Yung nasa eskwelahan ako; sinabi lang ng mga titser ko yung mga ekspektation nila para pumasa at makagradweyt ako. Di na nila itinuro kung paano ko gagawin,kung anong ballpen yung gagamitin ko, kung sino ang mga babarkadahin ko, kung kalian ako pupunta ng library, anong araw lang ako magpupuyat, kung paano at ano ang mga chapter ng libro ang babasahin ko, paano ko isosolve yung mga assignment namin na may math..kung long method o short method..kung ibobox yung sagot i bibilugan.
LAHAT NG ITO..DISKARTE KO! Ibig sabihin isa sa mahalagang natutunan ko sa eskwelahan ay "diskarte".
bibigyan kalang ng isang problema..ikaw ng bahala kung paano mo sasagutin.
..ako ang bahala..madalas na inuunahan ko na ang mga mga subjects namin sa araw araw (nakikibrainstorming na ako sa mga matitinik ko ding mga kakklase..sila fajardo..parcon..tusi..etc..naks..special mension pa itong mga kabilyaran ko at ka laban sa warcraft nung college..kainis..hehehehe)
madalas inaapply ko yung natutunan ko sa mga science experiment namin.
- isunusulat ko ano yung problem
- tapos aanalisahin ano ng mga given
- tapos aaralin kung paano isosolve ng tama sa mabilis at akmang panahon at bagay
- tapos isusulat yung sagot o solution
- tapos "i therefore conclude na" hehehe
- tapos ipapasa na yung papel
inuunahan ko na din yung mga titser ko..at nagshasshare ako sa mga classmate ko nun....nakakapagbilyar pa nga ako at nakaka Go-CART,nakaka pasyal sa mga probisya ng mga kaibigan nung panahon na iyon na namamaintain ko yung aking grado.
Siguro ito yung isang mahalagang bagay na nais kong iiwan sa mga nag OJT sa amin..(sa mga makakabasa nadin) pagmahina ang diskarte mo..malamang lamang..ikaw yung kulelat sa grupo..yung iba ang tawag dito..BALAGOONG..sa mga sosyal..EIIIIW!..
sa 8liens..KOPLOKS or KUPS or kung saan mang samahan (bansag na nila iyon)
malalaman mo naman iyon kapag ikaw ay:
1. lagi lang naghihintay ng mga Gawain
2. lagi kang napapagalitan at dahilan ng dahilan
3. at para kang isang balakubak ng grupo dahil ang sarap mong tanggalin sa anit..eeiiwwww!!!
4. di mo nagagawa ng mabilis yung mga ROUTINE NA WORK..eto yung mga bagay bagay na magagawa mo ng pag sunod lamang ng step1..step2..step3..etc…WALANG formula ito kaya madali lang sya..
o para mga OJT namin, sana sa susunod na magkita tayo..sana natutunun nyo yung mga bagay bagay na naituro ng 8liens sa inyo..hindi sa mga gawaing technical at propesyunal…inuman at huntahan..kainan at mga kagaguhan…"tamang" DISKARTE LANG MGA KAIBIGAN! OK?
paalala IBA ANG DISKARTE SA PANDURUGAS. Amen.
No comments:
Post a Comment