LinuxG33K,Geekineer,Open Sourcerer,Social Entrepreneur,Certified Linux Engineer,Computer Engineer,Explorer,Community Volunteer,Poet,Lyricist and Composer
Tuesday, November 27, 2007
Ang daming ng nagbago?
tuwing magbabaliktanaw ako sa lahat...mga tao sa paligid...mga lugar..mga kaganapan..mga aral..asal at kung ano ano pa.
isa lagn ang malinaw at patuloy na nangyayari...PAGBABAGO! madaming nagbago.
itong nakaraang linggo lang, kagagaling ko sa CEBU..sa DAVAO!
kasi medyo nagign busy sa pag na-na-knowledge share ng LINUX at NITIX ko sa mga partner dun.
medyo malaki ang mga pagbabago.
naalala ko yung mga unang bisita ko sa CEBU kung saan saan lang ang HOTEL yugn tinutuluyan namin.
aba ngayon..sa WATERFRONT NA!..sosyal. kung dati rati sa mga bekery at mga cerendirya ang aming destinasyon para pag magaalmusal tanghalian at hapunan.
ngayon sa hotel na..kasama ang mga banyaga, mga nagsisingkitang mga nilalalang...maiingay ngunit di ko maintindihan.
Yung sa davao naman! ganun din. sa MARCO POLO naman ang Hotel at masasarap na pagkain ang mga nakapila tuwing oras ng kainan.
si Eric Gancio, Di man nagbago ang kanyang pagsalubong sa amin at pagdala sa amin sa mga gagandang lugar sa DAVAO eh may bago na syang
KUBONG STUDIO na kung saan sya nagrerecord ng mga magaganda at mga makabuluhang kanta.
Tulad ng sabi ko! madami ng nagbago at patuloy na nagbabago.
Siguro mga halimbawa lagn ito. pero ano ba ang dapat na punto ng BLOG ko ngayon na ito.
sa daming pagbabago sa daming nagbabago..walang mga mintis at patuloy na binabago ang ating pakikisalamuha pakikibagay at
pakikibaka sa mundo. dapat lang laging handa! maging maingat at maging maligaya dahil ito'y parte lamang ng buhay.
nakakatakot? nakakamangha? marahil...pero ang mahalaga! sa bawat pagbabago..parte ka...
I remember yung isang sulat ng isang kaibigan.
sakin lang.. ayusin nyo yung issue nyo ni meric bilang magkaibigan....may pinagsamahan naman kayo
...sabay sagot ng isang kausap..." i have offered that to him before ( to talk ), but he didnt take it."
Minsan nakakasakit na! pero malinaw na BULAG sa katotohanan! mga usap na hinihingi at ibinabaling dahil sa hindi pagbibibigay ng tsansa na makausap mo.
EWAN! ang simple...nung panahong GUMAGAWA KA NG KAULULAN..di ka humingi ng USAP!..YUNG GUMAWA KA NG LEGAL NA HAKBANG..NGUNIT Hilaw...di ka humingi ng USAP.. lahat ay huli na...NAHULI KA NA...isang GHOST CONSULTANT AT mga PAGnANAKAW na ang ginagawa..MAGMAMALAKI PA!..hay! pagbabago...sana maging malinaw...MAGBAGO AT UMAYOS! magpahalaga! wag mag kupal.
Isang maganda at direstsong mensahe!...isoli..umayos...magtino...sabi nga ni bitoy..YARI KA! magbago.
teka alam ba ng tatay,nanay,asawa, mga kapatid ito? muli magbago!
Friday, November 02, 2007
Switchvox Free Edition
October 31, 2007 — One month after its acquisition of Switchvox, a leading provider of IP PBX phone systems for small- and medium-sized businesses (SMBs), Digium®, Inc., the Asterisk® Company, announced the immediate availability of Switchvox Free Edition.
Wednesday, October 31, 2007
I'm not interested
meron nga akong nakita na pwede kong maiintegrate sa SCALIX server namin. gawa sya sa C kaya lang di pa mature yung software
na syang nag bigay sa akin ng INTEREST para makatulong ako sa author nung project na iyon.
maganda kasi yung code at documentation..wala lang sya sigurong katulong o nag "kakaINTEREST" pa sa inumpisahan nyang proyekto.
bale pag natappos ko yung assignment ko i share ko sa inyo yung project. "INTERESADO" kasi ako dito eto't kakatapos kong mag deploy kanina ng isang SCALIX server sa isang client namin na nilagyan ko lang ng konting magic ng bash scripting then..okay na!
kahapon naman nag pabili ako ng DVD-RW kay roz kasi may distro/LIVECD akong na download na makakatulong para sa pacoconduct ko ng training.
nagbibigay sya ng libreng examination..nag kainterest ako dito sa OS na ito kasi mapapadali yung aking pagshashare ng knowledge re: Linux and opensource.
para sya kioks pero puro linux tutorial at examination..ang saya! eh syempre para sa mga nagtatanong ulit! since ISO yung nadownload ko di bi-nurn ko sya sa fedora ko.
eto share ko lang!
[root@r3d3ye mmara]# yum install dvd+rw-tools
[root@r3d3ye mmara]# growisofs -Z /dev/dvd
o bonus sa mga bago: kung gusto nyo namang gumawa o INTERESADO kayo na gumawa ng simpleng ISO
[root@r3d3ye mmara]# # mkisofs -r -o /home/mmara/xfiles/xfiles-disk.iso /home/mmara/xfiles/
madami pa....mga bagay bagay na nagbibigay sa akin ng interest patunglong sa linux at opensource
para sa akin..etong interest na ito yung isang puhunan ko sa mga natututunan ko.
lesson:
pag interesado ka sa isang bagay..ipaglaban mo..panindigan mo kasi bihira lang iyon.
wag na wag na wag kang mag sasabi ng isang bagay o papakita mo yung INTEREST mo pero
pag ibinigay naman sa iyo..sasabihin mo "YOURE NOT INTERESTED" korni ka nun..bading o kaya
ISA KANG MALAKING JOKE!. ANO BA TALAGA ANG GUSTO MO? panindigan mo! pero syempre..ingat ka!
ay! nga pala..MAS MATIMBANG ANG DUGO SA TUBIG!!!!
eto siguro yung next na iboblog ko o i kukwento ko sa iyo blog...NAKAKA INTEREST! =)
at tsaka..mga kwentong patungkol sa "REPUTATION" na din siguro.bakit? next time na nga kayo mag tanong..ishishare ko naman eh
kailangan ko lang bumalik sa aking "console"
Thursday, October 25, 2007
Hiring nga pala kami
But if you are willing to be a part of the 8layer Team, you must be:
(a) a fresh graduate or a tech novice starving for tangible and applicable learning/ training and wanting to make a difference not only to your own self but to others;
(b) an experienced IT guy or gal who is hungry for what's right and challenging, and again, spell a whole lot difference; or
(c) an individual with high regard to doing things right and easy, and in these times that spells a great deal of difference.
You can still change your mind. Of course, there are lots of high paying jobs that let you do nothing but grow old and secure.
But if you are still reading along these lines, then you can still get fully rewarded and compensated while doing the more essential things--and feel young yet mature. You need to be in so you would understand what we mean.
So much for the buzz... We need YOU!
Tell us about how OPEN SOURCE opened your mind then fit your qualifications in any of these areas:
Marketing and Sales
Programming
Linux Solutions
Creatives and Design
Software and Hardware Support
Attach your resume (resumes are the last thing we read, but it's a good starting point) and email us at info@8layertech.com or call 706.05.01 to 02 for interview schedule.
Dami na sana
kaya lang medyo naipit pa ako sa work ko..ang gaganda ng mga ginagawa kogn project ngayon at
ito'y nangangailangan ng madyo tutok at madamidaming panahon.
kanina nga dapat may inuman ng konti sa opis pero hindi natuloy dahil masakit pa yung bukong bukong ng paa ko at yung pupuntahan dapat naming uniman eh medyo nagkaaberya sa schedule..bale kwento ko nalagn next time pagnatuloy.
ano pa ba bukod sa work? dami na nga sana
- tulad ng mga bagogn panaginip
- mga update sa mga codes na ginagawa ko na ngayon ay nasa wiki na ininstal ko sa loob ng network namin.
- mga bagong tula na yung iba eh naisulat ko sa SM west
- yung istorya ng munting blackboard na binili ko.
- ay syempre update sa mga "santong kabayo"
- tsaka mga kwentong bobo na para sa mga bobo este..bobo sa pinaka bobo?
- deperensya ng tarnish at varnish
eto nga't 1AM na pero mag sisimulate pa din ako ng 2 server na pinaglalaruan ko..dahil bukas na yung deployment...ang saya!
hanggang sa muli! malamang pag natapos yung October 31..hehehe!
