Kung ika'y may kakayanang maghandog sa Araw ng Kapaskuhan, Ano ito? At Sino ang iyon Hahandugan?
Tuwing dumadating ang panahon ng kapaskuhan, sari sari ang sumasagi sa ating isipan.... Ngunit sa kalaunan... ang panahong ito'y para sa mga bata, ang makatanggap sila ng samot saring regalo at sa kalaunan naman para sa atin sa paglipas ng panahon, ang araw ng Pasko ay dapat araw- araw... Pumiho rin sa aking isipan ang isang paksang at yamang napag-uusapan na rin lang, ano bang maganda at makabuluhang ihandog o maaaring ipamahagi? Kaya minsan gustong gusto ko ang panahong ito kasi para bagang andaming biglang bumabait... yong dating di gustong maglimos, napapabigay ng limos... nagpapakain ng mga batang lansangan at nagbibigay ng mga ibat ibang klaseng regalo sa ma orphanages at kung san san pang institusyon... Maganda sa isang banda kasi, kahit mahirap ang buhay at Global Crisis ikanga ay nakukuha pa rin nating maging bukas palad... ngunit sa isang banda naman lalo na umaapaw naman ang karangyaan, e bat tuwing pasko lang?... dagdag pa, ito na ba ang pinakamagandang handog na kaya nilang iaalay sa mga batang ito?
Maiba naman ako pero tungkol pa rin sa Pagsalubog ng Kapaskuhan. Eto't kababasa ko nga lang din sa aming yahoogroup ang patungkol sa aming nalalapit na High School Reunion. Nakakatuwat napakaraming suhestiyon o mga panukala na galing sa aking mga batchmates na matatayog na ang mga narating. Nagkaron pa nga kami ng pagkikita ukol dito kung san nagtalaga ng tinatawag na coregroup. Ito ang grupong inatasang isagawa ang pagtitipon at higit don ay makagawa ng programang hindi lang upang magtipon ang mga makakadalo ngunit ito ang syang magmumungkahi sa buong batch namin ng “pagbabalik sa aming napag-aralan, pinagkatutunan” na siya ring “ pagbabalik sa komunidad” o sa ingles “community responsibility and service”. Maaring mag-iipon muna ng mga kontribusyon habang nasa proceson ng pagtatalaga ng kung ano ang konkretong proyekto... ngunit habang lumalaon, nawawala ata ito sa mahabang thread o usapin ng napipintong reunion... marahil sobrang naexcite ang core group at ang buong batch.
Pero hindi pa din ako nawawalan ng pag-asang TULUYANG maglalaho ang esensya at pagbibigay kabuluhan ng pagtitipon o pagkikita kitang muli makaraan ang labing limang taon. Na sa panahong ito ay masayang magkita kita ang lahat bilang pasasalamat sa aming pamanang edukasyon sa aming mga magulang, guro at ang paaralang na sa amiy nakapagtapos, ngunit mas masayat makabuluhan kung kaya nating makapagbahagi bilang pagpapasalamat at bilang mga edukadot nabiyayaan dahil sa pamana ng edukasyon.
Di pa naman tapos ang lahat, kung kayat kung ako ang hihingan ng opinyon...
sa 100% na kontribusyon. Maaaring 20% ay gamitin sa pagtitipon ng reunion at 80% sa community service o pagbabahagi. Maaaring magkita sa isang simple disente ngunit di galanteng lugar at mag pot luck ng pagkain, inumin at mga bagong masasaya at makulay na kwento na dagdagan pa ng mga pangakong “let's keep in touch”.
Ang naiisip kong tema ng reunion "15 years na at 15years na programa para sa edukasyon ng mga susunod na henerasyon"... madaling sabihin pero mahirap i-commit... dahil hindi lang pondo ang kailangan kundi mga taong magcocommit na isasakatuparan ang programang ito, sustainabiity ikanga. Ngunit kung hindi kami magsisimula, wala kaming maliit man lang na naisakatuparan.
Ang idea na ito ay "SA GANANG AKIN LANG NAMAN". Sa araw araw kasi na paglibot ko sa kalye ng Metro Manila, nakakabagabag na ang nakikita kong mukha ng edukasyon.
Sa isang maikling komersyal nga sa TV, ipinakita dito yung batang lansangang babae na inabutan ng mansanas ng isang mama. Imbes na matuwa o makitaan ng ngiti sa mukha ang bata, nag akalang may kapalit ito kaya normal nyang hinawakan ang sinturon ng mama at umakmang tatangalin ito. =) sa GANANG AKIN rin lang..ITO NA ANG PANAHON..ANG UMAKSYON!
Eto.. sesegue ako sa edukasyon.
Ilang libro na ang nabasa ko at mga kanta na din ang aking napakinggan patungkol sa edukasyon.
Nariyan ngang nakasulat na din ako ng ilang sanaysay at tula sa temang pagpapahalaga ng pagaaral at edukasyon na may kasamang pagpapasalamat sa aming mga magulang. malinaw na sinasabi na ito daw ang "natatanging" pamana ng ating mga ama at ina. Hindi barya, hindi ang mga bahay at lupa o mga kagamitan KUNDI ang kaalaman upang maging handa sa mga haharapin sa buhay at mga pagsubok. Maging handa sa mga tinatawag na balakid ng panahon.
Naisip ko din ang mga batang susunod sa atin at ang patuloy na panganganib ng kalidad ng edukasyon ang para sa kanila. Habang pamahal nang pamahal ang edukasyon, palabnaw naman ng palabnaw ang kanilang mga nalalaman.... Napakarami pang dapat trabahuhin at tyagain.
Di na ako lalayo pa, naalala ko lang din ang aking “artistahing” pinsan (magandat modelo kasi) na na kamakailan lang ay nagtapos ng magdebut at ngayon ay OJT o nagsasanay sa amin ng basic IT at marketing. Humingi ako ng ilang minuto nya at nagdiskurso kami patungkol sa buhay at edukasyon, Nakibalita sa mga bagay bagay na pinakakaabalahan ng aking mga tito at tita at iba pang mga pinsan. Aking masusing binigyan ng diin ang mga diskarte at mga hirap noong akoy nasa kolehiyo para makagraduate sa kursong gustong gusto ko..ang pagiging inhinyero. Nais ko din kasing maibahagi na hindi kahit kailan hadlang ang hindi na kaya ng mga magulang natin kung bakit hindi na tayo magtutuloy sa mga bagay bagay na gusto natin o sa edukasyon na gusto natin. Sapagkat dahilan o ang pagdadahilan ang syang matinding kalaban at pagpreno o pagpinid sa mga pangarap.
Kung kaya't pasisinayaan namin at pagsisikapang makapaghandog ng makabuluhang pagpapayaman sa mga nais magtapos o madagdagan ang kanilang kaalaman sa kabila ng kanilang hikahos o kahirapan sa buhay.... Mahirap ito alam ko, pero yon ang masarap iregalo.. ang isang bagay na gusto ng reregaluhan mo, magagamit o kapaki-pakinabang at lalo na yong pinaghirapan mong isipin para sa kanya.
P.S.
Para sa isang kaklase. Maligayang pagbati sa at3event sa matagumpay na pagdaraos ng “story telling outreach program” nitong nakaraang december 20. tuloy tuloy lang...
No comments:
Post a Comment