Monday, October 13, 2008

Sa aking pag laki

Pamagat ng tula: sa aking pag laki

Kwento sa likod ng tula:
Habang lumalaki lahat ng bata ay nangangarap, at may pangarap at madalas sa musmos nilang isip ang kanilang mga naisin at pangarap ay nasasalamin sa nga nakikita at naririnig araw araw. Ang mga magulang ay may malaking parte sa pagbuo at paghubog sa kanilang mga pangarap kung kaya ngat sila'y magulang, may gulang at sila ang gagabay.

Nababanaag din sa munting tula na sa mata ng mga bata, di pa tiyak ang kanilang mga gusto sa buhay ngunit ang mahalaga ay buhay sa kanila ang pangarap.

Ang eksena ay sa isang kwarto; palalim na ang gabi at patulog na ang bata.
Pep talk ng ama sa anak, bilang parte ng kanyang paghubog at pag unawa sa lumalaking anak tungo sa kanyang pangarap at naisin sa buhay at kung paano sya tutugon tungo sa paghanap at pagtupad sa misyon ng ito ng kanyang butihing anak.

Sa isang simpleng tanong...babaha ng pag-asa at pangarap.

Pangarap ng bata:
Tatlong malinaw na halimbawa ang nabigyan ng diin sa tulang ito.

1. Kahalagahan ng edukasyon: ang kagustuhan ng bata na maging guro; maging katulong at kasangkapan sa paglinang na kaalaman na syang pangunahing sangkap sa paglutas ng kahirapan.
2. Kahalaahan ng kalusugan: para sa mga taong nangangalinga at nangangailangan ng kaagarang lunas sa nararamdamang pahirap o sakit na karaniwang nararanasan sa katawang tao ng bawat indibidual.
3. Kahalagahan ng Teknolohiya: ang tularan ang ama na isang arkitekto ng teknolohiya; na syang sumasalamin sa modernong bayani ng bagong panahon at tumutugon o lumulutas sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapabilis ng sistema ating gobyerno at pagpapatupad ng kumputerisasyon para sa masa.

Paniniwala at Perspektibo ng magulang:
1. Kahalagahan ng Pananalig sa Diyos: Takot sa Panginoon at pagbibigay galang sa lahat ng may buhay ay isang mahalagang katangian upang maging tapat sa isang pangarap at misyong makagawa ng para sa kanyang kapwa at bayan
2. Kahalagahan ng Disiplina: Mahalagang bata pa ay lantay na sa isip, gawa at pamumuhay ng bata ang mga simpleng gawain gaya ng "pagsunod at pagtulog ng maaga".
3. Kahalagahan ng Pananalig sa Sarili at paglinang kakayanan: Na sa pagdaan ng panahon ay maraming pagsubok at hamon ang kanyang susuuingin na ang taming kasangkapan ay mga pangaral at patnubay ng kanyang mga magulang at mga guro.

Ang tula:

sa aking paglaki

may akda: meric b. mara

kausap ko si ama bago ako matulog
isang simpleng tanong ang kanyang idinulog,
"anak paglaki mo, ano ba ang iyong gusto?"
bigla akong napaisip at ito ang sagot ko.

isang mahusay na guro ang aking unang! pinili
maghubog, maglinang, kagalingan ng kabataan
pagkat ang batang busog sa kaalaman!
malayo sa hikahos at kahirapan

aking ding naisip sa aking paglaki
maging isang tanyag na doctor, para sa nakakarami
walang sakit, walang hapdi at may baon na lunas lagi
walang iniisip kundi kalusugan ng bagong lahi

nais ko ding maging matulad sa aking huwarang ama
isang arkitektong manlilikha sa makabagong teknolohiya
nagpapagaan sa buhay ng gobyerno at masa
itinataas ang antas at kalidad ng ekonomiya.

Maganda lahat, ang iyong pangarap aking supling
Ngunit bago ang lahat, manalangit humimbing
Ang lahat ng iyan ay iyong mararating
Bastat manalig ka, maging huwaran at magiting

No comments: