.
Ikalabing apat na araw ng pebrero. Araw ng mga puso. Araw ng pambansang paglindol sa buong kapuluan ng mundo.
Bigla lang ngayon ay tila bagang paulit ulit na kumakanta sa aking isipan ang “MAGKABILAAN” ni manong Joey Ayala!
ang katotohanan ay may dalawang mukha
ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba....
...bulok na ang haligi ng ating lipunan
matibay ang pananalig na ito'y palitan
suriin mong mabuti ang iyong paninindigan
pagka’t magkabilaan ang mundo...
kung bakit ganito,marahil ay sariwa pa ang mga kaganapan sa pagtawid ng oras mula kagabi hanggang kaninang madaling araw. Na ISNATCH ang iPhone ni jaja at aking mataimtim na sinubaybayan ang mga pangyayari bago magbukang liwayway at ito ang aking pa-iling na masasabi.
NAKAKALUNGKOT, NAKAKABAGABAG ang masaksihan ang isa sa sakit sa lipunan “ang makuyog ng mga haligi ng lipunan (magulang,tanod at kapulisan) ang isang malinis na hangarin para sa magandang kinabukasan ng isang batang paslit na tila lulong at aral na sa sindikato na kanyang kinasasadlakan.
Nakakalungkot dahil tila baga ang solusyon ay di na magiging solusyon dahil sa wala tapang at tikas ng batas at kumokonti nalang ang mga taong nagmamalasakit.
Nakakabagabag dahil sa hindi pagtugon ng mga alagad ng batas sa kanilang mga tungkulin ay nagiging pabata na ng pabata ang mga taong sumasali sa pagpapalala ng cancer ng lipunan. Kaya ano pa nga ba ang magagawa natin? minsan ay UMILING na lamang. Tapos bigla mo pang matutuklasan na may tinatawag na “INTERNAL SYSTEM” na sa aking pakiwari ay isa itong kinareer na sistema mula sa mga mundo ng magnanakaw. pinagsanib pwersa ng mga sindikato,mga tanod at mga alagad ng batas na sa HULI ay mapapawalang bisa sa mga KARAPATANG PANTAO at pag patay sa PAGSAGIP ng naghihingalong bayan natin. Na kulang nalang ay ISISIGAW MO NA ANG “MABUHAY ANG MGA MAGNANAKAW” mabuhay at nalinlang nyo kami at hindi na namin alam ang dapat na lapitan sa panahon ng panganib at kapahamakan.
Hindi sapat ang nakuha namin ang iphone. Pero sigurado ako, HINDI AKO MAGUGULAT kung dadami ang mga pabata ng pabatang snatcher sa kalye at malagay sa panganib at mga nakakarami dahil sa nagtatrabaho at trinabahong pagnanakaw sa kapayapaan at kapanatagan.
LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Sunday, February 15, 2009
Friday, February 13, 2009
Having problems with your Asterisk MOH? Get Charozt!
.
Charozt!
We are proud to share the initial release of Charozt v0.8, an additional offering in our OpenApps, and is also freely available for download at SF.net and Google Code.
8layer's Music On Hold (MOH) Uploader, or what we lovingly call Charozt, is a Linux-based application that can be installed in Linux desktops to convert .MP3 to .WAV specifically for Asterisk supported MOH.
If you have read An Ode to Charozt, you have at least an inkling on how the project came about. You know, how the tool is a labor of love, and one of the products of JBJ's 1% inspiration (or maybe more?) and 99% perspiration (literally? haha!).
This is our pre-valentine gift to all those who fell and are falling in love with Asterisk. For those who still have-to, c'mon, it's not too late!
Visit the SF.net project page and download Charozt here.
Visit the Charozt project at Google Code and download it here.

by Jaja del Rosario
February 12, 2009 - Thursday

Monday, February 02, 2009
Sa mga kapusong nagbibigay raw sa mga kapus-palad ngunit kapos-puso naman
.
Ang unang trabaho ko ay sa isang tanyag na ISP noon sa Cubao. Tandang tanda ko pa, noong unang nakilala itong matatawag kong idolo (Si manong Gary) taong 1998 sa UP Village. Sa kanyang maliit na kwarto kitang kita ang dami ng mga likhang kanta at bakas na bakas ang kanyang pagkabihasa sa larangang kanyang dinalubhasa sa mahabang panahon. Noon pa man bilib na ako sa mga gawa at kanyang mga katha; ilang metropop na din ang naging parte sya at talagang lutang ang kanyang pagiging malikhain at henyo. Ito rin ang syang nagsilbi sa akin upang maging impluwensya sa aking mga tula at mga pagsulat ng kanta. Eto nga't sa kabila ng pagkaabala sa aming trabahong IT masasabi ko na itong idolo ko na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pwedeng lilipas ang isang linggo ng hindi buhay ang musika sa opisina. Nariyang kami'y bibisita sa aming mga paboritong tambayan (bistro,conspi,freedom at ten02 atpb) at may puwang din ang pagbabahagi sa mga kaibiga't kabagang ng mumunting ideya ukol sa pagpapaunlad ng musika sa ating mga kabataan. Nabigyan din ako ng pagkakataong mabigyan ni manong gary ng kanyang mga tapes (hindi pa kasi downlaodable ang mga mp3 nya sa kanyang website noon ) na syang magpapatunay na hindi nya kahit kailan ipinagdamot ang kanyang kaalaman at ang pagtanto ng kagandahan ng sining.
Kaya't nagilalas ako sa aking napakinggang kaninang hapon; ang “Gary Granada vs GMA Kapuso”. Nakakagulat isipin na ang isang tanyag na ni walang bahid ng damot sa pagpapalago ng musika ay
magagawan pa ng panlalamang at pang-aabuso ng MALA HEGANTENG NETWORK at MULTI-NATIONAL NA PROCTER & GAMBLE na dala dala pa man din ang “KAPUSO” na salita.
Mablis na pumasok sa kukote ko ang tanong na, paano na ang mga katulad ko na nagsisimula sa larangan ito? Paano na ang maliliit na musikero na eto lang ang tanging ikinabubuhay at walang boses? PAANO NA?
Marahil bukod sa bingi na ang mga AROGANTENG HIGANTENG ito,ay binubulag sila ng kanilang mga gawaing inilubog sa tanso na kunwa'y pagpapalaganap ng magandang intensyon o gawain... isang malaking gimik... palamuti... panakip sa kasakiman at pang-aabuso sa kanilang mga binibiktima mismo. Paano pa ako bibili ng TRIPID PACK? Kung may bahid na ang isip kong, talaga kayang sa mga lapis at krayola mapupunta ang sinasabi nilang matitipid ko? Napapangiting demonyo tuloy ako nang tuloy tuloy kong pinakingan ang buong salaysay ni Manong Gary dahil sa paninindigan ng HIGANTENG AROGANTE sa kanilang kamang-mangan o pang gugulang talaga na ang ginamit ng jingle at COLLECTIVE COMPOSITION.
PERO kung may kagustuhan man ako ngayon at sana NGAYON na habang nagkakape ako sa MC CAFE dito sa libis ay ang makilala ang mga KOMPOSITOR sa ilalim ng wika ngang “COLLECTIVE COMPOSITION” na gumamit ng marahil likha ng isang maestro kapalit ang maliit na halaga o pag gamit ng “titik ng kanta at istraktura ng musika nito”. Minsan kasi o mas madalas sa mga malikhaing tulad namin, di ganon kahalaga kung magkano ang ibabayad sa iyong akda (o ipokrito lang ba ako?) ngunit ang mas mahalaga ay ang pagbibigay pugay o “acknowledgment” na ikaw ang may likha o linang... Sa isang banda, maraming salamat sa mga “collective composers” na makakapal ang mukha at walang takot o di man lang tumindig ang balahibo sa atkibidades na ito, dahil sa ginawa nyong ito, nabigyan ng linaw ang diperensya ng mga mangmang at manggugulang.
Siguro naman magkakaroon na ng pagsasama sama at lakas ang mga maliliit at may mga pangalang kompositor na huwag magpalamang at magpagulang sa mga tulad ng mga ito. Nasa sa atin din kung pagagamit tayo dahil pakiramdam natin ay trabaho lang o ni hindi nasaktan ang kalingkingan mo... pero sa mga kapuwa kong may puwang ang kagandahan ng musika at nagpapahalaga sa malikhaing utak at paglinang, malaki ang ating responsibilidad sa mga ganitong pagpaparaya o pagsasawalang bahala.
KUNG WALANG SUSULSOL sa mga MALI ng IBA walang MAGIGING BIKTIMA! =)
Teka nga pala bago ako magtapos ngunit di pa naman ako nagpupuyos, Alam kaya ito ni Ate Mhel T., Na butihing ina ni Wency C. na kapwa manunulat o isang KOMPOSITOR din? Ano kaya ang mararamdaman nya pag ginawa ito kay Wency?
Ano pa bang masasabi ko? Sa Kapuso? Asan ang Puso nyo? Sa PNG? Malaki ba ang NATIPID nyo?
Sa mas malalim at mataimtim na paglalagom kaugnay ng layunin sana ng wari ko'y maganda sanang proyekto ng Higantet Multi Nasyonal, nais ko itong ipamahagi bilang tulad kong gustong bumuo at matupad ang pangarap na ang tanging tangan ko ay aking kakayanan at biyayang talino at talento.
Bukod sa lapis na gamit sa pag guhit ng pangarap At krayolang magbibigay buhay, kulay at sigla sa bukas ng mga batang sinisimulan pa lang hubugin ang kanilang kamalayan at paghakbang sa paggawa ng kanilang mga pangarap.... ay kinakailangan higit sa lahat ang pandayin ang kaisipan, tamang kamulatan at pagpapahalaga ng mga musmos at paslit sa kanyang gagalawan. Hindi yata magandang ehemplo na iyon mismong sandigan o mga instistusyong may kapangyarihan at nagtatatag sana ng kagandahang asal ang sa umpisa pa lang ay nagbibigay na ng maling impresyon kung paano magliliko o iikot para lamang ituwid ang kabalintunaang paninindigan sa mukha ng ganitong proyektong pang-kabataan....
Muli, di lamang lapis, papel o krayola upang matupad ang yong mga pangarap.... respeto, dangal at pagpapahalaga sa kapwa tao higit sa lahat.

Sunday, January 25, 2009
Kung ako ikaw? Ano na? sa usaping trababo
.
Nandito ako sa republika de kapay ngayon.Nag-aantay kay Addie upang makipagkwentuhan ang mga bagay bagay sa musika at kanyang bogchihan. At ipaparating na rin ang di magandang balita tungkol sa ina ni ey-ar.
Eto at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, hindi tulad kahapon na para kang sinisilaban sa init kahit pa madaling araw na.
dagdan pa natin na hindi na nais tumulong ng aking "standard" electric fan na kabibili lang ngunit nakakatakot ng gamitin (ibabalik ko nga pala ito sa abenson sa galeria bukas...parang sasabog eh amoy sunog na plastik kasi pag umaabot na ng 5-10 minutong umaandar).
Dito sa Kalye ng Matalino,QC habang nagkakape sa KAPAY bigla ko lang na obserbahan ang ibat ibang uri ng mga empleyado't/namamasukan. may guardyang bangko, takatak boys, naglalako ng sampagita, nag-aalok ng ng mga piratang DVD, tapos may lumapit pa ngang ale na namimigay ng mga flyers,waiters, mamang nagbabantay sa parking na pilit na naniningil na beinte pesos daw(kahit na hindi kanya ang lugar at ito'y pag-aari ng BDO at UCPB) at idagdag pa natin ang isang magba-balot na ngunit sa kanyang basket eh chicharon na lang ang natitirang laman.
ewan ko ba. eto lang ang naging mas may linaw sa akin sa ngayon sa harapan ng hindi na gaanong mainit na tasa ng tsokolate.. ibat' ibang uri ang trabaho at mahirap mag trabaho lalo nat ang pagtratrabaho mo'y nakasalalay ang pagkita ng perat pantustos ng pangangilangan mo at ng pamilya mo... bigla din akong napatanong ano ba ang TUNAY na ibig sabihin ng trabaho?
paano ba nagiging makabuluhan ito? Sa sarili mo? Sa mga taong umaasa sa yo? Sa pinagtratrabahugan mo? At sa mga taong hinaharap mo habang pinagsisikapan mong gawin ang iyong trabaho? At marahil, kung ito bang trabaho ay talagang nais mo?
Dagdag ko lang, gaano kaya kalaki ang porsiyento ng may trabaho sa ngayon ang alam ang halaga ng trabaho maliban sa konseptong, kapag may trabaho ka, may suweldo ka..? Ang saya marahil kung ang lahat ay lumulugar sa mga bagay na pagbabalanse ng mga naitala ko sa aking isipan:
1.ang mabigyan ng kahalagahan ang iyong kontribusyon habang patuloy na nalilinang ang iyong kaalaman
2.at ang maunawaan ng lubusan ang mga bagay na kailangan ipamahagi para sa mga nangangailangan ng iyong serbisyo (maging ito ay para sa kapwa mo ka-opisina, kliyente, at lipunan)
3.ang maging kaparte ka sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng misyon at layon ng iyong kumpanya at hindi parte ng pagyurak o pagkitil ng misyong gustong abutin...
Sa aking sariling karanasan, mas marami akong nakasalamuha, o mas madalas kong naririnig sa iba't ibat lugar na aking puntahan, makainuman o huntahan; ay talagang nag-aaral at dumidiskarte ang mga tao upang magkaroon ng trabahong kanyang inaasam-asam. Nariyang uutang pa ng pambili ng gel o pomada, matikas na polo't pabango at siempre pa paghahandaan ang isasagot sa mag-iinterbyu para lang matanggap sa trabaho at makitang siya ang karapat dapat sa tungkuling yaon.
At siempre pa pag natanggap ka na; nariyang unang una mong gagawin para mapabilang ka ay galingan sa iyong itinakdang asignaturat posisyon, at aalamin kung pano ka uunlad sabay sa pag unlad ng iyong pinapasukang kumpanya. Mahalaga sa pagtatrabaho ay masaya mo syang ginaganapan at patuloy na hihigitan ang mga inaasahan sa iyo habang .
E papaano naman kaya yong halimbawa ako sa aking pagiging masuwerteng nilalang sa libo libong walang trabaho sa Pilipinas at nabiyayaan ng trabahong tutulong sa pag asenso ko bilang tao at para sa pamilya ko. Paano kung lagi akong tampulan ng sermon o galit ng aking mga Bisor dahil laging hilaw o wala sa hulog ang mga pinagagawa sa akin? Paano kung nauubos ang oras ko, napakaaga kong pumasok at madalas lagpas na sa takdang oras ako kung umuwi pero tila wala daw sa palang halaga ang pagpupuyat ko o aksaya ng kuryente sa opisina? Bakit? Kasi walang kontribusyon... hindi nagiging malinaw sa mga kasama ko kung bakit ako nandoroon? Paano kung inilista na ang aking kailangang gawin at ako na lamang ang inaasahan sanang tumapos noong oras na iyon at hindi ko pa nagawa? Paano kung mali mali ang impormasyong naiibigay ko sa mga kasamahan ko upang magawa nila nang maayos naman ang kanilang mga trabaho? Paano kung wala akong kusa at nag-aantay lang ako ng aking gagawin lagi?
Pabigat na ba akong maituturing?
At bakit sa kabila ng lahat ng nasasaad bilang ako sa aking pinapasukan, ay may trabaho pa rin ako hanggang sa ngayon? Anu-ano kaya ang aking dapat isipin?
Tama, bakit kaya ako nandito pa? Kapag nagpatuloy ba akong ganito, bukas kaya ay may trabaho pa ako? O sa makalawa?
Sa ganitong sitwasyon, maaari siguro akong pasalamat at may trabaho pa akong kahit papaano'y nakakatulong sa aking pantustos sa araw-araw... pero dapat ba akong matuwa o maging masaya?
Pag dumating kaya ang araw at nagsara ang pinapasukan at ang mga dahilan ay bunga ng aking di pagbibigay ng aking panahong matuto sa aking pagkakamali, ang hindi paggawa ng tama at hindi rin paggawa ng tama at takda ng aking mga kasama dahil sa aking kakulangan, at mas malaking tapon at mali pala ang naging resulta nito.... dahil nauubos pala ang pangpasueldo at oras sa pagpapalago sa mga tulad ko? Matutunton ko ba ito at matututo akong sa maliit kong parte, malaki pala ang epekto?
At naisip ko bago magsara ang kumpanyang kumupkop at nagpapahalaga sa aki't nagbibigay ng trabaho kahit palpak ako, ... imbis na mandamay pa pala ako.. buti pang ako na lang ang wala na munang trabaho.
Mabuti ng Wala, Kaysa mawalan ang mas marami...
May kasabihan nga tayo..
ang batang masipag...paglaki pagod! (ay..kay AI-AI pala ito)
eto nalang.
PAG HINDI UKOL..DI BUBUKOL....Huwag nang Ipilit! =)
Sa usaping “trabaho” may isa akong babala:
HINDI matatawag na TRABAHO dahil may ginagawa ka lang o nasa opisinat ubos oras; Bagkos ang TRABAHO ay pag-gawa sa mga INATAS AT NAAYON para sa iyo at naitakda na iyon na sinumpaang tungkulin. Kung kaya't may silbi para sa nakakarami. Ikanga sa reporting; “done” or “completed”.

Friday, January 23, 2009
How to install PHPMyAdmin to your Lotus Foundations Server?
.
1. Download the zip and unzip them to your Windows workstation
2. SMB://serverip/autoinstall (where serverip is the IP of your LFS server)
3. Log in as root.
4. Copy the .pkg folder to here.
5. Go to WebConfig: http://serverip:8043/
6. Log in as root.
7. Go to the Software Update page.
8. Click on Install for PhpMyAdmin or PHP-Pear.
How to Test PHPMyAdmin is installed:
1. PHPMyAdmin is installed when the phpmyadmin team is created. You can check in WebConfig under User Setup.
2. To access PHPMyAdmin: http://serverip/~phpmyadmin
3. Log in as root.
How to Remove PHPMyAdmin:
1. Go to WebConfig.
2. Log in as root.
3. Go to the User Setup Page.
4. Delete the phpmyadmin team.
Reference:
phpmyadmin

Wednesday, January 21, 2009
May Tibak at May Tibak
Medyo abala ako ngayong araw sa pagtuturo ,pagbibigay kaalaman sa ilan, sa preparasyon para sa lakad papuntang davao bukas at tuong sa isang kliyente para pag-aasikaso sa disaster recovery project nila...atpb.
tamang tama at nakita ko ang aking external harddisk; nag check ng mga laman nito at naghanap din ng lumang template para maging guide o pwedeng magamit para sa aming ginagawang mga proyekto ngayon..nakakita naman ako.
tamang tama din at nadoon din sa harddisk ang mga koleksyon ko ng mga lumang mp3 na nadownload ko noong unang panahong ako'y nagbababad sa internet ang nagkokoleta ng mga audio,ito'y mga awiting hindi maitatanging akin ngang paborito. foldar agad ng "LEAN" album ang aking nakita kaya't dali dali kong pinagtugtug ang isa kantang na ang pamagat ay "May Tibak at May Tibak".
"May Tibak at May Tibak"
Tagpuan ng mga kabataang aktibista.
EDWARD
Alam ba natin kung ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin
BOBBY
Bakit pa ba natin papansinin
Kung ano ang tingin nila sa atin
EDWARD
Para sa akin, mahalaga rin
Mahalaga ring ating alamin
Kung ano ang tingin, ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin
CHINO
Ano?!
MR. TIM (as Press)
Anong klaseng demo yun, wala man lang nabugbog
Ang mga tibak ngayon walang lakas ng loob
JOJO
Hmp! Ni wala man lang naghagis ng mga molotov
Walang mailalathala, walang mapapanood
LEAN
Di tayo mga gunggong na hanap lang ay away
Sa halip ng gulong ay magsunog ng kilay
Dahil di ang mga bagay ang dapat na basagin
Kundi isip at malay na naaalipin
ACTIVISTS
May tibak at may tibak
CHINO
May nagtitibak-tibakan
ACTIVISTS
May tibak at may tibak
CHINO
Depende sa tibak
ACTIVISTS
May tibak at may tibak
CHINO
Ang gusto kong tibak
LEAN
Alam sukatin ang layo ng mga bituin
At ang pagkakaiba ng isda at ng pating
Alam suriin, pulitikal na sitwasyon
Ang diperensya ng vodka, whisky at siok tong
MR. TIM (as UP exec)
Kilusan ng kabataan ay hindi tumatagal
Yan ay pansamantala habang nag-aaral
Ni wala kayong masabing pundasyong teoretikal
Nakikisakay lang sa labanang pulitikal
LEAN
Ang inaning tagumpay pinaghirapan ng husto
Ang talino at gabay ay interes ng tao
EDWARD
Huwag nyo sa amin isisi ang di nyo natamo
Kung kayo’y walang silbi nuong kabataan ninyo
ALL
May tibak at may tibak
BOBBY
May nagtitibak-tibakan
ALL
May tibak at may tibak
BOBBY
Depende sa tibak
ALL
May tibak at may tibak
BOBBY
Ang gusto kong tibak
LEAN
Nakakaunawa ng E=mc2
EDWARD
Nakakasira pero marunong mag repair
Nag-aalaga ng bata, baboy at manok
BOBBY
At pag may miting, hindi laging inaantok
MR. TIM (as priest)
Sa aking pananaliksik ay aking natuklasan
Mga kahindikhindik na katotohanan
Ang Marxismo-Leninismo idolohiyang hungkag
Sosyalismo, Komunismo, sa Diyos ay labag
EDWARD
Ang kanyang mga sinabing pagkahabahaba
Huwag niya nang pahahabain at lalong halata
NOLI
Si Padreng dalubhasa patawarin nyo Ama
At di nya nabasa ang kanyang pinupuna
ALL
May tibak at may tibak
CHINO
May nagtitibak-tibakan
ALL
May tibak at may tibak
CHINO Depende sa tibak
ALL
May tibak at may tibak
CHINO
Ang gusto kong tibak
LEAN
Marunong magbasa ng Marx, Mabini
BOBBY
Mao Tse Tung
LIDY
Marunong maglaba, magsaing nang walang tutong
EDWARD
Kunwari cool na cool pag kaharap ang military
CHINO
Nakaka scrabble kahit walang dictionary
Ad lib
Kukuha ng gitara si Lean at tutugtugin habang kumakanta na medyo sintunado ang boses.
LEAN
Mahilig kumanta at mahilig maggitara
At nakakahalata pag naririndi sila
Titignan ng masama si Lean ng mga kapwa aktibista kaya mahihiya ng konti at ibababa ang gitara sa tabi.
LEAN
Ngunit higit sa lahat walang pinagtatakpan
Marunong humarap sa sariling pagkukulang
MR. TIM
May tibak at may tibak
JOJO
May nagtitibak-tibakan
MR.TIM
May tibak at may tibak
JOJO
Depende sa tibak
MR. TIM
May tibak at may tibak
JOJO
Ang gusto kong tibak
MR. TIM
Ang tipo kong tibak
JOJO
Ang idol kong tibak
Ang perfect na tibak
MR. TIM
Patay na tibak!

Monday, January 19, 2009
pagod lang marahil.
Nais ko lang SUMIGAW..WAAAAHHHHH!
Magkukwento nalang marahil ako. Nagdaan naman ang sabado at linggo (araw ng pahinga at pagmumuni-muni) ewan ko ba't eto't matatapos at pipikit na ang araw ng lunes ay tila ayaw pang magpahinga ang aking balisa at mapupungay na mga mata;sa totoo lang ang sakit na ng ulo ko, ramdam ko ang kirot, ang hapdi na din ng aking mga mata na tila baga sa aking pagkindat eh tsamba na maidilat ko sya ng buo pa...sigurado akong ngayon ay mahigit kwarenta i-otso na akong gising...at malakas kong masasabing ako'y nasa ilalalim ng tinatawag na DIWANG gising.
Sa bawat sandali nga na ako'y maihipan ng hangin ay napupuna ko din ang pagiging "sandal tulog" ko sa mga panahong bumubiyahe ako patungo sa aking mga pang araw araw na destinasyon...mga kliyente at kapihang pahingahan.
sa aking pakiwari, marahil ay maliksi pa ang aking utak upang mag isip at magsaliksik para sa mga posibleng solusyon sa pagkakasunod sunod na mga technical puzzle para sa aking sysop team (naks technical puzzle? para namang positibo?) at patuloy na pagsisiyasat para sa linux solusyon na pwedeng maibigay sa client na patuloy naman ang pagdami. marahil ang nahahatak din ako ng ilang isipin patungkol sa mga sumusunod
1. ang labis na pag-iisip
2. sa usaping pag-gawa at
3. ang usaping pag-iisip at pag-gawa.
*marahil malinaw ito mga numero na ito sa iilang mga taong nakakasalimuha ko
pilit din umuukilkil ang mga leksyon patuloy kong binibigay sa iilang mga mahalagang tao na tila baga walang epekto. na sa panahon naman ng inuman at seryosohan na usapan ay malinaw at nabibigyan ko ng halimbawa ang ilang bagay na syang nagiging kadahilanan ng aking paninikip ng dibdib. ewan ko ba???makailangan beses ko na din natanong ang aking sarili. ilang beses ko na din napagalitan ang aking sarili..at ang aking sarili ulit at paulit ulit ng paulit ulit..ULIT..na aking sarili. wag lang sana akong mapagod.
mahirap din palang matangap ang katotohanan na ang i-ilang mga asignatura na nai-aatang mo ay ikaw din ang gagawa. tapos pag nagbasa ng nasusulat at sa mundo ng nasusukat na bagay tila bagang walang takot ang paninindigan na tila baga walang kamalian (marahil nasa mundo ako ng panaginip, iyong nga lang gusto ko na talagang magising at malaman ang tunay na mukha ng katotohanan (existential question, na alam kong namang, di ko rin malalaman at uubos ng aking lakas at oras kung ito lang ang patutuunan ko buong buhay ko), pero sa isang banda eh pwedeng ayaw ko na ding malaman ang bagay na alam ko na..na masaklap man isipin at sana'y huwag namang magtunog self-serving... minsan pakiwari ako talaga, akoy isang ALIPIN at utusan at tagasolba para sa kapakanan ng matitigas na iilan..muli, ISA AKONG ALIPIN,,,saklolo naman). ewan! di ko maisip, at parang ayaw ko nang magisip at nanaisin ko nalang umiyak sa aking masaklap na pagkabigo. napapaubo ako,ubo ng pagkagulat at pagkamangha, lalo't sasabayan ito ng ilang pag-ubo pa na dulot marahil sa alanganing pagdampi sa aking katawan ng alanganing panahon, na maari din dahilan ng sandalian pagtigil sa paghimas ng katawan ni san miguel. ewan ko, pasasaan at tulad ng dati masusumpungan ko din ang kalakasan. na kung ibabalik ko nga ang usaping pag gawa..ang masasabi ko lang..marahil ako na nga lang ang gumawa..ng gumawa...ng gumawa..ng walang akong aasahan? sana ganun lang ang mundo ng "tama at dapat" no? Pero pasalamat na rin ako at ganito ang ibinigay sa aking pagsubok; ibinigay sa aking "kaalaman"... na tanggaping marami akong di nalalaman at kailangang alamin... upang makapaglingkod... yun nga minsan bilang tao, nakakapagod. lubhang nakakapagod na.
ISANG MALAKAS NA SIGAW na "HIIIINNNDIIIII" (may echo echo pa..INDIIII...DIII...IIII) Hinding hindi titigil.., walang hintuan! SAbi ko nga - Pagsubok, manalig at magtiwalan may mangyayarit magaganap. Ang ibigay ko pa rin ang sa aking inaakala'y kaya ko pa, basta't sana, ako'y di magkulang.
LABAN lang lalo na at maraming nariyan,ang mga taong aking pinili na maging sandigan at kalakasan (sandigan ng buhay) tulad ng mga ilang tao na pinili kong maging kabagang at tunay na nandyan para magbigayng dingas sa aking paglalakbay sa buhay. SOLVE LAHAT IYAN!
Buti nalang at eto't kasabayan ko ngayon ang ilang OPM (Banshee Music Player) na paborito kong mga awitin, pilit at tumutulong sa pag hele ng aking malarong isip. katulong ang pag sulyap sa iilang eebooks, ang wvdial dial at aking P990i upang patuloy akong makapagsaliksik sa mundo ng aking larangan. ang internet.kahit nasang lupalop pa ako ng daigdig laging nariyan.
Sana bago nga tuluyang iiwan ng araw ng lunes at nalalabing na tiktak sa relo at ibang araw na muli. sana ay makatulog na muna ako. di na din muna ako tutula at magiging madamdamin lang ako. malinaw sa akin,isang "HELE.mp3" lang ay tulog na din ako,marahil pagod lang ito, makina nga bumibigay, ako pa kaya, tao lang. mamaya balik na naman ako sa pagharap sa mundo. Ironic!!! ANG MASARAP at MAPAIT NA MUNDO MAPAIT? narurungisan kasi ng mga bagay na "hindi tama at dapat" (mahabang talastasin ito, na di ko na muna papangahasing isipi at isulat pa).... at ano ang magagawa ko, bilang isang humaharap sa ganitong klase ng mundo? haraping lumalaban, may pag asa sa mundo at sa mga naririto pa.
ayan napahikab na ako... =)

Thursday, January 15, 2009
samutsari
BALIK EHERSISYO.kanina nag fitness first na naman ako at ramdam na ramdam ko ang hapo,marahil kailangan kong talagang gawin ng regular itong pag e-exercise, medyo limalaki na din kasi ang tyan ko at kailangan ibalik ang hangin..paano nalang pag nagbadminton at nag basketball na nman ang 8liens. baka matalo na ako? =)
CRM SA APPS SERVER. kanina ay nagkaroon ako ng ilang minuto upang maharap ang sugar CRM na nainstall ko sa aming apps server, ito na muna ang gagamitin namin ngayon para sa pag track ng aming customer medyo kailangan na kasi ienhance ang aming lumang estilo sa pagtrack ng mga clients. siguro ang kailangan lang abangan dito ay ang aming bagong policy sa paggamit at syempre iintegrate ito sa aming pinagmamalaking asterisk product. ang 8ix.
EMAIL TRAINING SA STARBUCKS.naubos na ang isang case ng beer na binili ni roz last week pa,ngunit ang dahilan kung bakit sya bumili ay para masayang nagiinuman habang nag papalitan ng kaalaman patungkol sa email server. ilang araw na din mula ng ma-i-assign kay roz na magbahagi ng mga information about email server.nadelay na...pero ito laban at tuloy na,sayang wala si ate jaja (Ja,Pahingang maigi ah) namin ngayon para makisali at makukulit pero sabi nga.."harangin man ng sibat" wala ng atrasan..todo na ito..ang sharing na ito o maaring tawaging "mini training" para sa sysop ay naganap din ngayong madaling araw sa metrowalk, kasama si chox,deng,renan at syempre si roz a.k.a "pakyaw" na sa pag kakataong ito HOT CHOCOLATE na ang aming mga nilalantakan. (bye bye muna kay san miguel).
paala lang mga sysop next week WEB at FTP tayo.
SI CHOX BOW. oo nasabi ko na kasama namin si chox sa mini training na ito ng email sa starbucks. kasi ito din ang madaling araw na kinausap namin si chox patungkol sa kanyang pagbabalik bilang isang technical engineer sa 8layer. (CHOX, mas mahirap at mas mataas ang mga panuntunan ngayon. goodluck at galingan mo =) back to zero tayo)

Tuesday, January 06, 2009
Friday, January 02, 2009
Thursday, January 01, 2009
tatlumput dalawa na si mara
maginaw ang paligid na tila tira pa ito ng mga bugsong ulan kagabi sa pagsalubong ng bagong taon,mahina pa ang boses ko, mararamdaman ang pagkapaos pa nito at tila walang lakas upang sumigaw ng madaming pasasalamat sa mga taong bumati para sa aking ikatatlumput dalawang taong kaarawan ngayong bagong taon. mga pag bati musa sa mga text messages,email,mailing list at iba pa mula sa mga taong hindi pa din nakakalimot sa kabila ng mga pagkakaabala para sa kanilang mga personal na buhay at paghahandang pampamilya.
maraming pasasalamat din sa mga taong laging nariyan upang sumuporta. Mga kaagapay, nagmamahal,mga dating kaklase,ka-opisina, kainuman,mga dating kalaro at mga tunay na kaibigan sa inyong walang kupas na pagpapahalaga, muli maraming salamat.
Happy Birthday para sa ating lahat!
tuloy tuloy ang laban...

