LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Saturday, November 30, 2024
Magpatawad, magparaya, at hayaang gumaan ang iyong buhay
Wednesday, November 27, 2024
Sa mundong punô ng hamon at mga suliranin
Sa mundong punô ng hamon at mga suliranin, laging may dalawang klase ng tao na makikita sa bawat sitwasyon. Ang una ay ang mga handang sumulong, buuin ang nasira, at humanap ng solusyon. Sila ang tinatawag na mga solusyonaryo — mga taong hindi natatakot humarap sa problema. Nakikita nila ang mga hamon bilang pagkakataon upang umunlad at magbago. Bagamat hindi sila perpekto, inuuna nila ang pagkilos kaysa sa reklamo. Ang ganitong uri ng tao ay mahalaga sa isang organisasyon o komunidad dahil sila ang nagbibigay-liwanag kahit sa pinakamasalimuot na sitwasyon. Ang kanilang pananaw ay palaging nakatuon sa tanong na, "Paano tayo uusad?" imbes na, "Sino ang dapat sisihin?"
Sa kabilang banda, mayroong mga taong iwas nang iwas sa responsibilidad at mas madalas na sinisisi ang kultura o sistema sa mga pagkukulang, ngunit hindi nila napapansin na sila rin ang bahagi ng problema. Ang mga ganitong tao ay madalas nagpapabigat sa sitwasyon sa halip na tumulong. Sila ang tipo ng tao na nagsasabing wala silang natatanggap na kabayaran sa kanilang ginagawa, ngunit sa totoo’y sila ang kumukuha ng yaman ng organisasyon nang walang naibibigay na ambag. Bukod dito, kung minsan, kapag sila ay napuna o nakitaan ng pagkakamali, nagbabanta pa sila ng gulo o mas malaking problema, sa halip na ayusin ang kanilang pagkukulang.
Sa ganitong mga pagkakataon, mahalagang matutunan ang ilang mahahalagang aral. Una, tukuyin ang sariling papel sa anumang sitwasyon—ako ba’y nagiging bahagi ng solusyon, o nagpapalala ng problema? Ang pagiging responsable sa ating mga kilos ay unang hakbang tungo sa mas maayos na samahan. Ikalawa, kilalanin ang kaibahan ng kritisismo sa pagiging solusyonaryo. Ang reklamo nang walang konkretong layunin o aksyon ay walang maidudulot na mabuti. Panghuli, ang epekto ng ating mga pagkilos, gaano man kaliit, ay bahagi ng pagbubuo ng isang mas maayos na kultura. Kung ang bawat isa ay magtuturo lamang ng mali sa iba, walang mangyayaring pagbabago, ngunit kung magsisimula sa sariling disiplina at kontribusyon, maaaring mabuo ang isang komunidad na mas matatag.
Sa bawat sitwasyong puno ng hamon, tayo ba ay nagiging liwanag o anino? Ang buhay ay laging may mga taong mahilig magreklamo, magturo, at magpabigat, ngunit mahalagang piliin natin ang maging bahagi ng solusyon. Ang pagbabago ay laging nagsisimula sa sarili, at sa bandang huli, mahalaga ang tanong: Sa gitna ng problema, paano mo gustong maalala—bilang taong sumuporta at nag-ayos, o bilang taong nagpalala ng gulo?
Tahanan ng mga aral
Ang pagbisita sa Buscalan ay nagbigay sa amin ng pagkakataong matutunan ang mga simpleng aral na may malalim na kahulugan para sa buhay. Habang naglalakad kami sa matarik at makikitid na daan at nalalanghap ang sariwang hangin ng kabundukan, unti-unti naming napagtanto ang halaga ng mga payak na bagay. Ang pagbabasa ng kanilang kasaysayan at pakikinig sa kanilang mga kuwento ay nagpaalala na, "Kung nais mong husayan ang pagsusulat, magbasa nang higit." Ang mga kwento at mga tatoo sa kanilang mga balat ay tila salamin ng kanilang pagkatao at kultura, na nagtutulak sa amin na isulat ang aming sariling mga kwento. Sa katahimikan ng kabundukan, natutunan naming ang pahinga ay mahalaga—na, "Kung nais mong magtaglay ng sigla, magpahinga nang sapat."
Ang pagbabalik sa Buscalan
Sa pagtapak ko sa Buscalan, parang napadpad ako sa ibang bersyon ng mundo—isang lugar kung saan umiiral pa rin ang mga sinaunang kwento, tradisyon, at simpleng pamumuhay. Bagamat pangalawang pagkakataon ko na itong bumalik mula noong walong taon na ang nakalipas, ibang-iba na ang aking naranasan. Ang dating mahaba at maputik na lakaran ay napalitan ng isang modernong 137-meter hanging bridge na pinondohan ni Robin Padilla. Wala pa itong pangalan, pero malinaw ang naging epekto nito—mas ligtas at masaya ang pag-akyat sa pamayanan ng Buscalan.
Pagdating sa Pamayanan ng Buscalan
Sa itaas, sinalubong kami ng malamig na hangin, tanawin ng kabundukan, at ang pamayaman na tila pinalamutian ng ulap. Kaunting hingal, ngunit sulit ang paglalakbay. Dito kami tumuloy sa Selam’s Eatery, na nagsisilbi na rin bilang pahingahan ng mga bisita. Maraming salamat kay Ate Selma sa kanyang mainit na pagtanggap. Ang kanyang pa-“Flower” noong gabi ay hindi namin malilimutan, isang simpleng gesture na nagbigay ng kakaibang saya sa aming grupo.
Kasama ng masarap na kwentuhan ay ang masarap na pagkain—adobo, sinigang, piniritong bangus, at tuyo. At para sa mga techy tulad ko, hindi kailangang mag-alala! May Starlink sa bahay na paupahan ni Ate Selma. Ang bilis ng internet ay sapat upang maipagpatuloy ang mga trabaho kahit nasa ganitong lugar ka.
Ang Ritwal ng Batok
Isa sa mga layunin ko sa pagpunta rito ay ang magpatattoo, kaya’t nagpasalamat ako kay Ate Tin, ang mambabatok na nagdisenyo ng aking tattoo na “Sun and Moon.” Sa Buscalan, may sistema na ngayon—ang bawat disenyo ay nagkakahalaga ng ₱1,500 hanggang ₱5,000, at ang stick na ginagamit ay may dagdag na ₱300. Matapos ang sesyon ng tattoo, may opsyon ang mga bisita na lagyan ng pirma ni Apo Whang-Od, ang kanyang tatlong tuldok na signature.
Ang Umaga ng Sea of Clouds
Ang pinakamasarap na bahagi ng bawat araw ay ang paggising nang maaga para abangan ang sea of clouds. Kasabay nito ay ang mainit na kape at ang tilaok ng mga manok, na tila nag-aanyaya ng bagong simula. Ang ganda ng tanawin ay tila pintura ng kalikasan—mahirap itong ipaliwanag, pero ramdam na ramdam mo ang koneksyon sa mundo.
Si Apo Whang-Od at Ang Tunay na Sining
Sa gitna ng lahat ng ito ay si Apo Whang-Od, ang pinakamatandang mambabatok sa Buscalan. Sa bawat tik ng kanyang pambabatok, parang musika ang tunog—isang ritmo ng kultura at kasaysayan. Ang kanyang tatlong tuldok, bagamat simple, ay sumisimbolo ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ito ay marka ng isang malalim na koneksyon, hindi lamang sa sining kundi sa diwa ng pagiging Pilipino.
Pagninilay
Ang aking karanasan sa Buscalan ay higit pa sa simpleng paglalakbay. Ito ay isang pagninilay sa kultura at kasaysayan na dapat ipagmalaki. Ang bawat marka ng batok ay nagdadala ng kwento—isang kwento ng lakbay, pakikiisa, at pagmamalaki sa ating lahi. Sa Buscalan, natutunan ko na ang tunay na kayamanan ay nasa mga simpleng bagay—sa mainit na pagtanggap, sa mga kwentong bukas sa lahat, at sa mga tradisyong nag-uugnay sa atin sa nakaraan at kasalukuyan. Tunay na isang makulay na karanasan na puno ng aral sa bawat eksena.
Malaking pasasalamat sa NeilGem Travel Adventure para sa isang di malilimutang karanasan sa Buscalan, Kalinga! Mula sa maayos at komportableng biyahe sa van, maaliwalas na tirahan, masasarap na pagkain, at kamangha-manghang adventure—napakahusay ng lahat. Napadali at napakasaya ninyo ang aming biyahe kaya’t siguradong magbabalik kami para sa susunod na lakbay! Espesyal na pasasalamat kina Gem, Jibby, Bogs at sa buong grupo na nakasama namin. Ang inyong masayang samahan at mga kwentuhan ang nagbigay-kulay sa biyahe. Isang karangalan ang magkaroon ng mga bagong kaibigan at maibahagi ang ganitong klaseng karanasan.
Hanggang sa susunod na adventure! Maraming salamat sa inyong lahat!
Monday, November 25, 2024
Laging may liwanag
Sa tahimik na kalinga ng kalikasan, sa tuktok ng bundok na tila naghahaplos sa kalangitan, ako’y huminto at humiling. Isang taimtim na panalangin ang umalpas mula sa puso—para sa aking pamilya, sa trabaho, sa mga kaibigan, at sa mga tunay na mahalaga sa buhay namin.
Sun and Moon
There’s something magical about stepping back into a place that feels like a piece of living history. After a 14-hour journey from Manila, I found myself once again in Tattoo Village, Tinglayan, Kalinga—the home of the legendary Apo Whang-Od, the oldest and most celebrated mambabatok (traditional tattoo artist) of the Philippines.
This wasn’t my first visit, but every trip here feels like the first. The village, with its breathtaking mountain views, crisp air, and warm community, radiates a timeless spirit. It’s a place where tradition is not just preserved but lived, where every tattoo is more than art—it’s a story, a connection, a symbol of life itself.
A New Chapter on My Skin
This time, I chose the Sun and Moon design, a pattern rich with meaning. For the people of Kalinga, it symbolizes "Long Life." It’s a profound message, one that resonates deeply with me as I reflect on my journey—not just to Tinglayan but through life itself.
The process, as always, was meditative. With each tap of the thorn on my skin, I felt more grounded, more connected to the wisdom passed down through generations. It’s not just about the ink—it’s about the intention, the respect for the craft, and the cultural heritage it represents.
Apo Whang-Od’s Legacy
Apo Whang-Od, though now in her 100s, continues to inspire with her dedication to the art. She trains younger generations, ensuring the tradition of batok lives on. Watching her work is like witnessing a dance—a seamless flow of skill and reverence for her craft.
Every visitor she tattoos carries a piece of this legacy. For many, it’s a spiritual experience. For me, it’s a reminder of the enduring power of tradition and the stories we choose to carry with us.
The Journey That Matters
Getting to Tinglayan is no easy feat. The long drive, the rugged roads, and the steep trek to the village demand patience and determination. But as the saying goes, the journey is as important as the destination. Each mile traveled is a testament to how far one is willing to go for an experience that enriches the soul.
When I arrived, the familiar sights and faces welcomed me back like an old friend. The simplicity of village life has a way of grounding you, reminding you of what truly matters.
Carrying Tradition Forward
The Sun and Moon now etched on my skin are more than a design; they’re a living connection to the Kalinga people, to their wisdom and way of life. It’s a piece of their world I carry with me, a reminder to live fully, to honor the past, and to embrace the beauty of our shared human journey.
Saturday, November 16, 2024
Ang ating Christmas tree ay handa na
Para sa nalalapit na kapaskuhan, Ang ating Christmas tree ay handa na—pero kulang pa ng mga pasabit. Tingin nyo? labubu? at syempre kailangan pa din ng tala sa tuktok para mas kumislap ito!
May dekorasyon ka bang puwedeng ibahagi? Ang iyong maliit na regalo ay magdadala ng malaking saya sa ating lahat.
Sama-sama nating gawing mas makulay ang Pasko. Magbigay, magpasaya, at magparamdam ng pagmamahal ngayong kapaskuhan.
Magandang gabi
Tuesday, November 12, 2024
Maging makabuluhan sa ating mga natututunan
Puppet
Habang nagkakape
May bihirang pagkakataon ang bawat isa na mapabilang sa isang grupo na tunay na nagmamalasakit at nagpapahalaga sa komunidad. Mahalaga ang bawat hakbang na ating gagawin, sapagkat dito nakikita kung ano ang tunay nating layunin at pinahahalagahan. Ang pagpapakalat ng tamang impormasyon, at ang pagkakaroon ng integridad sa bawat salita, ay nagpapalalim sa ating pagkakaisa at nagtataguyod ng respeto sa bawat miyembro.
Ang pagiging totoo sa iyong sarili at sa iyong mga kasama ay isang hakbang patungo sa mas mabuting samahan. Iwasan ang paninira o tsismis, sapagkat ang pagkakaroon ng malasakit at katapatan ang tunay na nagpapakita ng ating hangaring umunlad at magtagumpay, hindi lamang para sa sarili kundi para sa ikabubuti ng lahat. Tandaan, ang bawat tao sa paligid natin ay may mahalagang papel—ang mga magpapayo sa atin kapag tayo ay nagkamali, at ang mga magtataguyod sa atin patungo sa mas mataas na layunin. "Malas ka kung wala kang tunay na mga tao sa paligid mo na sasaway sa'yo at hinahayaan kang gumawa ng masama laban sa iyong kapwa. Marahil ay ginagamit ka lang nila para sa kanilang sariling pakinabang o kaya'y isa ka lamang puppet sa kanilang mga kamay."Wednesday, November 06, 2024
Sa Likod ng Bawat Ngiti
Sa Barangay Bagong Pag-asa sa bayan ng QC, nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga kabataan at matatanda. Pinangunahan ni Marco ang mga kabataan na nagnais magdaos ng mga aktibidad, habang nag-aalala si Lola Imang at ang iba pang matatanda na mawawala ang kanilang tradisyon.
Isang araw, nagdaos si Marco ng pagtitipon upang talakayin ang mga isyu. Sa simula, puno ng takot at pagdududa ang mga tao, ngunit nang magsimula silang mag-usap, napagtanto nilang pareho silang may pagkakamali. Ibinahagi ni Lola Imang ang mga kwento ng kanilang nakaraan, at sa kanyang pagbabahagi, tumatak sa puso ng lahat ang kahalagahan ng pagpapatawad.
Nagdesisyon ang grupo na lumagpas sa kanilang mga hidwaan. Nagtulungan sila upang magdaos ng "Araw ng Tradisyon at Kabataan," kung saan ipinakita ng kabataan ang kanilang mga talento at ipinakilala ng matatanda ang kanilang mga tradisyunal na laro. Sa pagtitipong iyon, ang mga ngiti ng mga tao ay sumisimbolo ng kanilang muling pagbuo ng tiwala at samahan.
Natagpuan ng Barangay Bagong Pag-asa na sa likod ng bawat ngiti ay may kwentong nag-uugnay sa kanila. Sa pamamagitan ng "pagpapatawad", nagpatibay sila ng kanilang samahan at nagbigay-daan sa mas maliwanag na kinabukasan para sa kanilang komunidad.
Monday, November 04, 2024
Pero bakit nga ba tayo dumadalaw sa mga yumao?
Kanina pa lang, excited na kaming bumiyahe papuntang Bulacan para dalawin si Mama. Kahit may traffic, handa kami. Pagdating namin, pahinga muna kami, bumili ng ice cream, at nagsimula sa pagdarasal. Matapos nito, naglinis kami ng puntod at natuwa kami sa ganda ng kinalabasan.
Sunday, November 03, 2024
Ilaw at palamuti ay paalala ng pagmamahal
Ngayong Nobyembre, bumalik kami sa sementeryo sa Bulacan upang ayusin ang libingan ni Mama—isang simpleng paraan ng pagpapaalala sa kanyang alaala. Sa bawat pag-aayos at kandila, parang muli siyang kasama namin, ang mga alaala ng kanyang pagmamahal bumabalik sa aming puso.
Pag-uwi namin, tila naging inspirasyon ang pagdalaw na iyon. Agad naming inilabas ang mga dekorasyong pang-Pasko. Mula sa makukulay na ilaw hanggang sa mga simpleng palamuti, bawat isa ay may kuwentong hatid, bawat isa ay muling nagbigay-kulay sa tahanan.
Ang dekorasyon ay higit pa sa pagpapaganda ng bahay. Ito ay paggunita sa magagandang alaala—isang pag-anyaya na muling damhin ang diwa ng pagmamahalan, kasiyahan, at pag-asa na dala ng kapaskuhan.
Ngayong panahon ng Pasko, bawat ilaw at palamuti ay paalala ng pagmamahal.
PS: Mukhang madami dami pa kaming bibilhin para mas makulay ang Pasko.
Friday, November 01, 2024
Panaginip
Parang pelikula ang kwento ko, puno ng tensyon at damdamin! Mula sa tahimik na pamumuhay sa Pilipinas, bigla akong napadpad sa isang hindi inaasahang paglalakbay. Sa bawat hakbang mula sa pagdating ko sa Pakistan, hindi ko akalaing magbabago nang ganito ang lahat—mula sa mga unang araw ng trabaho, hanggang sa madilim na gabing iyon nang dukutin ako at dalhin sa isang pabrika. Doon ko naramdaman ang takot na hindi ko pa naranasan noon.
Tila bawat detalye ng panaginip na iyon ay totoo—mula sa pagtakbo ko para makatakas hanggang sa paghahanap ko sa asawa ko matapos siyang mawala sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa bawat segundo, naramdaman ko ang kaguluhan ng isip at bigat ng pag-aalala. Pinilit kong balikan ang normal na buhay, ngunit para bang may bahaging natitira sa akin na hindi makawala sa dilim ng karanasang iyon.
Ang linya sa pagitan ng panaginip at realidad ay naging manipis, mahirap tukuyin kung alin ang totoo at alin ang kathang-isip lang. Siguro nga, may bahagi ng isip natin na lumilikha ng mga ganitong sitwasyon upang ipakita ang ating mga takot at pangamba—mga damdaming hindi natin laging kayang ipahayag sa araw-araw. Sa huli, nagising ako sa tahanan, kapiling ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit kahit ligtas na ako, hindi ko maialis ang tanong sa aking isip: alin sa mga ito ang panaginip, at alin ang realidad?
Pamagat: "Panaginip"
Logline:
Isang karaniwang araw sa buhay ng isang Filipino professional ang nagbago nang mapunta siya sa isang hindi inaasahang pagsubok sa Pakistan. Sa isang takas at paglalakbay na tila wala nang katapusan, matutuklasan niya ang manipis na linya sa pagitan ng realidad at panaginip.
Buod ng Pelikula:
Simula: Si Meric Mara, isang matagumpay na propesyonal sa Pilipinas, ay namumuhay nang payak ngunit masaya. Nag-aalaga ng aso, nakikipag-ugnayan sa mga kliyente, at tinutupad ang kanyang tungkulin sa komunidad. Isang araw, nagpaalam siyang pupunta sa Pakistan para sa isang mahalagang proyekto. Hindi siya nag-atubiling iwan ang normal na buhay sa Pilipinas para harapin ang bagong hamon.
Pakistan at Ang Malagim na Pangyayari: Sa pagdating niya sa Pakistan, nag-umpisa ang lahat ng normal, at naging abala siya sa trabaho sa isang malaking kumpanya. Ngunit isang araw, siya ay dinukot ng isang grupo at dinala sa isang tagong pabrika. Hawak lang niya ang isang lumang bayong, ang kanyang salamin, at ang cellphone na hindi na gumagana. Matagumpay siyang nakatakas sa pabrika, ngunit walang mapuntahan at walang kilala sa bagong lugar.
Habang naglalakad sa madilim at tahimik na kalye, nakahanap siya ng isang maliit na tindahan. Walang ibang mapuntahan, pumasok siya, at nakiusap na makitulog sa sulok.
Pagkagising: Balik sa Pilipinas? Nagising siya at nakitang nasa Pilipinas na siya. Nasa bahay niya, kasama ang kanyang asawa. Parang walang nangyari—nagpatuloy siya sa kanyang karaniwang mga gawain, kasama ang mga pag-aalaga sa aso at paminsang panonood ng sine kasama ang asawa. Tila bumalik sa normal ang lahat, ngunit nararamdaman niya na may mali.
Isang Bagong Pagsubok: Nawawala ang Asawa: Makalipas ang ilang araw, biglang nawala ang kanyang asawa. Naguluhan siya, sinuyod ang bawat sulok ng kanilang lugar, tumawag sa mga kaibigan at kamag-anak, ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Isang hindi kilalang babae ang tumawag sa kanya, sinabing alam niya kung nasaan ang kanyang asawa, at nag-alok na sunduin siya sa bahay.
Pagkikita sa Kakaibang Babae: Dumating ang isang asul na sasakyan sa kanyang bahay. Kasama ng babae ang isang matipunong lalaki na may malamig na tingin. Walang nagawa si Meric kundi sumama sa kanila. Habang nagbibiyahe, napansin niyang may listahan ang babae, at ang pangalan niya ay nakasulat sa palad nito.
Tangkang Pagtakas at Ang Katotohanan: Biglang tumigil ang sasakyan sa isang tindahan. Ang babae ay bumaba upang tumawag, naiwan si Meric kasama ang matipunong lalaki. Narinig niya ang pag-uusap ng babae sa telepono, at naramdaman niyang nasa panganib siya. Biglang nagbago ang ihip ng sitwasyon, at sinubukan niyang tumakas, ngunit naharang siya ng lalaki. Bago siya matamaan ng suntok, bigla siyang nagising.
Balik sa Pakistan: Siya ay nasa tindahan sa Pakistan, kasama ang lumang bayong, salamin, at basag na cellphone. Lahat ng nangyari ay tila isang bangungot lang. Ngunit sa bawat sulok ng kanyang isip, tanong niya, “Hanggang saan ang totoo?”
Pagbabalik sa Realidad o Panibagong Panaginip?: Nagising siya sa Pilipinas, katabi ang kanyang asawa, ligtas at buo. Ngayon, hindi na niya sigurado kung ang kanyang normal na araw-araw na buhay ay panaginip din. Ang bawat kilos, bawat oras, ay puno ng alinlangan, tila iniisip kung kailan muling magkakaroon ng isa pang nakakabaliw na paglalakbay.
Tema at Mensahe:
"Panaginip" ay isang thriller drama na nagpapakita ng konsepto ng "multi-layered reality" at pag-usisa sa mga tanong ng tunay na pagkatao. Sa pelikulang ito, masasalamin ang takot ng pagkahiwalay, ang pag-ibig sa pamilya, at ang paninindigan sa kabila ng mga pagdududa sa realidad.
Estetika at Direksyon:
Ang pelikula ay may dark-toned aesthetic sa Pakistan scenes, habang malambot at maliwanag sa Pilipinas sequences, naglalaro sa kaibahan ng bangungot at panaginip.