Tuesday, December 30, 2008

komento kay bambee

Kakauwi lang ng buong 8liens galing ng sagada at eto't balik realidad.

Balik sa eksana ng kapaligiran at katotohanan ng ating mga mundong ginagalawan at kakapalan ng iilang mga taong naghahariharian.

Wala pang ilang minuto akong nakaupo sa harap ng laptop ko ngayong araw na ito. Nag-monitor ng status ng asterisk server namin para sa mga calling rules na dinadagdag ko at binasa yung mga ilang emails ng mga partners sa iba't ibang bansa.

Maya-maya pa ay eto nabasa ko ang entry ng blog na ito na mag-aanim na raan ang komento sa kasalukuyan binabasa ko sya at ito'y galing sa iba't ibang mga tao.

ETO YUNG BLOG:
http://vicissitude-decidido.blogspot.com/2008/12/world-is-fucked-up.html

ano bang masasabi ko? Mabuhay ang mga Pilipinong Pulitikong napaguusapan dito at alam na alam ninyong gamitin ng tama ang inyong kapangyarihan at sabi nyo "kung sino kayo"....ang PANG-AABUSO.

Marahil tulad ninyo, nais ko lang din gamitin ang kapangyarihan ng bagong teknolohiyang ito.. ang “INTERNET” para masabing konting hiya naman, konting respeto sa aming mga simpleng mamamayang humalal sa inyo naihalal nga ba kayo?). Gamitin natin ang teknolohiya ng sabay sabay ng hindi nahihinto sa mga salitaan at awa lamang. ANG AKSYON!

Ang aksyunan ang mga ganitong kabulukan, ang maunawaan ng mga pulitiko na sila'y naririyan para KILALANIN ANG MGA TAONG PAGSISIBLIHAN hindi ang makilala at mag karoong ng karapanang mag salita tulad ng mga bantang "Hindi nila kami kilala! Sabihin mo nga sa kanila kung sino ako!" At ang "Tatandaan kita!" Lalo na sa mga sandaling mas kinakailangan na sya ang mga hawak ng pang-unawa, ng pagmamahal at magpatunay na magpahalaga sa kapaligiran at mga paniniwala.

Sa pagkakataong ito, ang buntal ng kamao at mga salitang binitawan para sa isang walang labang matandang lalaki at magbanta sa isang katorse anyos na paslit ( na di pa ganap ang hubog ng kamao bagkos, ang natatanging lakas ay ang magmakaawa).

ilang beses kong inunawa at pinaulit ulit isipin.Di no-minsan sasagi sa atin na gagawin ng isang respetadong Pulitiko mula sa isang respetadong pamilya....

Naalala ko ang isang bagay na naishare ko noong nasa sagada ako. “NA ANG MGA WALANG KWENTANG BAGAY AY DAPAT WALA LANG” hindi dapat nabibigyan ng mga malalalim nakahulugan o pag-aaksaya ang mga ito. Sa pangyayaring ito, ang kadahilanan ng masisidhing pagpapalitan ng salita at mga kamao at dapat wala lang ang mga nangyari base sa aking simpleng pagsusuri. Dapat ay alam lang ang simpleng kalulugaran,paggamit ng kapangyarihan at diwa ng kakalipas na kapaskuhan- ang MAGBIGAYAN. Ang kaganapan sa golf course na iyon ay simple sanang natapos at di umabot sa ganong buntalan kung ihahalintulad sa pagganap sana nila ng kanilang responsibilidad nila bilang mga public servant o pulitiko... sanay sila (ang mga pulitiko) ang syang kumilala muna sa mga sarili nila bilang mga public servant, tamang ipakilala nila kung paano nila nauunawaan ang salitang ito na kanilang pinili .... ang siste'y gusto talaga syang pagsilbihan....... ang tanong ko, naka hole-in-one kaya sya at mga kasama nya sa flight nya? proud kaya silang huling dumating at gustong mauna kaya nambugbog na lang?

Ganun talaga, ang sistemang bulok nagsisimula sa mga pulitikong bulok na ang tanging sandata ay ang kabulukang itago at gumamit ng mga taong bulok sa lipunan.

Para sa mga katulad nyong pulikito..maligayang pasko sa inyo at nawa'y maging mabuti na kayo sa mga darating na taon.

P.S. Para kay bambee..Ituloy tuloy lang natin ang laban..hustiya ang kailangan.

No comments: