Wednesday, January 21, 2009

May Tibak at May Tibak

Medyo abala ako ngayong araw sa pagtuturo ,pagbibigay kaalaman sa ilan, sa preparasyon para sa lakad papuntang davao bukas at tuong sa isang kliyente para pag-aasikaso sa disaster recovery project nila...atpb.

tamang tama at nakita ko ang aking external harddisk; nag check ng mga laman nito at naghanap din ng lumang template para maging guide o pwedeng magamit para sa aming ginagawang mga proyekto ngayon..nakakita naman ako.

tamang tama din at nadoon din sa harddisk ang mga koleksyon ko ng mga lumang mp3 na nadownload ko noong unang panahong ako'y nagbababad sa internet ang nagkokoleta ng mga audio,ito'y mga awiting hindi maitatanging akin ngang paborito. foldar agad ng "LEAN" album ang aking nakita kaya't dali dali kong pinagtugtug ang isa kantang na ang pamagat ay "May Tibak at May Tibak".

"May Tibak at May Tibak"
Tagpuan ng mga kabataang aktibista.

EDWARD
Alam ba natin kung ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin

BOBBY
Bakit pa ba natin papansinin
Kung ano ang tingin nila sa atin

EDWARD
Para sa akin, mahalaga rin
Mahalaga ring ating alamin
Kung ano ang tingin, ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin

CHINO
Ano?!

MR. TIM (as Press)
Anong klaseng demo yun, wala man lang nabugbog
Ang mga tibak ngayon walang lakas ng loob

JOJO
Hmp! Ni wala man lang naghagis ng mga molotov
Walang mailalathala, walang mapapanood

LEAN
Di tayo mga gunggong na hanap lang ay away
Sa halip ng gulong ay magsunog ng kilay
Dahil di ang mga bagay ang dapat na basagin
Kundi isip at malay na naaalipin

ACTIVISTS
May tibak at may tibak

CHINO
May nagtitibak-tibakan

ACTIVISTS
May tibak at may tibak

CHINO
Depende sa tibak

ACTIVISTS
May tibak at may tibak

CHINO
Ang gusto kong tibak

LEAN
Alam sukatin ang layo ng mga bituin
At ang pagkakaiba ng isda at ng pating
Alam suriin, pulitikal na sitwasyon
Ang diperensya ng vodka, whisky at siok tong


MR. TIM (as UP exec)
Kilusan ng kabataan ay hindi tumatagal
Yan ay pansamantala habang nag-aaral
Ni wala kayong masabing pundasyong teoretikal
Nakikisakay lang sa labanang pulitikal

LEAN
Ang inaning tagumpay pinaghirapan ng husto
Ang talino at gabay ay interes ng tao

EDWARD
Huwag nyo sa amin isisi ang di nyo natamo
Kung kayo’y walang silbi nuong kabataan ninyo

ALL
May tibak at may tibak

BOBBY
May nagtitibak-tibakan

ALL
May tibak at may tibak

BOBBY
Depende sa tibak

ALL
May tibak at may tibak

BOBBY
Ang gusto kong tibak

LEAN
Nakakaunawa ng E=mc2

EDWARD
Nakakasira pero marunong mag repair
Nag-aalaga ng bata, baboy at manok


BOBBY
At pag may miting, hindi laging inaantok

MR. TIM (as priest)
Sa aking pananaliksik ay aking natuklasan
Mga kahindikhindik na katotohanan
Ang Marxismo-Leninismo idolohiyang hungkag
Sosyalismo, Komunismo, sa Diyos ay labag


EDWARD
Ang kanyang mga sinabing pagkahabahaba
Huwag niya nang pahahabain at lalong halata


NOLI
Si Padreng dalubhasa patawarin nyo Ama
At di nya nabasa ang kanyang pinupuna

ALL
May tibak at may tibak

CHINO
May nagtitibak-tibakan

ALL
May tibak at may tibak
CHINO Depende sa tibak

ALL
May tibak at may tibak

CHINO
Ang gusto kong tibak

LEAN
Marunong magbasa ng Marx, Mabini

BOBBY
Mao Tse Tung

LIDY
Marunong maglaba, magsaing nang walang tutong

EDWARD
Kunwari cool na cool pag kaharap ang military

CHINO
Nakaka scrabble kahit walang dictionary

Ad lib
Kukuha ng gitara si Lean at tutugtugin habang kumakanta na medyo sintunado ang boses.

LEAN
Mahilig kumanta at mahilig maggitara
At nakakahalata pag naririndi sila
Titignan ng masama si Lean ng mga kapwa aktibista kaya mahihiya ng konti at ibababa ang gitara sa tabi.


LEAN
Ngunit higit sa lahat walang pinagtatakpan
Marunong humarap sa sariling pagkukulang

MR. TIM
May tibak at may tibak

JOJO
May nagtitibak-tibakan

MR.TIM
May tibak at may tibak

JOJO
Depende sa tibak

MR. TIM
May tibak at may tibak

JOJO
Ang gusto kong tibak

MR. TIM
Ang tipo kong tibak

JOJO
Ang idol kong tibak
Ang perfect na tibak

MR. TIM
Patay na tibak!

No comments: