Sunday, February 15, 2009

MABUHAY ANG MGA MAGNANAKAW

.
Ikalabing apat na araw ng pebrero. Araw ng mga puso. Araw ng pambansang paglindol sa buong kapuluan ng mundo.

Bigla lang ngayon ay tila bagang paulit ulit na kumakanta sa aking isipan ang “MAGKABILAAN” ni manong Joey Ayala!

ang katotohanan ay may dalawang mukha
ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba....

...bulok na ang haligi ng ating lipunan
matibay ang pananalig na ito'y palitan
suriin mong mabuti ang iyong paninindigan
pagka’t magkabilaan ang mundo...


kung bakit ganito,marahil ay sariwa pa ang mga kaganapan sa pagtawid ng oras mula kagabi hanggang kaninang madaling araw. Na ISNATCH ang iPhone ni jaja at aking mataimtim na sinubaybayan ang mga pangyayari bago magbukang liwayway at ito ang aking pa-iling na masasabi.

NAKAKALUNGKOT, NAKAKABAGABAG ang masaksihan ang isa sa sakit sa lipunan “ang makuyog ng mga haligi ng lipunan (magulang,tanod at kapulisan) ang isang malinis na hangarin para sa magandang kinabukasan ng isang batang paslit na tila lulong at aral na sa sindikato na kanyang kinasasadlakan.

Nakakalungkot dahil tila baga ang solusyon ay di na magiging solusyon dahil sa wala tapang at tikas ng batas at kumokonti nalang ang mga taong nagmamalasakit.

Nakakabagabag dahil sa hindi pagtugon ng mga alagad ng batas sa kanilang mga tungkulin ay nagiging pabata na ng pabata ang mga taong sumasali sa pagpapalala ng cancer ng lipunan. Kaya ano pa nga ba ang magagawa natin? minsan ay UMILING na lamang. Tapos bigla mo pang matutuklasan na may tinatawag na “INTERNAL SYSTEM” na sa aking pakiwari ay isa itong kinareer na sistema mula sa mga mundo ng magnanakaw. pinagsanib pwersa ng mga sindikato,mga tanod at mga alagad ng batas na sa HULI ay mapapawalang bisa sa mga KARAPATANG PANTAO at pag patay sa PAGSAGIP ng naghihingalong bayan natin. Na kulang nalang ay ISISIGAW MO NA ANG “MABUHAY ANG MGA MAGNANAKAW” mabuhay at nalinlang nyo kami at hindi na namin alam ang dapat na lapitan sa panahon ng panganib at kapahamakan.

Hindi sapat ang nakuha namin ang iphone. Pero sigurado ako, HINDI AKO MAGUGULAT kung dadami ang mga pabata ng pabatang snatcher sa kalye at malagay sa panganib at mga nakakarami dahil sa nagtatrabaho at trinabahong pagnanakaw sa kapayapaan at kapanatagan.

2 comments:

pangkalizer said...

"okie lang yan.. okie lang yan... lahat ng bagay madadaan sa inuman..."

at least hindi rambol yang napasukan nyo.

belated hearts day sa inyong dalawa!

walangmalay said...

nakakalungkot isipin na sa araw ng mga puso, makikita sa mga ganitong sitwasyon ang maling pagpaparamdam ng tunay na diwa ng sana'y makabuluhang araw... gosh... lalim ko na ring magtagalog! hehe.