Monday, November 04, 2024

Pero bakit nga ba tayo dumadalaw sa mga yumao?

Kanina pa lang, excited na kaming bumiyahe papuntang Bulacan para dalawin si Mama. Kahit may traffic, handa kami. Pagdating namin, pahinga muna kami, bumili ng ice cream, at nagsimula sa pagdarasal. Matapos nito, naglinis kami ng puntod at natuwa kami sa ganda ng kinalabasan.

Pero bakit nga ba tayo dumadalaw sa mga yumao? Para ipakita na mahal natin sila, kahit wala na sila sa piling natin. Ang simpleng paglinis, pag-aalay ng bulaklak, at panalangin ay pagpaparamdam na hindi natin sila nakakalimutan. Sa ganitong mga sandali, nadadala natin ang kanilang alaala at mga aral sa ating buhay.
Sa bawat pagdalaw, pinapaalala sa atin ang halaga ng pamilya at pagmamahalan—mga bagay na patuloy nating pinapalago at ipinapasa sa susunod na henerasyon.







No comments: