dalawang araw na at walang pang tulog mula pa noong isang araw, mahapdi na ang mata ko ngunit tuloy ang larga..ang destinasyon..TSINA,
ang biyahe:
-salamat kay jaja at roz sa paghahatid sa amin sa airport (ja,nawala ba ulit kayo?)
-mula sa terminal 3 sakay ng cebu pacific eroplano papuntang hongkong airport
-tapos tren papuntang istasyon "tsing yi" station kung saan dun na kami nag meet nila alex na kung saan kasama nya at na meet din namin ang tito ni rosa -na syang nag hatid sa amin sa isang istasyon bus na didiretsong papuntang tsina sa ghuangzhou. (ayan, naalala ko na naman yung tinapayan tinabayan namin malapit sa istasyon ng bus..aba..di pa kami tapos kumain pinalalayas na kami kasi close na daw sila)
mga obserbasyon:
walang duda, maraming masasarap na pagkain at maraming pagpipilian (kakaiba ang lasa at sarap..lasap na lasap...ni hindi kumagat sa panama ang kapangyarihan ng chowking =). subalit, dapatwat,ngunit, tila ata hindi uso ang tissue dito (sa kahit saang kainan na napuntahan namin) bring your own tissue ang uso.
hindi ko din alam kung matutuwa o maaasar ako,hindi USO ANG PLASTIC BAG dito,isang pa kasing di malilimutan nung namili kami sa isang supermarket para sa mga kakainin naming almusal. aba matapos bayaran ang mga pinamili wala walang palang plastic bag, kanya kaya daw na dala ng plastic bag kasi ang uso..hindi nila kasi ine-encourage ang plastic. may mga nabibili ngunit sobrang mahal. bonus pang ikaw ang maglalagay ng mga pinamili mo..walang BAGGER dito tol.
sayang din at walang yung F4 ng 8liens dito na pinamumunuan ni anak alak.
eh kasi ba naman ang sanmig light dito ay mala "mucho" ang laki na nagkakahalaga ng 4.5 yuan dito masarap maglasingan.
yung ibang mga istorya...tsaka na..madaming di malilimutan,di maintindihan at nakakatawa..di pa naman tapos ang aking mga ekperyensa dito dahil nasa pangalawang araw palang ako...maghahanap pa kami ng "chopsticks" na iuuwi sa pinas at kailangan pang bumalik sa canton fair bukas na kung saan "para kang namasyal sa limang megamall" ang laki..lintik sa laki at daming produkto at sigurading pagod na pagod ka sap pag libot.
pero ngayon palang papasalamat na ako kay "alex da great" sa kanyang makuwento at magandang pag-aalaga sa aming buhay tsina.
No comments:
Post a Comment