Lingo at Alas dose kinse na nang tanghali dito sa china,kagigising lang namin at naiisip kong humarap sa laptop at isulat itong bumabagabag sa aking isipan. hanggang ngayon kasi ay kinikilabutan pa din ako sa tuwing naaalala ko yung isang lugar na pinuntahan namin kagabi dito sa guangzhou sa "shi pou plaza", dito kami nag lakad at nakabili ng "CHOPSTICK" na walastik.
kasi ba naman unang nakita ko yung lugar, hindi ko maipaliwanag kung bakit pamilyar na pamilyar yung lugar na ito. parang matagal na akong namalagi dito specifically itong plaza na ito. ang mga "landmark" ay malinaw na malinaw sa akin isipan lalo nat pag-uusapan yung mga istatwang tanzo sa kaliwa at kanan ng kalyeng mala vigan, at yung kabayong istatwa sa gitna ng plaza na para bang rebulto ni address bonifacio ng monumento ay ganun din ang kasariwaan nito sa aking kokoteng malikot. dagdagan ko pa ng isang pang aleng matanda na may pasang bata at walang ibang kayang bigkasin na "baaaa...baaa" na pabulol ang bigkas at walang ibang gawin kungdi magpaikot ikot sa plazang ito.
ewan ko ba, na deja vu ata ako.
hindi ko alam kung nabuhay na ako sa lugar na ito nung sinaunang panahon o nauna na yung diwa kong mamasyayal dito o maging dayuhan bago pa man makarating ang tunay na ako o ang katawang tao ko.
sabi ni Alex yung nag tanong ako kung tama ba yung "shi pou" na pangalan at anong ibigsabihin nito. sabi nya tama naman daw yung name mali ko lang na pronouce =) at ito ang wika nya patungkol sa ibig sabihin sa likod nito..."ANG SAMPUNG TINDAHAN"
No comments:
Post a Comment