nag simula na akong isulat yung mga bagay bagay na natutunan ko patungkol sa asterisk.
mga leksyon sa mga deployment sa mga kliyente at idinagdagdag ko pa yung mga araw araw na napupulot sa pagbabasa at pag aaply nito sa aking CENTOS na laruang server.
nakaka labing limang pahina na ako ngayon at hindi ko din alam kung ilang pahina pa ang magagawa ko sa aking pagsusulat na ito.
marahil sa mga susunod na araw, maiaappply ko na at maisasabay sa pagsulat yung mga patungkol naman sa mga hardware na kailangan ko sa aking munting aklat na ito. isama ko na din marahil ang mga experience na tumutukoy din sa Digium Asterisk Hardware Device Interface.
speaking of aklat: may dalawa pa akong hindi tapos na maisulat. yung isa ay yung aking librong "konspirasi" at yung isa naman ay patungkol sa sa mga steps at tips kung paano ko ginawa ang kawing-kawing linux. sa mga nabitin at mga nag-aantay...pasensya at antay lang kayo...pasasaan at matatapos ko din ang mga ito..nag iipon lang ako ng konting kapangyarihan ng gana at tamang timing.
No comments:
Post a Comment