Matanong ko lang? bakit ba lagi kami sa BO's nagmimiting?
kayo? saan ba kayo madalas dinadala ng mga Boss nyo twing mag mimiting? tuwing may kamiting? eh..aba..kayo ng sumagot nyan. ako siguro bibigyan ko lang ng dahilan kung bakit sa 8layer madalas sa BO's coffee club sa Robinson galleria kami nag mimititing.
maraming kasing dahilan.
pero kung sasabihin ko sa madaling salita...ITO KASI ANG PAMBANSANG TAMBAYAN NG MGA 8LIENS. nakasanayan at makasaysayan na kasi ito para sa amin. dito kasi kami nag hihire ng mga tao namin, dito namin kinakausap na usapang tao at kaibigan at mga tao namin..dito kasi lahat ng mga 8liens pantay pantay..walang BOSS..BO's coffe lang. masarap din kasi na sa katulad naming kumpanya meron kaming isang lugar na ganito..bukod sa masarap yung kape may libre kasing WI-FI sa lugar na ito..pwede din kaming makisaksak ng laptop namin pag nalolobat na. nagagamit din namin yung lugar na ito para magsimulate ng mga project namin using "remote connection"
tulad ng nasabi ko..masyadong makasaysayan yung lugar. may mga tao na kasi kaming dahil hindi kayang sumabay sa amin o hindi mala "einstein" (for more information check this site http://dyenibib.blogspot.com/ at pakibasa yung "Doon sa Walong Patong" ) dito namin kinakausap at sinasabing..DI KA SWAK sa amin (di ka "right fit" or 8liens)..kung baga sa "BAHAY NI KUYA".....Toot..toot...KUNIN MO NA ANG MGA GAMIT MO AT MAG PAALAM KA NA SA MGA HOUSEMATE" dito din namin nirereward naman yung mga tunay na 8liens.
kung magtatanong kayo bakit ito yung BLOG ko ngayon eh ang dami ko namang pwede itopic lalo na't bugbog ako sa mga projects ngayon...eh kasi! kamakailan lang, may nakita kasi akong hindi kaaya aya sa lugar na ito. bago ko ituloy...naiisip ko lang kasi na talagang may mga taong "MAHINA" o TALAGANG HINDI NAG AANALISA" alam ng mali yung mga ginagawa o gagawin..PATAY MALE pa! ewan ko ba..at consistent ba dun kabaliktaran nga ng sabi ng isa sa mga paborito kong awtor ng LIBRO na si John Maxwell "A person who is successful has simply formed the habit of doing things that unsuccessful people will not do." may mga taong consistent na gumagawa ng mga kaululan at mga kahunghangan...puro porma lang...o ibalik ko na sa kwento ko...may isa kasing tao na may atraso sa amin na alam na tambayan na namin iyon aba..dun din tumatambay at naghahakot ng mga makakausap nyang client (sana lang tama yung pag deal nya sa client at wala ng illegal na gawain...wag naman po sanang dagdagan yung mga nililinis naming mga kalat nila sa merkado at industria) naisip ko lang kasi..parang ang hirap gawin ng ganun hindi mo pa nareresolve yugn issue mo pero di ba..the worx yung kapal! but anyway..di naman sa akin yung BO's at malaya namang tumambay kahit sino dun, tsaka maiintindihan mo kasi nga.."KAPOS" may mga taong di alam lumugar,di alam ang tama at mali..di na natuto. sa madaling sabi (ISANG SALITA NA APAT NA LETRA ngunit DALAWA..clue..ang isa sa mga letra ay walang kabuluhan o bokya..gets!????) yaan mo na nga! ang maganda naman nung araw na iyon..kasi NAGMITING AT NAG UPDATE DIN KAMI NG mga 8liens...."first time" na nangyari sa amin na makashoot kami ng halagang tu..tooot account..4 na client sa araw na iyon.
sarap! mabuhay ang 8liens.
o sya! balik muna ako sa console ko..nabisita ko lang naman itong tambayan ko at nag iwan lang ng notes..sabi ko kasi 5mins lang na break. nag reready kasi ako ng mga programs at mga scripts processes para sa lunes! dedeploy na kami eh.yehey! Henyostein,Wittdengstein at jkulstein miting tayo sa monday para sa project na ito...dating gawi! Enterprise grade na Solution in 1 week. o ha!
No comments:
Post a Comment