at masakit ang batok..kasi nga di pa ako lubusang magaling sa aking karamdaman ngayon.
siguro mumunimunihin ko itong panaginip ko na ito at magpapahinga muna din ako ng konti..tapos mag susubok akong ipaliwanag sya sa abot ng aking makakaya o imahinasyon.
o sya! eto na muna..GISIGN NA AKO EH! tama na usapang panaginip..usapang LINUX na ULIT! kahit pa may sakit ako..tsk tsk tsk..kaya!

2 comments:

Unknown said...

parang ito na yong pinaka ITng IT na isinulat mo ha... sobrang tekky.... siguro ito ang sikreto mo sa pagiging magaling mo sa linux at iba pa... sana graphic din akong managinip, para gumaling din ako... har har har

walangmalay said...

kailangan ng freudian powers dito... si gary ay si linus... may pagnanasa ka kay linus!!!!