Monday, January 19, 2009

pagod lang marahil.

Nais ko lang SUMIGAW..WAAAAHHHHH!

Magkukwento nalang marahil ako. Nagdaan naman ang sabado at linggo (araw ng pahinga at pagmumuni-muni) ewan ko ba't eto't matatapos at pipikit na ang araw ng lunes ay tila ayaw pang magpahinga ang aking balisa at mapupungay na mga mata;sa totoo lang ang sakit na ng ulo ko, ramdam ko ang kirot, ang hapdi na din ng aking mga mata na tila baga sa aking pagkindat eh tsamba na maidilat ko sya ng buo pa...sigurado akong ngayon ay mahigit kwarenta i-otso na akong gising...at malakas kong masasabing ako'y nasa ilalalim ng tinatawag na DIWANG gising.
Sa bawat sandali nga na ako'y maihipan ng hangin ay napupuna ko din ang pagiging "sandal tulog" ko sa mga panahong bumubiyahe ako patungo sa aking mga pang araw araw na destinasyon...mga kliyente at kapihang pahingahan.

sa aking pakiwari, marahil ay maliksi pa ang aking utak upang mag isip at magsaliksik para sa mga posibleng solusyon sa pagkakasunod sunod na mga technical puzzle para sa aking sysop team (naks technical puzzle? para namang positibo?) at patuloy na pagsisiyasat para sa linux solusyon na pwedeng maibigay sa client na patuloy naman ang pagdami. marahil ang nahahatak din ako ng ilang isipin patungkol sa mga sumusunod

1. ang labis na pag-iisip
2. sa usaping pag-gawa at
3. ang usaping pag-iisip at pag-gawa.

*marahil malinaw ito mga numero na ito sa iilang mga taong nakakasalimuha ko

pilit din umuukilkil ang mga leksyon patuloy kong binibigay sa iilang mga mahalagang tao na tila baga walang epekto. na sa panahon naman ng inuman at seryosohan na usapan ay malinaw at nabibigyan ko ng halimbawa ang ilang bagay na syang nagiging kadahilanan ng aking paninikip ng dibdib. ewan ko ba???makailangan beses ko na din natanong ang aking sarili. ilang beses ko na din napagalitan ang aking sarili..at ang aking sarili ulit at paulit ulit ng paulit ulit..ULIT..na aking sarili. wag lang sana akong mapagod.

mahirap din palang matangap ang katotohanan na ang i-ilang mga asignatura na nai-aatang mo ay ikaw din ang gagawa. tapos pag nagbasa ng nasusulat at sa mundo ng nasusukat na bagay tila bagang walang takot ang paninindigan na tila baga walang kamalian (marahil nasa mundo ako ng panaginip, iyong nga lang gusto ko na talagang magising at malaman ang tunay na mukha ng katotohanan (existential question, na alam kong namang, di ko rin malalaman at uubos ng aking lakas at oras kung ito lang ang patutuunan ko buong buhay ko), pero sa isang banda eh pwedeng ayaw ko na ding malaman ang bagay na alam ko na..na masaklap man isipin at sana'y huwag namang magtunog self-serving... minsan pakiwari ako talaga, akoy isang ALIPIN at utusan at tagasolba para sa kapakanan ng matitigas na iilan..muli, ISA AKONG ALIPIN,,,saklolo naman). ewan! di ko maisip, at parang ayaw ko nang magisip at nanaisin ko nalang umiyak sa aking masaklap na pagkabigo. napapaubo ako,ubo ng pagkagulat at pagkamangha, lalo't sasabayan ito ng ilang pag-ubo pa na dulot marahil sa alanganing pagdampi sa aking katawan ng alanganing panahon, na maari din dahilan ng sandalian pagtigil sa paghimas ng katawan ni san miguel. ewan ko, pasasaan at tulad ng dati masusumpungan ko din ang kalakasan. na kung ibabalik ko nga ang usaping pag gawa..ang masasabi ko lang..marahil ako na nga lang ang gumawa..ng gumawa...ng gumawa..ng walang akong aasahan? sana ganun lang ang mundo ng "tama at dapat" no? Pero pasalamat na rin ako at ganito ang ibinigay sa aking pagsubok; ibinigay sa aking "kaalaman"... na tanggaping marami akong di nalalaman at kailangang alamin... upang makapaglingkod... yun nga minsan bilang tao, nakakapagod. lubhang nakakapagod na.

ISANG MALAKAS NA SIGAW na "HIIIINNNDIIIII" (may echo echo pa..INDIIII...DIII...IIII) Hinding hindi titigil.., walang hintuan! SAbi ko nga - Pagsubok, manalig at magtiwalan may mangyayarit magaganap. Ang ibigay ko pa rin ang sa aking inaakala'y kaya ko pa, basta't sana, ako'y di magkulang.

LABAN lang lalo na at maraming nariyan,ang mga taong aking pinili na maging sandigan at kalakasan (sandigan ng buhay) tulad ng mga ilang tao na pinili kong maging kabagang at tunay na nandyan para magbigayng dingas sa aking paglalakbay sa buhay. SOLVE LAHAT IYAN!

Buti nalang at eto't kasabayan ko ngayon ang ilang OPM (Banshee Music Player) na paborito kong mga awitin, pilit at tumutulong sa pag hele ng aking malarong isip. katulong ang pag sulyap sa iilang eebooks, ang wvdial dial at aking P990i upang patuloy akong makapagsaliksik sa mundo ng aking larangan. ang internet.kahit nasang lupalop pa ako ng daigdig laging nariyan.

Sana bago nga tuluyang iiwan ng araw ng lunes at nalalabing na tiktak sa relo at ibang araw na muli. sana ay makatulog na muna ako. di na din muna ako tutula at magiging madamdamin lang ako. malinaw sa akin,isang "HELE.mp3" lang ay tulog na din ako,marahil pagod lang ito, makina nga bumibigay, ako pa kaya, tao lang. mamaya balik na naman ako sa pagharap sa mundo. Ironic!!! ANG MASARAP at MAPAIT NA MUNDO MAPAIT? narurungisan kasi ng mga bagay na "hindi tama at dapat" (mahabang talastasin ito, na di ko na muna papangahasing isipi at isulat pa).... at ano ang magagawa ko, bilang isang humaharap sa ganitong klase ng mundo? haraping lumalaban, may pag asa sa mundo at sa mga naririto pa.

ayan napahikab na ako... =)

No comments: