Sunday, October 05, 2008

kwentong bitin

mula pa kahapon ng hapon hanggang ngayong hapon sa isang kapihan katabi ang isang hapon na lumalamon. (ibig sabihin isang araw na =)) kwentuhan ng konti patungkol sa buhay,sa trabaho,linux,opensource,programming at mga plano ang mga ginawa namin. nino? ng aking kaibigan,kaklase at kumpareng si Lawrence aka Mr. renxmail na mula pa sa bayan at probinsya ng quezon (kumpare ko na syang pinagmanahan ng aking pogitong inaanak. ). bumiyahe pa mula sa quezon? oo, at dito sa manila dinala namin sya sa aming mga tambayan at mga paboritong kapihan (aba madami daming kape din yung nainom namin...) nag-kape upang magpagusapan ang ilang pagbabalik tanaw at mga napipintong mga oportunidad.

Mahaba-habang inuman-kwentuhan at napakadaming magagandang istorya na mala pisong text at P22K na halagang na tila kwentong kanto na ihahalintulad sa txtride ang dating (teka sipol lang ako ng munting awiting pinamagatang "2d bcode na na na na"). sabay singot..lagok at lunok... dahil sa bigla ko lang naisip na may dalawang galong lambanog nga palang bigay itong kumpare kong ito na nasa likod pa ng kotse sa kasalukuyan.

Ngunit tatapusin ko na muna dito ang kwento ng aming kumpareng ito dahil may mga binabasa pa din akong libro at medyo giniginaw yung aking mga daliri sa ngayon upang mag type at mag kwento gamit itong aking gedit 2.22.3 na sinabayan pa marahil ng matinding pagbuhos ng ulan ngayong araw na ito na binigyan pa ako ng bonus at sakit sa ulo nitong service ng globe na, check https://wiz.globequest.com.ph

Sorry, Authentication Failure
The service is initializing, please try again later.

Bitin ba? bitin....

pahabol na lang: pareng Lawrence wag kalimutan yung utang mo sa aking schedule at wag na wag mong kalimutang basahin ang mga ebooks na ibinigay ko sa iyo o yung inilagay natin sa iyong p990i.

No comments: