Thursday, September 13, 2007

mahirap magkasakit

Grabe ang sakit ng ulo ko at ang bigat ng likod ko..tapos may sipon sipon pa ako ngayon..kainis, (parang pasan ko yung daigdig) eh kasi ba naman mag lagnat ako ngayon! siguro sa sunod sunod na puyat,walang tulugan at pag ulan ang naging sanhi nito...pero syempre! laban..ika nga..kasi isa sa motto namin dito sa opis eh.."bawal mag kasakit" kaya nahihiya tuloy ako..kaya eto..dinadaan ko sa pagkain ng lugaw mga kung ano anong pagkain na hinahain sa akin..kasi kailangan gumaling agad ako. kahit pa parang lasang bulak yung kinakain ko..lahat walang lasa.. dahil wala pa akong panlasa.

syempre bukod sa pagkain, GAMOT din yung best friend ko ngayon...buti may alarm clock ako na remind ng remind sa akin na kailangan ko ng uminom..buti hindi ako pinapalo ng alarm clock ko...hehehe...mahirap kasi akong painomin ng gamot lalo na nung bata pa ako.

tuloy tuloy na gamot! kaya kayo..alagaan nyo sarili nyo.."MAHIRAP MAGKASAKIT"

sana bukas malakas at magaling na ako. ang dami kong atang miting bukas.

pero ang maganda naman pag nagkakasakit ka..may mga bago kang natututunan.
tulad ng " GUAIFENESIS" is the generic name for robitussin. hehehe
mahina talaga ako sa mga gamot gamot...di tulad ng iba dyan...adik na.
tsaka kailangan ko palang uminom din ng alaxan para sa masakit na masel masel ko...
sabi ni pacquiao mabisa daw iyon...BISA NG DALAWA!

o bakit ba kasi nasa office pa ako ngayon? eh kailangan ngang magpahinga.
kasi ba naman may inayos lang kaming isang client/kaibigan na email system.
kasi ba naman...na OPENRELAY..kasi kung ano anong ginagawa sa server eh.
pero ayun solve naman na. Bukod dun pumunta din kasi si Sam sa office (orvillenetworx)
para ayusin yung portforwading ng AIRLIVE router na inoffer nila. malaking bagay din kasi
pag napagana ito dahil malaki ang maitutuling nito para pababain yugn cost ng VoIP/Asterisk server na inooffer namin. di nga lang nila natapos ngayon..bale Sam..kayang kaya nyo iyan babalik daw sila sa office bukas ng after lunch.

ay salamat sa nanlibre sa office ng DOMINO PIZZA! isa nga lang nakain ko.
o sige nood na ako ng SAKSI!(update kay ERAP sa bagyong darating na si FALCON) eto't naririnig ko na yung boses nila Arnold Clavio at Vicky Morales.

...sama-sama tayo maging SAKSI!...

2 comments:

walangmalay said...

naku, naku, bawal magkasakit! buhuhu, pero hindi naman bawal magpahinga di ba?

dapat pala may policy din sa mga resting periods.

Meric Mara said...

oo nga bat di tayo gumawa ng policy na ganun?..teka..kaya ko ba iyon? meeting..meeting..meeting..