kaninang tanghali nag try akong ilagay yung CD ni bayang na "BIYAYA" sa pagbabakasaling baka mag play ito. parang isang himala! gumagana na yung aking CD drive...sabay tugtog ang una sa listahan ng mga kanta sa album..ang "lukso lukso kabataan" (lukso,sigaw,bitaw).
kaya lang ganun nga yata talaga ang tinatawag himala...parang rebulto na pakitang gilas lamang na tila ba nagpapagaling ng sakit. dahil maya maya din ay gumaralgal na yung tunong at muli nakaka dismayang inieject ko yung CD. HASSLE! imbis na ieject naipit na sa loob yung CD. na sa akin pagsipat...ikot lang sya ng ikot dun. "eject" ilang beses ko ng na icommand sa aking console ngunit parang nakangiting bata lamang ito na mapang-inis dahil sa walang reaksyong nangyayari.
sinubukan kong sunkutin ng "paperclip" ngunit wala ding bisa ang panandaliang kapangyarihan nito (hindi din sya nakatulong). at dahil dito matapos ang aming pananghalian at lumantak ng mga ulam na "adobong kangkong,pansit at chicken curry" takbo kami ngayon sa isang liblib na pook sa pasig..sa warehouse ng "fastronic"isa ng mga IBM service center para ipasuri at papalitan or bumili ng bagong CDrom. si Mr. Jun Capuz (isa sa mga engineer ng company na ito) ang syang matapang na humawak ng laptop ko. pagkabukas ng laptop at pagkakalas ng CDROM drive nakakatawang isipin na sa kanyang pag-alog nito ay para syang nangangaroling dahil may tumutunog sa loob ng CDDrive...nung baliktarin ito..kitang kita ang PISO na barya dito.
nakakainis may Pisong barya pala sa loob nito kaya pala hindi nababasa ang mga CD's (audio at video) tuwing isasalpak ko..may nakikisingit palang PISO. Ang malas naman! Piso lang sumira sa aking cdrom drive. tsk tsk tsk nai-iling ako na nangi-ngiti sa mga pangyayari na aking nasasaksihan. ilang minuto pa ang lumipas parang isang operasyon, natangal din si PISO, ngunit nung ibalik na sa LAPTOP.
tuluyan na syang di nagbabasa o di na gumagana at eto na yung paulit ulit na binibigay ng akin ng "messages" na log file tuwing mag ta-tail ako.
Oct 8 19:41:02 r3d3ye kernel: [ 1874.196777] sr: Add. Sense: Focus servo failure
Oct 8 19:41:04 r3d3ye kernel: [ 1875.317402] sr: Sense Key : Hardware Error [current]
malungkot lang isipin na hindi pala sakop ng warranty ng lenovo ang mga kasong "NA-PISO".
kung sino ang naghulog ng piso? hindi ko pa alam? isang malaking palaisipan.
kung paano napunta dun? hindi ko din masagot.
isang pangyayari na dapat ay hindi ma maulit at walang puwang maulit.
sa totoo lang last june ko lang nabili ang laptop ko na ito..at halos araw araw ay katabi ko ito..katabi ko din sa pagtulog at harapan ko bago matulog. kaya SOBRANG malaking palaisipan kung paano nangyari ito.
kaya ang hatol! BILIBILI NA LANG AKO NG BAGONG CDROM...GANUN ANG MUNTING Kaparuhasan ko para sa experience na ito.
pahabol: papasalamat lang ako kay mr. capuz sa kanyang ekspertong pagbubutinting.
No comments:
Post a Comment