Monday, September 17, 2007

SM West

Gabi na ng makarating ako sa SM west mga alasyete, medyo naglibot libot ako ng kaunti.

Una, pumunta muna ako sa burger king at bumili ako ng promo nila burger yung whopper jr. na may kasamang Sunday,coke at frech fries. Dun ko inuna kasi may libreng wi-fi din dun iniisip ko kasi na mag check ng mga emails habang kinakargahan ang aking nagugutom na sikmura. Pero sa kasawiang palad down pala yung wi-fi nila kaso nabili ko na yung pagkain…dahil dito French fries at Sunday nalagn yung binanatan ko sabay larga na agad at nagsimulang maglakad lakad..ang daming tao talaga sa SM pag lingo..parang din a sya naiiba sa mga ibang mall tulad ng tutuban…tumungo ako sa toy land kasi isa din iyon sa tambayan ko tuwing maliligaw ako dun..nagtitingin ng mga murang laruan meron din kasi akong mga koleksyon na laruan, mga action figures at kung ano ano pa..sa pag kakataong ito medyo iba naman yugn binili ko. Isang TOMY na laruan sasakyan yung maliit..HUMMER H2 na black…bakit? Igogoal ko kasi na sana magkaroon ako nito balang araw. Sana lang naman! Di naman masamang mangarap..libre lang naman! ..tsaka sikap lang..patas...magkakaroon din ako nyan..maganda yung hummer..solve ako dun..di tulad ng iba CROSSWIND yung nakuha..pero sinikap sa pamamagitan ng mga piratang CD at pandudugas…o paglalagay sa mga kliyenteng nilalapitan..actaully..di pala client..mga IT manager o mga piling BOSS ng mga kumpanya na iyon..di naman talaga sya tumutulong sa company o client nya..titutulungan nya eh yung individual lang na nagugutom at hayok sa kalokohan..para lamang sa parehas nilang mga bulsa at materyal na kaligayahan..(sabagay may linggo naman..araw ng samba tulad ng araw ngayon..kaya malinis na ulit ang mga susunod na transaksyunan)

.....At least meron na akong HUMMER H2 pa. kahit maliit lang..didiligan ko nalang..baka sakaling lumaki... hehehe..Pag tapos nun punta na ako sa CYBERZONE dito ako nag titingin tingin naman ng mga gudget sa computer at cellphone..kaya lang wala akong na pusuan ngayon, kaya bumili nalang ako ng mga BLANK CD’s 50pcs na imation worth 475 pesos. Gagamitin ko kasi ito dahil may mga bagong distro ako ng linux na nadownload kahapon na balak kong iburn na at umpisahang laruin next week.

Ngayon naman habang sinusulat ko ito na ipopost ko sa blog ko mamaya. Nandito na ako sa labas ng SM sa isang kapihan sa “THE COFFEE EXPERIENCE” sa gitna ng mga ibat ibat uri ng tao, sa harap ng laptop ko na katabi ng caffe mocha large na binili ko. Medyo mausok ang paligid! Mga binata at naggagandahang mga dalaga/dalagita ang mga nakapaligid sa akin..nagtatawanan..nagkukwentuhan..landian..may mga nakataas ang paa sa upuan sa mesa may mga dalang i-pod at kumakanta at palit yosihan ang mga trip..anyway..wala naman akong pakiaalam sa kanila di ko naman sila kilala. natutuwa lang ako kasi naalala ko yung nagbibinata ako..katabi kasi ay libro..tatawag sa mga kaibigan noon..bibiita sa bahay ng kaklase ,ag titrip ng PIANO..gagawa ng mga TULA at kakain ng mga luto ng mga nanay nanay namin. Wala pa kasing ganitong kapihan noon.

Masarap din palang mag isa..minsan..di ko pa kasi naranasan yung ganito..madami kayo sa isang lugar na maingay at mayosi..di ka umiinom..pero ikaw lang mag isa at laptop mo lang ang kausap mo…maingay na paligid ngunit di nila kayang agawin ang tinatawag na kapangyarihan ng FOCUS..malaya ang pagiisip at tuloy tuloy at mag tatype …nagoobserba..nagmamasid sa bawat katabi at masayang ineenjoy at mga kaganapan..eto kaya ay isang uri ng pag rerelax? Marahil!!! Pag rerelax at pag titrip.

Sa ngayon kasi kailangan kong mag sulat ng magsulat..hasain itong biyaya na ito..
Kasi nais ko sana na bago manlang ako pumanaw may isa akong maisusulat na libro..naumpisahan ko na sya..at di ako papayag na di sya matapos..nais kong maibabahagi ko sa aking mga supling..di kailangan maipublish..mga karanasan..nakasulat na karanasan..kamalian..pagkatuto..mga ibat ibat klase ng tao….kaibigan..kaikaibigan..nakikikaibigan…ibat ibat kaganapan..ang noon at ang ngayon..ano ang mga meron? Ganun lang kasimple!

Alas onse na ng gabi....nagsisimula ng isara ang kapihan! Yung waiter eh isa isa ng pinupunasan ang mga mesa at isinasalansan ang mga upuang aluminum.

Nakaisang chapter na ako ulit sa pagsusulat para librong pinagkakaabalahan ko sa bawat libreng oras na mananakaw ko sa trabaho tulad ng panahon na ito..

KAYA,Pahinga na muna!

No comments: