Ano ang sabi ni tatay?
Sino ba sa atin ang dumaan sa pagkabata ng walagn kalaro? Ikaw? Sya? Sila? Sino?
Marahil wala…ako kasi yung bata ako madami akogn kalaro..batang lansangan nga ako eh..mga dayo sa lugar naming mga kababata ko o mga taal dun sa lugar naming ang madalas kong mga kalaro..meron din akong pinsan na katabi na sa katabing bahay lang namin nakatira. Naalala ko kasi yung bata ako..wala kasi akong masyadong laruan..kaya nga nagsimula na akong mag collecta nitong nagkatrabaho na ako. Ang mga laruan ko dati eh taguang pong,luksung tinik,taguan singsing at iba pang mga ganitong uri.
Minsan nga naaalala ko pag may mga kumpare at kumare si papa at mama na pupunta sa bahay tapos may mga kasamang bata, naiingit pa ako nun kasi may mga laruang robot barilbarilan sila. Tapos minsan ang nakakatuwa kasi naiiwan nila sa bahay naming yung mga laruan na iyon. Syempre dahil wala akong mga ganung klaseng laruan tinatago at nilalaro ko sya at pinatawag ko pa ang pinsan ko para may kasama akong mag laro ng mga naiwang laruan..pero sandaling aliw lang! kasi pag nakikita na papa ko yung mga ganung bagay..pinapalo agad ako..kami!..MALALAKAS NA PALO! kailangan naming isauli sa may ari yung mga laruan..kahit pa lalakad lang kami papunta sa mga bahay nila at malayo..kailangan gawin at isauli..hanggang sa dumating nap unto na din a kailangan sabihin ng papa ko yung mga bagay na iyon..pag may nakita akong laruan sa bahay yung bata ako..ako na mismo ang nagtatanong sa papa ko kung sino ang huling bisita nya dahil may nakaiwan ng laruan..at itatakbo ko pa iyon para ibalik sa mayari..hanggang sa lumaki na ako! Pag may mga bagay na alam kong hindi sa akin..isinasauli ko agad..di kasi ako nasanay “MANGAMKAM” ng bagay na di sa akin di pinaghirapan. Mahirap ng masabihang Mangangamkam no..o kaya mapagbitawan ng salitang “KAMKAMIN BA NAMAN”
Kaya nga minsan pag may mga istorya akong naririnig, mga pangyayari na patungkol sa mga ito..tulad ng hindi pagsauli ng gamit na hindi sa kanya..naiisip ko nalang..siguro mahina yung disiplina na inabot nito sa magulang nung bata pa sya…mahina ang pundasyon ng tamang pag-uugali..lalo na patungkol sa pagsa uli o di kaya ay hindi sya naturuang mag sauli agad…dapat kasi bata palang nahuhubog na ito.. Ang mga ganitong tao kasi ay yung mga taong walang bilib sa sarili..di sinasauli ang mga bagay bagay dahil hindi kaya gumawa ng ganung bagay din. O maari ding kolektor.. =) (may mga ganitong uri din kasi)
O di kaya ay likas lang sa kanila nag wag mag sauli at gawin katatawanan ang mga sitwasyon..yung mala “E ENO NGAYON’ basta ang mahalaga akin ito..ika nga nung bata..”TUPLA-TSE—ISANG BASONG IHE”
Kaya ano ang sabi ni tatay? Ang kay juan ay kay juan ang kay pedro ay kay pedro.
Mag sauli ng gamit na hindi para sa inyo.
2 comments:
naku... natamaan ako dyan sa blogpost mo igan... e paano kung iniwan ang isang bagay na hindi akin, pero ayaw namang angkinin at kailangang may umangkin?
gaya ng mga responsibilidad at pagkakautang (ma ito'y pera man o mga gawaing hindi natapos nang maayos?)... may naniningil at may mga galit na napangakuan...
pano ba ang gagawin ko, e di kamkamin ko na lang.
pasensya at patawad sa aking pangangamkam... (sa konseptong, hindi akin, pero inangkin ko na lang)
ano ako si kuya cesar? humihingi ka ba ng advise?
ang masasabi ko lang...
isa kang mangangamkam talaga ng mga problemang iniiwan ng mga taong walang tamang bait.
ang sinasabi ko lang sa BLOG ko..
gamit..gamit! halimbawa: laruan,LAPTOP at kaya baso sa mesa...lapis..bollpen...source code...parang ganun.
iyon lang naman! mahirap atang mapalo...buti kung bata ka pa..okay lang..pero pag matanda na kasi..ay sya!
Post a Comment