.
Nandito ako sa republika de kapay ngayon.Nag-aantay kay Addie upang makipagkwentuhan ang mga bagay bagay sa musika at kanyang bogchihan. At ipaparating na rin ang di magandang balita tungkol sa ina ni ey-ar.
Eto at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, hindi tulad kahapon na para kang sinisilaban sa init kahit pa madaling araw na.
dagdan pa natin na hindi na nais tumulong ng aking "standard" electric fan na kabibili lang ngunit nakakatakot ng gamitin (ibabalik ko nga pala ito sa abenson sa galeria bukas...parang sasabog eh amoy sunog na plastik kasi pag umaabot na ng 5-10 minutong umaandar).
Dito sa Kalye ng Matalino,QC habang nagkakape sa KAPAY bigla ko lang na obserbahan ang ibat ibang uri ng mga empleyado't/namamasukan. may guardyang bangko, takatak boys, naglalako ng sampagita, nag-aalok ng ng mga piratang DVD, tapos may lumapit pa ngang ale na namimigay ng mga flyers,waiters, mamang nagbabantay sa parking na pilit na naniningil na beinte pesos daw(kahit na hindi kanya ang lugar at ito'y pag-aari ng BDO at UCPB) at idagdag pa natin ang isang magba-balot na ngunit sa kanyang basket eh chicharon na lang ang natitirang laman.
ewan ko ba. eto lang ang naging mas may linaw sa akin sa ngayon sa harapan ng hindi na gaanong mainit na tasa ng tsokolate.. ibat' ibang uri ang trabaho at mahirap mag trabaho lalo nat ang pagtratrabaho mo'y nakasalalay ang pagkita ng perat pantustos ng pangangilangan mo at ng pamilya mo... bigla din akong napatanong ano ba ang TUNAY na ibig sabihin ng trabaho?
paano ba nagiging makabuluhan ito? Sa sarili mo? Sa mga taong umaasa sa yo? Sa pinagtratrabahugan mo? At sa mga taong hinaharap mo habang pinagsisikapan mong gawin ang iyong trabaho? At marahil, kung ito bang trabaho ay talagang nais mo?
Dagdag ko lang, gaano kaya kalaki ang porsiyento ng may trabaho sa ngayon ang alam ang halaga ng trabaho maliban sa konseptong, kapag may trabaho ka, may suweldo ka..? Ang saya marahil kung ang lahat ay lumulugar sa mga bagay na pagbabalanse ng mga naitala ko sa aking isipan:
1.ang mabigyan ng kahalagahan ang iyong kontribusyon habang patuloy na nalilinang ang iyong kaalaman
2.at ang maunawaan ng lubusan ang mga bagay na kailangan ipamahagi para sa mga nangangailangan ng iyong serbisyo (maging ito ay para sa kapwa mo ka-opisina, kliyente, at lipunan)
3.ang maging kaparte ka sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng misyon at layon ng iyong kumpanya at hindi parte ng pagyurak o pagkitil ng misyong gustong abutin...
Sa aking sariling karanasan, mas marami akong nakasalamuha, o mas madalas kong naririnig sa iba't ibat lugar na aking puntahan, makainuman o huntahan; ay talagang nag-aaral at dumidiskarte ang mga tao upang magkaroon ng trabahong kanyang inaasam-asam. Nariyang uutang pa ng pambili ng gel o pomada, matikas na polo't pabango at siempre pa paghahandaan ang isasagot sa mag-iinterbyu para lang matanggap sa trabaho at makitang siya ang karapat dapat sa tungkuling yaon.
At siempre pa pag natanggap ka na; nariyang unang una mong gagawin para mapabilang ka ay galingan sa iyong itinakdang asignaturat posisyon, at aalamin kung pano ka uunlad sabay sa pag unlad ng iyong pinapasukang kumpanya. Mahalaga sa pagtatrabaho ay masaya mo syang ginaganapan at patuloy na hihigitan ang mga inaasahan sa iyo habang .
E papaano naman kaya yong halimbawa ako sa aking pagiging masuwerteng nilalang sa libo libong walang trabaho sa Pilipinas at nabiyayaan ng trabahong tutulong sa pag asenso ko bilang tao at para sa pamilya ko. Paano kung lagi akong tampulan ng sermon o galit ng aking mga Bisor dahil laging hilaw o wala sa hulog ang mga pinagagawa sa akin? Paano kung nauubos ang oras ko, napakaaga kong pumasok at madalas lagpas na sa takdang oras ako kung umuwi pero tila wala daw sa palang halaga ang pagpupuyat ko o aksaya ng kuryente sa opisina? Bakit? Kasi walang kontribusyon... hindi nagiging malinaw sa mga kasama ko kung bakit ako nandoroon? Paano kung inilista na ang aking kailangang gawin at ako na lamang ang inaasahan sanang tumapos noong oras na iyon at hindi ko pa nagawa? Paano kung mali mali ang impormasyong naiibigay ko sa mga kasamahan ko upang magawa nila nang maayos naman ang kanilang mga trabaho? Paano kung wala akong kusa at nag-aantay lang ako ng aking gagawin lagi?
Pabigat na ba akong maituturing?
At bakit sa kabila ng lahat ng nasasaad bilang ako sa aking pinapasukan, ay may trabaho pa rin ako hanggang sa ngayon? Anu-ano kaya ang aking dapat isipin?
Tama, bakit kaya ako nandito pa? Kapag nagpatuloy ba akong ganito, bukas kaya ay may trabaho pa ako? O sa makalawa?
Sa ganitong sitwasyon, maaari siguro akong pasalamat at may trabaho pa akong kahit papaano'y nakakatulong sa aking pantustos sa araw-araw... pero dapat ba akong matuwa o maging masaya?
Pag dumating kaya ang araw at nagsara ang pinapasukan at ang mga dahilan ay bunga ng aking di pagbibigay ng aking panahong matuto sa aking pagkakamali, ang hindi paggawa ng tama at hindi rin paggawa ng tama at takda ng aking mga kasama dahil sa aking kakulangan, at mas malaking tapon at mali pala ang naging resulta nito.... dahil nauubos pala ang pangpasueldo at oras sa pagpapalago sa mga tulad ko? Matutunton ko ba ito at matututo akong sa maliit kong parte, malaki pala ang epekto?
At naisip ko bago magsara ang kumpanyang kumupkop at nagpapahalaga sa aki't nagbibigay ng trabaho kahit palpak ako, ... imbis na mandamay pa pala ako.. buti pang ako na lang ang wala na munang trabaho.
Mabuti ng Wala, Kaysa mawalan ang mas marami...
May kasabihan nga tayo..
ang batang masipag...paglaki pagod! (ay..kay AI-AI pala ito)
eto nalang.
PAG HINDI UKOL..DI BUBUKOL....Huwag nang Ipilit! =)
Sa usaping “trabaho” may isa akong babala:
HINDI matatawag na TRABAHO dahil may ginagawa ka lang o nasa opisinat ubos oras; Bagkos ang TRABAHO ay pag-gawa sa mga INATAS AT NAAYON para sa iyo at naitakda na iyon na sinumpaang tungkulin. Kung kaya't may silbi para sa nakakarami. Ikanga sa reporting; “done” or “completed”.
1 comment:
parang naka-stress naman po itong entry niyo sir meric...
dito naman po samin yung parating tulog or absent/undertime and laging kinaiinisan ng client na employee yun ang malakas sa big bosses, hehe if magtrabaho ka ng maayos, magustuhan ng clients ang ginawa mo at productive ka pag-iinitan ka pa tuloy... hay... anyway that's life...
musta po yung philwebby?
Post a Comment