Monday, October 08, 2007
VMware and Fedora 7
using fedora 7 (eto kasi yung OS na gamit ko eh)
Eto yung mga kailangan:
yum install gcc gcc-c++ kernel-devel
para sa kinalalalagyan ng kernel headers (i check ito usiong this command)
ls -d /usr/src/kernels/$(uname -r)*/include
tapos install mo na yung VMware
ako kasi meron akong rpm na version kaya eto lang yung command ko.
rpm -Uvh VMware-workstation-5.5.1-19175.i386.rpm
pwede ka ding mag download ng VMware Workstation
http://www.vmware.com/download/ws/
pag oks ka na sa VMware, make sure lang na ibackup muna yung vmaware-config.pl mo
cp /usr/bin/vmware-config.pl /usr/bin/vmware-config.pl.meric
i-Patch "vmware-config.pl"
cd /usr/local/src/
wget http://platan.vc.cvut.cz/ftp/pub/vmware/vmware-any-any-update113.tar.gz
tar zxvf vmware-any-any-update113.tar.gz
cd vmware-any-any-update113/
./runme.pl
pag tinanong ka sa pag rum mo ng rumme.pl script if you want to run wmrare-config.pl i "YES" mo lang.
pero kung trip nyo talaga yung virtualization, suggestion ko..bababad kayo sa xen.
http://www.cl.cam.ac.uk/research/srg/netos/xen/
Kailan nga ba ang huli?
Dapat kasi sama sama kaming mag la-lunch sa opis. Nagkayayaan. Ngunit sa kasamaan este kabutihan palad bigla kasing nagyaya itong si ms. “futek” sa kanila sa pandi..sa Bulakan..sa kung saan may nakalagay “WELCOME TO MALIBO MATANDA”. kasi birthday ng kanyang ama. Tamang tamang at umuo ang lahat...ako ang dahilan ng pag oo ko ay..para maiba naman..tutal kagagaling ko sa sakit este..di pa ako lubusang magaling kailangan ko ng sarawang hangin..at di naman ako binigo ng lugar na iyon..kaya nga habang nag kakantahan sila ng todo bigay sa harapan ng nirentang karaoke sa halagang 400. eh tahimik lang akong nagmamasid sa paligid..ninanamnam yugn hangin..sarap! Sulit kahit naligaw kami ng konti ng papauwi na kami.
Nakaka Relax! Nababanaag ko tuloy yung aking kabataan..halos parehas..wala pa kasing computer na laruan non or kung meron man..wala kami sa bahay kaya't “purong” laro na ang mga gamit namin ay mga katulad ng mga naihambing ko sa itaas. “Tapuan pong” sa ilalim ng manggang nila kuya Jhun, lere-lerehan at tamblingan sa likod na skwelahan na gamit na pamsapin ang mga damong patay. Paghabi ng sinulid sa pamamagitan ng puno ng saging at panunungkit ng mga puso nito sa pamamagitan ng paglalagay na mataas na kulsilyo sa dulo ng isang mahabang kawayan at tinalian ng tela o t-shirt na sira. At marami pang iba...KAILAN NGA BA ANG HULI? Yung HULI na na experience ko yung ganitong scenario bata pa ako..wala pa akong salwal nun marahil..pero sariwa sa akin lahat ng alaala.
Ay pahabol, nakasira lang sa eksana yung tatlong aso tapos yung dalawa ah parang di na mapipigil sa paggawa ng tuta..kailangan pang bugawin upang maisip nila na may okasyon..nakakatawa lang..kasi yung babae sa kanila parang may isip..kasi parang sinasabi nya sa lalake na may okasyon at lumugar sila. Kaya sa tuwing lalapit yung lalaki nung bandang huli..bonoboxing na nya..oo boxing na parang kangaroo nakataas yung dalawang paa sa ibaba habang yung dalawang paa nga sa itaas ang ginagamit na pansuntok sa makulit na asong lalaki..makulit o naglalambing? Kayo na ang humusga.
sabado
Saturday, October 06, 2007
sa opis din pala
anyway di pa talaga siguro pinagaadya..kasi ba naman
- di pa tapos yugn ginagawa kong projects..nadagdagan pa
- tapos eto masakit pa si lalamunan ko at si pareng strepsils (menthol) yung tangin katulong kong solusyon
- ang lakas ng ulan sa labas masyado..oo masyado.
kaya eto dito kami sa opis nauwi, nanood ng bubble gang. pinagsalusaluhan yung munting lutong abodo ni manang na dinagdagan ng binili ng mga girls na itlog na pula at andok na manok ayun solve na lahat...sabaysabay ang kainan at huntahan..para ngang nagpiknik lang. sabayan pa ni henyo ng "anong saging ang para sa mga lalaki?"
bukod dito, nilapatan na ng mga dekada master yung kantang KAPAY. tamang tama kasi at katatapos iareglo ni "ping" yung kantang kapay kayat etong si tamang kulit matapos hatakin ng mga girls sa kanyang kinahihigaan eh..kanta na agad ang banat....kape at tinapay...kaha--ha-ha--ha--ha--paaaaa-ay.
ang tawag sa mga aktibedades na ito na pinagkaabalahan namin ay..FRIDAY NIGHT! hehehe
TGIF.
dun nga pala sa nagtatanong sa sagot sa tanong ni henyo:
text nyo sya kaya. kung wala kayong load aba di humungi kayo sa mga "SENYORITA" nyo at ng maitext nyo agad sya..dalian nyo nga lang at baka humarap na sya sa Ubuntu nya at mag PHP na iyon naku di na kayo papansinin. hehehe isnabero iyon pero tawa ng tawa.
Friday, October 05, 2007
pasensya na
korni eh..parang eraserheads yugn dating, dapat yung orig..yung r3d3ye yung tono
wag tayong manggaya sa iba na sa kopya lang nabubuhay o nagaabang ng mga ginagawa natin tapos kopyahin...o game.
pasensya na at medyo naghang ako ng halos isang linggo. oo halos isang linggo.
lunes hanggang kanina..lunes kasi nagkasakit ako ng sobrang taas..puyat siguro wala kasi akong tulog nun mula yung saturday last week tapos..martes naman 41 na yung lagnat ko..kaya yung miyerkules dahil sa taas ng lagnat ko tinakbo na ako ng mga 8liens sa cardinal (HOSPITAL? totoo ba ito? alam ko si r3d3ye takot sa HOSPITAL..hehehe..aba FIRST TIME ATA.)..ayun lumabas ako kanina lang! yung ibang istorya next time time..sabi ni doc kasi pahinga muna daw..kaya konti lang kwento ko..pero ito..back in action na, parang walang nangyati..may bagong jacket pa =) sarap... bumisita lagn ako sandali dito sa blog ko..kasi medyo naiinip ako sa mga nicocompile ko para sa aming deployment next week.
kasabay nito yung isang binabanatan kong asterisk project na kahapon lang dumating yung card na inorder namin galing malaysia(NAKS ngayong lang ako hindi bumilib sa fedex kasi 2 linggo ko na itong inaantay eh)...na kasabay ng pagaaral para sa isang project na lalagyan naman namin ng "irebird database" kaya eto't tinitingnan ko itong karakas ng "flamerobin". o sya! sana payagan na akong maka barek mamaya..ABA OCTOBER FEST NA! di ko pa nararamdaman....para sa muling pagbabalik..hehehe..sana lang naman?
sabi kasi ni doc..pahinga daw muna ng 1week tapos balik sa kanya next week at wag masyadong magpuyat (hmmm..paano kaya ito??? sabi nya kasi dapat normal lang daw yung oras ng pagwowork..tsktsktsk..ano kaya yung normal na iyon??? sa 8liens kasi..eh..). ay DOC nga pala..maraming salamat sa maayos na pagaasikaso nyo sa akin..saludo ako sa inyo sa serbisyo sa pagiging mahusay din sa inyong larangan sa sa pagaasikaso din ng ng inyong grupo (yung mga intern at mga nurses) at hospital. mabuhay kayo!
ano yung barek? eh di UMINOM o MAGLASING, natutunan ko iyan dito sa mga ibaan boys sa opis.
Saturday, September 29, 2007
Tokyo Ska Paradise Orchestra
h**p://en.wikipedia.org/wiki/Tokyo_Ska_Paradise_Orchestra
eto yung pinagtitripan ko ngayong mga kanta. (oo sound trip) di ko sila kilala noon at napapakingan
si erwin at deng lagn nagsabi sa akin na ayus yung mga tugtugan nito kaya naintriga ako
eto nga't katatapos kong madownload lahat ng album ng mga mokong.
ang sarap mag linux habang ito yung backbground mo wag mo nga lang papakingan yung mga boses nila.Y?ang kukulit at ako..hindi ko talaga maintindihan kaya yung mga instrumento lang pinakikingan ko eh..pero busog na busog tenga ko. okay sya! kung gusto nyo ng copy padala kayo ng mga blankCD's bigyan ko kayo. aliw!
o kaya download nyo nalagn dito sa site na ito na natuklasan ko sa internet.
h**p://mystzik4.free.fr/TSPO/
dalawa nga pala sa tinutugtog namin sa grupong dekada o jinajam na namin sa ngayon ay makikita sa mga album nila.
Just A Little Bit Of Your Soul at Sesame Street.
yung isa nasa TSPO album na 1990 at yung isa ay nasa WORLD FAMOUS na album naman.
sana magdagdagan pa yung mga pondo namin ng mga kanta ng grupo na ito.
nakakaganang sumulat ng mga kanta ulit tapos ganito yung dating ng mga tugtugan.
ay..isa sa aabangan nga pala nyo yung isang kanta namin na ang pamagat ay "TARANTA" ilalabas sa second album..kailan?
di ko pa alam yugn first album nga namin wala pa sa market...maglaway nalang muna kayo.
paalala: pag naglaway kayo..wag nyong lulunukin. OK?
Ot Cha!
Mag aalastres na nang umuwi kami, este bumalik sa office. Di na naman natapos..di din naming naumpisahan yung mga show sa laffline. Di na naming tinapos..kasi ang kokorni na ng ibang baklang nagpeperform tapos kantahan nalang di na sya yung katulad ng performance ng ginawa nugn baklang kabayo..ni “vice”. Pero buttom line..not bad..not good yung gimik. Not bad..kasi kahit papaano naexperience ng grupo na makapunta sa ganong lugar at may bagong kwentuhan…not good..kasi hindi ako nalasing at tagulan pa.
Bakit di ako nalasing? Di ako nakaorder ng madami..kasi di itong yung place na alam kong malalasing ako or mabibitin lang ako sa inuman. Hehehe!
O bakit otcha? Wala lang gusto ko lang..OTCHA! CHORI nalang at di ko na mahahabaan ang CHUwebto ko papaCHInga na kaCHI aCHo para buCHas malaCHAs ulit aCHo at makakaCHArabaho CHUlit aCHO ng maayos..CHAmang CHImik lang naman CHInawa naming kanina para mCHIba naman ng CHONti..
O CHA! Paalam at naiirita na ako sa kakaOCHA ko..langyang mga bading iyon.
Sabi nga ng tropa..at least naiba naman ng konti ay
Tuesday, September 25, 2007
DISKARTE LANG YAN!
Yung nasa eskwelahan ako; sinabi lang ng mga titser ko yung mga ekspektation nila para pumasa at makagradweyt ako. Di na nila itinuro kung paano ko gagawin,kung anong ballpen yung gagamitin ko, kung sino ang mga babarkadahin ko, kung kalian ako pupunta ng library, anong araw lang ako magpupuyat, kung paano at ano ang mga chapter ng libro ang babasahin ko, paano ko isosolve yung mga assignment namin na may math..kung long method o short method..kung ibobox yung sagot i bibilugan.
LAHAT NG ITO..DISKARTE KO! Ibig sabihin isa sa mahalagang natutunan ko sa eskwelahan ay "diskarte".
bibigyan kalang ng isang problema..ikaw ng bahala kung paano mo sasagutin.
..ako ang bahala..madalas na inuunahan ko na ang mga mga subjects namin sa araw araw (nakikibrainstorming na ako sa mga matitinik ko ding mga kakklase..sila fajardo..parcon..tusi..etc..naks..special mension pa itong mga kabilyaran ko at ka laban sa warcraft nung college..kainis..hehehehe)
madalas inaapply ko yung natutunan ko sa mga science experiment namin.
- isunusulat ko ano yung problem
- tapos aanalisahin ano ng mga given
- tapos aaralin kung paano isosolve ng tama sa mabilis at akmang panahon at bagay
- tapos isusulat yung sagot o solution
- tapos "i therefore conclude na" hehehe
- tapos ipapasa na yung papel
inuunahan ko na din yung mga titser ko..at nagshasshare ako sa mga classmate ko nun....nakakapagbilyar pa nga ako at nakaka Go-CART,nakaka pasyal sa mga probisya ng mga kaibigan nung panahon na iyon na namamaintain ko yung aking grado.
Siguro ito yung isang mahalagang bagay na nais kong iiwan sa mga nag OJT sa amin..(sa mga makakabasa nadin) pagmahina ang diskarte mo..malamang lamang..ikaw yung kulelat sa grupo..yung iba ang tawag dito..BALAGOONG..sa mga sosyal..EIIIIW!..
sa 8liens..KOPLOKS or KUPS or kung saan mang samahan (bansag na nila iyon)
malalaman mo naman iyon kapag ikaw ay:
1. lagi lang naghihintay ng mga Gawain
2. lagi kang napapagalitan at dahilan ng dahilan
3. at para kang isang balakubak ng grupo dahil ang sarap mong tanggalin sa anit..eeiiwwww!!!
4. di mo nagagawa ng mabilis yung mga ROUTINE NA WORK..eto yung mga bagay bagay na magagawa mo ng pag sunod lamang ng step1..step2..step3..etc…WALANG formula ito kaya madali lang sya..
o para mga OJT namin, sana sa susunod na magkita tayo..sana natutunun nyo yung mga bagay bagay na naituro ng 8liens sa inyo..hindi sa mga gawaing technical at propesyunal…inuman at huntahan..kainan at mga kagaguhan…"tamang" DISKARTE LANG MGA KAIBIGAN! OK?
paalala IBA ANG DISKARTE SA PANDURUGAS. Amen.
Saturday, September 22, 2007
anti-virus and anti-spam
na ginawa at ginamit ko nung nagdeploy kame sa isang client. buti nalang sendmail talaga yugn na aral ko noong MTA kaya hindi ako nahirapan sa pagdedeploy.
ETO NA SYA:
Installing RPMForge
yum install yum-priorities
vi /etc/yum/pluginconf.d/priorities.conf
main]
enabled=1
Edit the .repo files in /etc/yum.repos.d/ and set up priorities by adding the line:
priority=N
to a repository entry, where N is an integer number from 1 to 99.
rpm -Uvh http://apt.sw.be/redhat/el5/en/i386/RPMS.dag/rpmforge-release-0.3.6-1.el5.rf.i386.rpm
rpm -Uvh http://apt.sw.be/redhat/el5/en/x86_64/RPMS.dag/rpmforge-release-0.3.6-1.el5.rf.x86_64.rpm
yum check-update
yum install spam*
yum install clam*
EMAIL ANTI-VIRUS IMPLEMENTATION
Edit /etc/clamd.conf:
LocalSocket /var/run/clamav/clamav-milter.sock
edit sendmail configuration:
INPUT_MAIL_FILTER(`clmilter', `S=local:/var/run/clamav/clamav-milter.sock, F=, T=S:4m;R:4m')dnl
define(`confINPUT_MAIL_FILTERS', `clmilter')dnl
vi /etc/group
scalix:x:101: vscan
vi /var/opt/scalix/mv/s/rules.eg/ALL-ROUTES.VIR
VIRUS-UNCLEANED=1 ACTION=REJECT NDN-INFO=!ndninfo.txt
VIRUS-UNCLEANED=0 VIRUS-FOUND=1 ACTION=ALLOW NOTIFY="A virus was
fuond in your message. It was successfully cleaned and sent to the
recipient. However we highly recommend that you install or update
your virus protection software and scan your computer for viruses."
vi /var/opt/scalix/mv/s/rules.eg/ ndninfo.txt
VIRUS-UNCLEANED=0 VIRUS-FOUND=1 ACTION=ALLOW NOTIFY="A virus was
fuond in your message. It was successfully cleaned and sent to the
recipient. However we highly recommend that you install or update
your virus protection software and scan your computer for viruses."
chown root omvscan.map
chmod 555 omvscan.map
EDIT “S82clamav-milter”
case "$1" in
start)
echo -n "Starting Clamav Milter Daemon: "
daemon clamav-milter -ol local:/var/run/clamav/clamav-milter.sock --postmaster=root@mydomain.net
RETVAL=$? --quarantine=mydomain.net
RETVAL=$?
;;
Note:
S78spamass-milter
S80sendmail
S81spamassassin
S83scalix
FOR ANTI-SPAM SOLUTION
vi ~/sys/smtpd.cfg
SMTPFILTER=TRUE
Above the line
RELAY accept 127.0.0.1
SENDMAIL.MC
INPUT_MAIL_FILTER(`spamassassin',`S=local:/var/run/spamass.sock, F=, T=C:15m;S:4m;R:4m;E:10m')dnl
sudo sh -c "m4 /etc/mail/sendmail.mc > /etc/mail/sendmail.cf"
chkconfig --add spamassassin
chkconfig --add spamass-milter
chkconfig --level 345 spamassassin on
chkconfig --level 345 spamass-milter on
/etc/init.d/spamassassin start
/etc/init.d/spamass-milter start
sa-update --channel updates.spamassassin.org
Friday, September 21, 2007
Thursday, September 20, 2007
Tamang M$ Muna…
Oo MICROSOFT TOOLS yung mga pinagbabasa at pinaggagawa buong gabi kanila.
Ayus ba? Kaya nga tamang kulit eh….
Eto yung mga pinagaaral ko kagabi
meron tools para irecover yung mga dinilete na files.
Meron din tool para mag retrieve ng mga archive ng yahoo at para mabasa yung mga message
Meron din akong tool na ginamit kagabi para naman sa pag a-alter ng mga permission o para sa pagcrack ng mga protected directories. At ang huli isang tool na magrerecover ng sirang files ng email o sirang PST.
Nag “sign of the cross” nga ako bago ko simulan yung tools..basahin yung mga readme.txt..maginstall at sa awa ng dyos.sucessfull naman! Inumaga lang ako kasi ang lalaki ng files na nirerecover ko…yung sa isang drive palang 104Gb na iba yung nasa kabilang drive na halos 20GB lang.
Ang masaya lagn naman habang ginagawa ko ito pumapak lang naman ako ng "Lucky me” supreme yung special beef. Tapos pinartneran ko ito ng gardenia na tinapay na Argentina liver spread at magnolia cheese special na palaman..sarap!