Tuesday, December 30, 2008
komento kay bambee
Kakauwi lang ng buong 8liens galing ng sagada at eto't balik realidad.
Balik sa eksana ng kapaligiran at katotohanan ng ating mga mundong ginagalawan at kakapalan ng iilang mga taong naghahariharian.
Wala pang ilang minuto akong nakaupo sa harap ng laptop ko ngayong araw na ito. Nag-monitor ng status ng asterisk server namin para sa mga calling rules na dinadagdag ko at binasa yung mga ilang emails ng mga partners sa iba't ibang bansa.
Maya-maya pa ay eto nabasa ko ang entry ng blog na ito na mag-aanim na raan ang komento sa kasalukuyan binabasa ko sya at ito'y galing sa iba't ibang mga tao.
ETO YUNG BLOG:
http://vicissitude-decidido.blogspot.com/2008/12/world-is-fucked-up.html
ano bang masasabi ko? Mabuhay ang mga Pilipinong Pulitikong napaguusapan dito at alam na alam ninyong gamitin ng tama ang inyong kapangyarihan at sabi nyo "kung sino kayo"....ang PANG-AABUSO.
Marahil tulad ninyo, nais ko lang din gamitin ang kapangyarihan ng bagong teknolohiyang ito.. ang “INTERNET” para masabing konting hiya naman, konting respeto sa aming mga simpleng mamamayang humalal sa inyo naihalal nga ba kayo?). Gamitin natin ang teknolohiya ng sabay sabay ng hindi nahihinto sa mga salitaan at awa lamang. ANG AKSYON!
Ang aksyunan ang mga ganitong kabulukan, ang maunawaan ng mga pulitiko na sila'y naririyan para KILALANIN ANG MGA TAONG PAGSISIBLIHAN hindi ang makilala at mag karoong ng karapanang mag salita tulad ng mga bantang "Hindi nila kami kilala! Sabihin mo nga sa kanila kung sino ako!" At ang "Tatandaan kita!" Lalo na sa mga sandaling mas kinakailangan na sya ang mga hawak ng pang-unawa, ng pagmamahal at magpatunay na magpahalaga sa kapaligiran at mga paniniwala.
Sa pagkakataong ito, ang buntal ng kamao at mga salitang binitawan para sa isang walang labang matandang lalaki at magbanta sa isang katorse anyos na paslit ( na di pa ganap ang hubog ng kamao bagkos, ang natatanging lakas ay ang magmakaawa).
ilang beses kong inunawa at pinaulit ulit isipin.Di no-minsan sasagi sa atin na gagawin ng isang respetadong Pulitiko mula sa isang respetadong pamilya....
Naalala ko ang isang bagay na naishare ko noong nasa sagada ako. “NA ANG MGA WALANG KWENTANG BAGAY AY DAPAT WALA LANG” hindi dapat nabibigyan ng mga malalalim nakahulugan o pag-aaksaya ang mga ito. Sa pangyayaring ito, ang kadahilanan ng masisidhing pagpapalitan ng salita at mga kamao at dapat wala lang ang mga nangyari base sa aking simpleng pagsusuri. Dapat ay alam lang ang simpleng kalulugaran,paggamit ng kapangyarihan at diwa ng kakalipas na kapaskuhan- ang MAGBIGAYAN. Ang kaganapan sa golf course na iyon ay simple sanang natapos at di umabot sa ganong buntalan kung ihahalintulad sa pagganap sana nila ng kanilang responsibilidad nila bilang mga public servant o pulitiko... sanay sila (ang mga pulitiko) ang syang kumilala muna sa mga sarili nila bilang mga public servant, tamang ipakilala nila kung paano nila nauunawaan ang salitang ito na kanilang pinili .... ang siste'y gusto talaga syang pagsilbihan....... ang tanong ko, naka hole-in-one kaya sya at mga kasama nya sa flight nya? proud kaya silang huling dumating at gustong mauna kaya nambugbog na lang?
Ganun talaga, ang sistemang bulok nagsisimula sa mga pulitikong bulok na ang tanging sandata ay ang kabulukang itago at gumamit ng mga taong bulok sa lipunan.
Para sa mga katulad nyong pulikito..maligayang pasko sa inyo at nawa'y maging mabuti na kayo sa mga darating na taon.
P.S. Para kay bambee..Ituloy tuloy lang natin ang laban..hustiya ang kailangan.

Thursday, December 25, 2008
Wednesday, December 24, 2008
An Open Position Paper on FOSS/OSS AND HOUSE BILL 1716
An Open Position Paper on
FOSS/OSS AND HOUSE BILL 1716
December 24, 2008
8layer and Open Source.
Technology is nothing without the right people implementing such.
For our Team, 8layer Technologies, Inc., Open Source is not just a Technology. It is our Philosophy, it is a way of life. Each and every 8lien eats, drinks, and breathes Open Source.
We do believe that FOSS/OSS is for the people who are innovative and resourceful, for those who want to build, share and gain on the benefits of FOSS/OSS. It is for organizations that have a higher discernment on what is better, useful and advantageous.
We strongly believe that the ability to realize the benefits of FOSS/OSS is on the other hand only for those who have the vision far reaching for growth, development, self-reliance -- never on dependence for those things or technology that will impede improvement given the access and liberty to do so.
Most importantly, FOSS/OSS is for those who regard human capital and innovation as the more relevant aspect and ingredient of bringing to fore alleviation of poverty, growth and economic sustainability in the long run.
FOSS/OSS may not be for everybody. Not for the selfish and the spendthrift, not for the poor-willed and the faint-hearted, not for the Asyong Aksayas, Baroks and Juan Tamads.
On House Bill 1716
We believe on preparing systems and mandating for Government and Public Schools the implementation of solutions adhering to Open Standards.
We firmly believe that Government needs to mandate policies on Government IT Purchasing/Spending. On Bidding procedures, item description for bids should define and illustrate functionalities, features and utilities, NOT Brands.
We believe that use of FOSS will eventually make users understand more the technology and its benefits as our own experience and cases serve as valid and living testimonies.
We believe that forward thinking and innovative institutions and companies should encourage use of FOSS/OSS as real and sincere IT Enablers.
But we also believe that we need more open minds and more dedicated result-driven and hard workers to make FOSS/OSS work. FOSS/OSS is ready and is in its prime time, it is just waiting to be taken advantaged of.
On Freedom and On Choice for Government Use of Resources
The manipulation and “abuse of the use” of the term Freedom and Choice is a perturbing concern on the issue of this particular Bill.
FOSS or free software is not necessarily free of charge (not on the price) but you become “free” when you know how to make use of it and take advantage of its benefits.
Advocating freedom of choice on technology platform without other considerations apart from just Government having the free will thus not imposing what technology to use so as not to infringe on rights to exercise freedom of choice is rather a wild card.
It's Really a Matter of Choice
It is therefore our challenge as a nation, and as thinking individuals to determine where lies the greater good for the majority.
If we are so much bothered and concerned on the infringement of our choices and freedom because the benefits of using FOSS/ OSS far better outrun/ outnumber the advantages of using proprietary then let's not use FOSS/OSS.
If we are more of a proud race to be free or of having “freedom” per se to have a seeming choice on which technology platform for government and students to use and this is the prime benefit and criteria over others, then let us not support this cause and bill.
If freedom of “choice” is more important over savings, over knowledge, over empowerment, over enablement, over non-dependence on imported technology, over alleviating ignorance and poverty... then let's not help improve this House Bill 1716 just so we can “exercise” our freedom of choice...
But freedom on what, which and where? ... To purchase IT Solutions and Products without regulation? To use IT funds however government wishes? To stay dependent on technology that will increase budget spending over time? To proliferate ignorance and corruption?
Now, we have a choice.
Team 8layer
24 Dec 2008

Monday, December 22, 2008
SMBs Turn to IBM Lotus Foundations for a Whole New Approach to the Small Business Server
Press Release on a case study just recently installed in New Jersey.
http://www.prnewswire.com/mnr/ibm/36494/

Edukasyon at ang araw ng pasko
Kung ika'y may kakayanang maghandog sa Araw ng Kapaskuhan, Ano ito? At Sino ang iyon Hahandugan?
Tuwing dumadating ang panahon ng kapaskuhan, sari sari ang sumasagi sa ating isipan.... Ngunit sa kalaunan... ang panahong ito'y para sa mga bata, ang makatanggap sila ng samot saring regalo at sa kalaunan naman para sa atin sa paglipas ng panahon, ang araw ng Pasko ay dapat araw- araw... Pumiho rin sa aking isipan ang isang paksang at yamang napag-uusapan na rin lang, ano bang maganda at makabuluhang ihandog o maaaring ipamahagi? Kaya minsan gustong gusto ko ang panahong ito kasi para bagang andaming biglang bumabait... yong dating di gustong maglimos, napapabigay ng limos... nagpapakain ng mga batang lansangan at nagbibigay ng mga ibat ibang klaseng regalo sa ma orphanages at kung san san pang institusyon... Maganda sa isang banda kasi, kahit mahirap ang buhay at Global Crisis ikanga ay nakukuha pa rin nating maging bukas palad... ngunit sa isang banda naman lalo na umaapaw naman ang karangyaan, e bat tuwing pasko lang?... dagdag pa, ito na ba ang pinakamagandang handog na kaya nilang iaalay sa mga batang ito?
Maiba naman ako pero tungkol pa rin sa Pagsalubog ng Kapaskuhan. Eto't kababasa ko nga lang din sa aming yahoogroup ang patungkol sa aming nalalapit na High School Reunion. Nakakatuwat napakaraming suhestiyon o mga panukala na galing sa aking mga batchmates na matatayog na ang mga narating. Nagkaron pa nga kami ng pagkikita ukol dito kung san nagtalaga ng tinatawag na coregroup. Ito ang grupong inatasang isagawa ang pagtitipon at higit don ay makagawa ng programang hindi lang upang magtipon ang mga makakadalo ngunit ito ang syang magmumungkahi sa buong batch namin ng “pagbabalik sa aming napag-aralan, pinagkatutunan” na siya ring “ pagbabalik sa komunidad” o sa ingles “community responsibility and service”. Maaring mag-iipon muna ng mga kontribusyon habang nasa proceson ng pagtatalaga ng kung ano ang konkretong proyekto... ngunit habang lumalaon, nawawala ata ito sa mahabang thread o usapin ng napipintong reunion... marahil sobrang naexcite ang core group at ang buong batch.
Pero hindi pa din ako nawawalan ng pag-asang TULUYANG maglalaho ang esensya at pagbibigay kabuluhan ng pagtitipon o pagkikita kitang muli makaraan ang labing limang taon. Na sa panahong ito ay masayang magkita kita ang lahat bilang pasasalamat sa aming pamanang edukasyon sa aming mga magulang, guro at ang paaralang na sa amiy nakapagtapos, ngunit mas masayat makabuluhan kung kaya nating makapagbahagi bilang pagpapasalamat at bilang mga edukadot nabiyayaan dahil sa pamana ng edukasyon.
Di pa naman tapos ang lahat, kung kayat kung ako ang hihingan ng opinyon...
sa 100% na kontribusyon. Maaaring 20% ay gamitin sa pagtitipon ng reunion at 80% sa community service o pagbabahagi. Maaaring magkita sa isang simple disente ngunit di galanteng lugar at mag pot luck ng pagkain, inumin at mga bagong masasaya at makulay na kwento na dagdagan pa ng mga pangakong “let's keep in touch”.
Ang naiisip kong tema ng reunion "15 years na at 15years na programa para sa edukasyon ng mga susunod na henerasyon"... madaling sabihin pero mahirap i-commit... dahil hindi lang pondo ang kailangan kundi mga taong magcocommit na isasakatuparan ang programang ito, sustainabiity ikanga. Ngunit kung hindi kami magsisimula, wala kaming maliit man lang na naisakatuparan.
Ang idea na ito ay "SA GANANG AKIN LANG NAMAN". Sa araw araw kasi na paglibot ko sa kalye ng Metro Manila, nakakabagabag na ang nakikita kong mukha ng edukasyon.
Sa isang maikling komersyal nga sa TV, ipinakita dito yung batang lansangang babae na inabutan ng mansanas ng isang mama. Imbes na matuwa o makitaan ng ngiti sa mukha ang bata, nag akalang may kapalit ito kaya normal nyang hinawakan ang sinturon ng mama at umakmang tatangalin ito. =) sa GANANG AKIN rin lang..ITO NA ANG PANAHON..ANG UMAKSYON!
Eto.. sesegue ako sa edukasyon.
Ilang libro na ang nabasa ko at mga kanta na din ang aking napakinggan patungkol sa edukasyon.
Nariyan ngang nakasulat na din ako ng ilang sanaysay at tula sa temang pagpapahalaga ng pagaaral at edukasyon na may kasamang pagpapasalamat sa aming mga magulang. malinaw na sinasabi na ito daw ang "natatanging" pamana ng ating mga ama at ina. Hindi barya, hindi ang mga bahay at lupa o mga kagamitan KUNDI ang kaalaman upang maging handa sa mga haharapin sa buhay at mga pagsubok. Maging handa sa mga tinatawag na balakid ng panahon.
Naisip ko din ang mga batang susunod sa atin at ang patuloy na panganganib ng kalidad ng edukasyon ang para sa kanila. Habang pamahal nang pamahal ang edukasyon, palabnaw naman ng palabnaw ang kanilang mga nalalaman.... Napakarami pang dapat trabahuhin at tyagain.
Di na ako lalayo pa, naalala ko lang din ang aking “artistahing” pinsan (magandat modelo kasi) na na kamakailan lang ay nagtapos ng magdebut at ngayon ay OJT o nagsasanay sa amin ng basic IT at marketing. Humingi ako ng ilang minuto nya at nagdiskurso kami patungkol sa buhay at edukasyon, Nakibalita sa mga bagay bagay na pinakakaabalahan ng aking mga tito at tita at iba pang mga pinsan. Aking masusing binigyan ng diin ang mga diskarte at mga hirap noong akoy nasa kolehiyo para makagraduate sa kursong gustong gusto ko..ang pagiging inhinyero. Nais ko din kasing maibahagi na hindi kahit kailan hadlang ang hindi na kaya ng mga magulang natin kung bakit hindi na tayo magtutuloy sa mga bagay bagay na gusto natin o sa edukasyon na gusto natin. Sapagkat dahilan o ang pagdadahilan ang syang matinding kalaban at pagpreno o pagpinid sa mga pangarap.
Kung kaya't pasisinayaan namin at pagsisikapang makapaghandog ng makabuluhang pagpapayaman sa mga nais magtapos o madagdagan ang kanilang kaalaman sa kabila ng kanilang hikahos o kahirapan sa buhay.... Mahirap ito alam ko, pero yon ang masarap iregalo.. ang isang bagay na gusto ng reregaluhan mo, magagamit o kapaki-pakinabang at lalo na yong pinaghirapan mong isipin para sa kanya.
P.S.
Para sa isang kaklase. Maligayang pagbati sa at3event sa matagumpay na pagdaraos ng “story telling outreach program” nitong nakaraang december 20. tuloy tuloy lang...

Sunday, December 21, 2008
muling pag ba-blog at ang isang linggong pag-ibig este isang linggong pagbebertday ni insan renan.

try ko lang uling mag lagay ng isang kwento bago matapos ang taon na nanginginig nginig ng magpaalam(ang 2008) at tila ata dumadami na ang aking mga gawain at mga nagagawa sa kapaligiran at nagtatampo na itong blog ko dahil matagal din akong hindi nagtala ng ilang kwento.di makakalimutang mga kwento.
isang lingong lasingan, record holder ngayon itong aking pinsan na si renan (ang 8lien na may pinakamahabang bertday at araw araw na inuman). dahil mula pa ng rebootcamp.2008 (team building ng 8layer sa candelaria zambales-potipot island)n oong nakaraaang hanggang december 13 hanggang itong anniversary ng 70's bistro at kaarawan ni chikoy ng "the jerks" eh walang humpay ang selebrasyon sa tuwing sasapit ang gabi.
22 years old sya noong december 15
23 years old sya noong december 16
24 years old sya noong december 17
25 years old sya noong december 18
26 years old sya noong december 19
iyong lang ang kapalit, mabilis na pagtanda. ganun talaga ang kapalit pag masyadong masaya =).
pahabol:
-ano kayang masasabi ni roz dito? ang isa naming sysop na 8lien na laging nariyan para sa aming lahat.
-anak alak! may klasmeyt na pala tayong bago itong si willie na certified artista.
-naalala ko lang yung P1000.00 (dalawang limang daan) ni renan na naginginignginig pang lumabas sa wallet nya noong panahong nasa papajeks kame =).

Friday, December 12, 2008
Monday, November 24, 2008
my uclinux
madami dami din akong hindi naisulat nitong mga nagdaan araw.
alam ko yung iba nagtatanong, wala bang bagong post si r3d3ye?
pasensya ang daming tinutukan at inasikaso.
yung blog ko patungkol sa reunion ng patatag,ang aking hindi pagkadalo sa coregroup meeting ng HCAbatch93, ang mga huling inuman kasama sila anakalak at mga bagong katoto,ang kwento sa likod ng tunay na "artista" na si willy at mga technical posting ay susubukan kong mailathalat o mailagay sa blog na ito sa susunod na mga araw.
sa ngayon marahil ang masasabi ko lang ay nagbunga din ang pagpapagod at pagpupuyat; eto yung kumain ng maraming araw ko nitong nakaraan at ang kadahilanan na kahit naglalakad ako sa kalye ay patuloy na nagpoprogram yung utak ko sa daan at di mapakali.gawa na rin yung aking customized version na uclinux,wala pang pangalan itong distro ko na ito sa ngayon,tapos na ang kernel hacking sa wakas(marahil sa tulong ng kapangyarihan ng tinapay na gardenia at may palaman na reno at partner nitong isang tasang kape...at isa pang tasang kape);nakakatuwa din na dalawang (2)MB lang ang laki nito OS na ito, dito din mababanaag na nakashoot na yung libg729ab.so, distro ko ito para sa asterisk project ko. GUI na at documentation ang laruan at isasama ko nalang ang mga ito sa aking aklat na asterisk na ginagawa.
maraming salamat sa nagbigay ng inspirasyon para sa proyektong ito...

Subscribe to:
Posts (Atom)