Wednesday, October 15, 2008

kwentong barbero

hindi ako makapaniwala. DI NA AKO LONG HAIR ngayon. =(
GANUN KABILIS ANG MGA PANGYAYARI.

kahapon kasi nagpagupit ako sa isang barbershop malapit sa opis.

eto yung mga unang eksena:

r3d3ye: boss putulin mo na itong parte ng buhok kong ito. hanggang balikat.
barbero: kinakabahan akong putulin ah, parang ayaw ng gunting din.


ilang segundo lang ang lumipas..eto't putol na.

barbero: lilinisin ba natin
r3d3ye: sige boss linisin mo
barbero: barbers cut ba
r3d3ye: hindi ho


aba't laking gulat ko biglang bagsak yung kalahati ng buhok ko,ito talaga mamang barbarong barbero na itong hindi marunong makinig at magkaiba pala ang "LINIS" nya sa "LINIS" ko..maya maya pa ay naghahabol na sya at parang hirap na hirap na syang ayusin hanggang sa naging BARBER CUT din. kaya eto sa madaling sabi...balik ang dating kong buhok nung kolehiyo ako at para tuloy akong estudyante sa bago kong "look". ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na maipinta..ang natatandaan ko lang kunot na kunot ang nuo ko at pilit na hinihugot ng aking damdamin at isipan ang lahat ng pasensenya,timpi at bait sa mundong ibabaw.

kaya yung buhok ko na mahigit dalawang taong walang gupitan eto't ulila at nahimlay na sa isang plastic bag at hindi na sya madadampian pa ng pagsusuklay.
ayaw ko nalang isipin,marahil itong kwento na ito ang huling mga alalaa para sa mahabang buhok kong ito. magsisimula uli..magsisimulang magpapahaba ng itim at kulot na buhok...dadaanan ko na naman ang mga panahong kailangan mag headband sa kanyang unang pagtubo.
kanina nga pagtapos kong maligo,isang pasada lang ng kamay ang aking ginawa sa ulo ko...ilang sandali lang tuyo na ang buhok..tapos larga na ako...natatawa kong iniisip na hindi na ako nagsuklay at natapos ang mga araw at maraming mga meeting sa kliyente ng ganun ganun lang.

sa isang banda, naiisip ko din ang mga maliit at mga pampalubag loob na ito.
-hindi na ako haharangin sa immigration sa airport at tatanuning kung ako ba yung picture na nasa passwort (kasi kamukha ko na ulit) =).
-hindi na ako naiinitang matulog
-tipid na ako sa shampoo

o sya! ayaw ko ng usapin ito patungkol sa aking buhok na kung dati ay longhair..aba ngayon ay parang kalbo na ako. mahapdi nadin ang mga mata ko ngayon at mageempake na muna dahil bukas ng madaling araw ay luluwas naman papuntang china.
at naku..ayaw ko na talagang pagusapan..madami ng nagtanong,nagalit,natawa at namangha at sabay sabay na nagbigkas ng BAKET????

No comments: