Wednesday, September 05, 2007

isang oras palang

mula kahapon hanggang ngayon isang oras palang ako natutulog (idlip pala..di pala tulog). medyo madaming ginagawa talaga..kakagaling namin galing sa batino laguna, nag present kami ng ICT manual ng isang client na naka align sa tinatarget nilang ISo certification. ang masaya diretso na sa implementation yung gimawa namin. ang dami ginawa (kahit halos isang batalyon kaming dumayo para ayusin yung infra at mga application nila)...PERO ang maganda maayos naman naming na execute at masaya. sabayan pa ng mga kulitan ng mga 8liens habang ginawa yung mga bagay bagay na iyon...yugn pauwi nga eh..nag KFC pa kami sa south express way. (ngayon nalang ulit ako nakakain ng KFC..puro mcdo kasi lately yugn pinagkakain namin lalo pag alanganing oras na..isan dial lang sa 8MCDO eh..di ka natatayo..lalayo sa harap ng laptop m0)..ayun kaya ngayon palang ako nagsisimulang antukin kaya medyo mag iiwan muna ako ng munting note dito sa aking "bahay sa net'. halos 34 hours ba akong gising..parang panahon tuloy yung nasa ISP pa ako. iyon nga eh..3 days di kami natutulog..ligo puro linux lang at "pine" tuwing mag checheck ng email.

*yung pag checheck kasi ng email yung parang pahinga namin nun...sa damign sinusuport at mga projects...ay nakalimutan ko..nag lalasing din pala kami nun..para celebration sa mga natatapos naming projects..salamat boss cris at boss rey sa panlilibre. hehehe! o ayan naalala ko pa yung lasingan natin ng tropang pworld.

dun sa ibang nagrerequest o mga humihingi ng mga tulong..PASENSYA PO MUNA..di ko pa magawa kasi wala pa akong lakas. bagsak na yung mata ko. kukuha lang ako ng konting kapangyarihan tapos ratratin natin yung mga request.

nga pala, may nakuha akong email regarding this event. "

Software Freedom Day 2007 Celebration

Iniisip kong makidalo at makisilip sa okasyon..sana lang wala akong masyadong ginagawa sa darating sa petsa na ito. kasi sunod sunod yung training na ki-noconduct ko sa linux at naimbita pa akong speaker isang seminar na gaganapin sa batangas next week.

eto yung URL ng EVENT: http://www.cp-union.org/cms/?q=node/43

o sya..tulog na muna ako! zzzzzzzzzzzzzzzz

No comments: