Monday, November 25, 2024

Laging may liwanag

 Sa tahimik na kalinga ng kalikasan, sa tuktok ng bundok na tila naghahaplos sa kalangitan, ako’y huminto at humiling. Isang taimtim na panalangin ang umalpas mula sa puso—para sa aking pamilya, sa trabaho, sa mga kaibigan, at sa mga tunay na mahalaga sa buhay namin.

Taas ang kamay, Nawa’y umulan ng biyaya sa bawat hakbang na ating tatahakin, ng pag-ibig na magpapalambot sa ating mga puso, at ng lakas upang harapin ang bawat hamon. Para sa mas maunlad na pamayanan at payapang bayan, ipagpatuloy natin ang pagkilos nang may malasakit at pag-asa.
Ang mga bundok, Hagdang palayan at luntiang paligid ay paalala na sa kabila ng lahat, laging may liwanag at biyayang nakalaan sa atin.











No comments: