Habang nag-aantay sa aking ibang takeout dito sa McDo sa Anonas.
Ang tunay na aral ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang alam natin, kundi kung paano natin ginagamit ang kaalaman upang makapagbahagi at makatulong sa iba. Kung mayroong hindi maalam, gawing oportunidad ang sitwasyon upang magturo, hindi upang manghusga. Ang paghatol at pangmamaliit ay nagmumula sa mga taong nag-aakalang alam nila ang lahat, ngunit hindi naman handang mag-ambag sa kaalaman ng iba.
Mas mainam ang tahimik na nagpapalalim ng kaalaman kaysa ang maingay na nag-aakalang sapat na ang kanyang alam. Ang taong tunay na aral ay hindi nagpapanggap; marunong siyang magbigay-galang, magbahagi ng nalalaman, at may malasakit na paglingkod sa kapwa. Sa ganitong paraan, hindi lamang nagiging maalam, kundi nagiging makabuluhan ang ating natutunan.
No comments:
Post a Comment