Papahinga lang ako ng konti at maya maya lang kasi 4 na server na puro CENTOS yung iinstall o idedeploy namin. 8liens need your help dito ah! Medyo kailangan mabilis tayo sa pag kuha ng mga parts ng server na kailangan ko. Sana pag gising ko nasa opis na para buuin at masimulan na...ay paalala..wag gagalawin yung computer ng client na may pangalang "Dart Vader". OK?
Ay yung mga nagtry nga pala mag hack o pumasok ng isang server ng client namin..mabuhay kayo! 8 na yung nahuhuli sa bitag ko.. =) pasensya at din a kayo makapasok o maka fingerfrint naman lang =). Trabaho lang kasi…puro kalokohan kasi iniisip nyo eh…BAD IYAN! kainan nalang sa mcdo yung gain natin trip..champion pa.
Tuesday, September 18, 2007
Kapangyarihan ng nokbuk
Eto nga’t dalawang distro na yugn nagiinstall sa tabi ko ng linux para ito sa gagamitin naming sa pagdedeploy this week sa isang client para sa buong infra nila.
Kagabi kasi itinala ko na sa nukbuk ko yung mga task ko para ngayong araw, eto ngat pag upong pag kaupo ko sa mesa ko..parang kinakausap ako na mga pahina na KAILANGAN TAPUSIN ko sila ngayon.
Kaya maaga ako pumasok ngayon kasi parte ito ng aking time management program para di ako matambakan ng mga work..pinapartneran ko pa ng kapangyarihan ng notebook para iremind ako..syempre pa di na mawawala yung calendar at task ko sa LAPTOP KO ko din.
Ano ba ang halaga ng notebook? Para sa akin at base narin sa experience ko sa work nagigign makabuluhan at makatotohanan o natatapos kong maigi yung mga work ko dahil meron akong kasangkapan o armas na “NAGREREMIND SA AKIN” ng mga kailangan tapusin..naging disiplina ko na din na dapat hindi na pinapatagal o ginuguhitan ko na yung mga bagay na tapos na o yung madadaling tapusin para dina nakakaligtaan. Nakasanayan ko na ito eh!
Ngayon nga pag nakita mo yung ginagamit kong notebook eh..kalahati ng mesa ko yugn kinakain sa laki..ginagamit ko din sya para mag draft ng process ng mga project para sa client..mga network diagram at plano para sa negosyo namin. Masarap sya pag naging second nature mo na at nagiging organisado ang iyogn execution ng mga bagay bagay.
Kayo? Paano nyo minimake sure na wala kayong nakakalimutang trabaho o mga tasks?
Paano nyo dinidisiplina yung sarili nyo na magawa yung mga nakaatang sa inyo? Paano nyo nireremind mga sarili nyo patungkol sa mga mahahalagang bagay na dapat tapusin?
Ayaw ko kasing sinasabihan ako ng mga bagay bagay..na hindi ko nagagawa…nakakainis iyon eh…parang ang hina ng dating ko pag ganun.
Ako..NOKBUK at DISIPLINA lang ang sikreto!
6:30am na sa laptop ko..o sige..iisa isahin ko pa itong listahan ko sa nokbuk ko.
maganda araw sa inyo!
Monday, September 17, 2007
sabi ni tatay?
Ano ang sabi ni tatay?
Sino ba sa atin ang dumaan sa pagkabata ng walagn kalaro? Ikaw? Sya? Sila? Sino?
Marahil wala…ako kasi yung bata ako madami akogn kalaro..batang lansangan nga ako eh..mga dayo sa lugar naming mga kababata ko o mga taal dun sa lugar naming ang madalas kong mga kalaro..meron din akong pinsan na katabi na sa katabing bahay lang namin nakatira. Naalala ko kasi yung bata ako..wala kasi akong masyadong laruan..kaya nga nagsimula na akong mag collecta nitong nagkatrabaho na ako. Ang mga laruan ko dati eh taguang pong,luksung tinik,taguan singsing at iba pang mga ganitong uri.
Minsan nga naaalala ko pag may mga kumpare at kumare si papa at mama na pupunta sa bahay tapos may mga kasamang bata, naiingit pa ako nun kasi may mga laruang robot barilbarilan sila. Tapos minsan ang nakakatuwa kasi naiiwan nila sa bahay naming yung mga laruan na iyon. Syempre dahil wala akong mga ganung klaseng laruan tinatago at nilalaro ko sya at pinatawag ko pa ang pinsan ko para may kasama akong mag laro ng mga naiwang laruan..pero sandaling aliw lang! kasi pag nakikita na papa ko yung mga ganung bagay..pinapalo agad ako..kami!..MALALAKAS NA PALO! kailangan naming isauli sa may ari yung mga laruan..kahit pa lalakad lang kami papunta sa mga bahay nila at malayo..kailangan gawin at isauli..hanggang sa dumating nap unto na din a kailangan sabihin ng papa ko yung mga bagay na iyon..pag may nakita akong laruan sa bahay yung bata ako..ako na mismo ang nagtatanong sa papa ko kung sino ang huling bisita nya dahil may nakaiwan ng laruan..at itatakbo ko pa iyon para ibalik sa mayari..hanggang sa lumaki na ako! Pag may mga bagay na alam kong hindi sa akin..isinasauli ko agad..di kasi ako nasanay “MANGAMKAM” ng bagay na di sa akin di pinaghirapan. Mahirap ng masabihang Mangangamkam no..o kaya mapagbitawan ng salitang “KAMKAMIN BA NAMAN”
Kaya nga minsan pag may mga istorya akong naririnig, mga pangyayari na patungkol sa mga ito..tulad ng hindi pagsauli ng gamit na hindi sa kanya..naiisip ko nalang..siguro mahina yung disiplina na inabot nito sa magulang nung bata pa sya…mahina ang pundasyon ng tamang pag-uugali..lalo na patungkol sa pagsa uli o di kaya ay hindi sya naturuang mag sauli agad…dapat kasi bata palang nahuhubog na ito.. Ang mga ganitong tao kasi ay yung mga taong walang bilib sa sarili..di sinasauli ang mga bagay bagay dahil hindi kaya gumawa ng ganung bagay din. O maari ding kolektor.. =) (may mga ganitong uri din kasi)
O di kaya ay likas lang sa kanila nag wag mag sauli at gawin katatawanan ang mga sitwasyon..yung mala “E ENO NGAYON’ basta ang mahalaga akin ito..ika nga nung bata..”TUPLA-TSE—ISANG BASONG IHE”
Kaya ano ang sabi ni tatay? Ang kay juan ay kay juan ang kay pedro ay kay pedro.
Mag sauli ng gamit na hindi para sa inyo.
SM West
Una, pumunta muna ako sa burger king at bumili ako ng promo nila burger yung whopper jr. na may kasamang Sunday,coke at frech fries. Dun ko inuna kasi may libreng wi-fi din dun iniisip ko kasi na mag check ng mga emails habang kinakargahan ang aking nagugutom na sikmura. Pero sa kasawiang palad down pala yung wi-fi nila kaso nabili ko na yung pagkain…dahil dito French fries at Sunday nalagn yung binanatan ko sabay larga na agad at nagsimulang maglakad lakad..ang daming tao talaga sa SM pag lingo..parang din a sya naiiba sa mga ibang mall tulad ng tutuban…tumungo ako sa toy land kasi isa din iyon sa tambayan ko tuwing maliligaw ako dun..nagtitingin ng mga murang laruan meron din kasi akong mga koleksyon na laruan, mga action figures at kung ano ano pa..sa pag kakataong ito medyo iba naman yugn binili ko. Isang TOMY na laruan sasakyan yung maliit..HUMMER H2 na black…bakit? Igogoal ko kasi na sana magkaroon ako nito balang araw. Sana lang naman! Di naman masamang mangarap..libre lang naman! ..tsaka sikap lang..patas...magkakaroon din ako nyan..maganda yung hummer..solve ako dun..di tulad ng iba CROSSWIND yung nakuha..pero sinikap sa pamamagitan ng mga piratang CD at pandudugas…o paglalagay sa mga kliyenteng nilalapitan..actaully..di pala client..mga IT manager o mga piling BOSS ng mga kumpanya na iyon..di naman talaga sya tumutulong sa company o client nya..titutulungan nya eh yung individual lang na nagugutom at hayok sa kalokohan..para lamang sa parehas nilang mga bulsa at materyal na kaligayahan..(sabagay may linggo naman..araw ng samba tulad ng araw ngayon..kaya malinis na ulit ang mga susunod na transaksyunan)
.....At least meron na akong HUMMER H2 pa. kahit maliit lang..didiligan ko nalang..baka sakaling lumaki... hehehe..Pag tapos nun punta na ako sa CYBERZONE dito ako nag titingin tingin naman ng mga gudget sa computer at cellphone..kaya lang wala akong na pusuan ngayon, kaya bumili nalang ako ng mga BLANK CD’s 50pcs na imation worth 475 pesos. Gagamitin ko kasi ito dahil may mga bagong distro ako ng linux na nadownload kahapon na balak kong iburn na at umpisahang laruin next week.
Ngayon naman habang sinusulat ko ito na ipopost ko sa blog ko mamaya. Nandito na ako sa labas ng SM sa isang kapihan sa “THE COFFEE EXPERIENCE” sa gitna ng mga ibat ibat uri ng tao, sa harap ng laptop ko na katabi ng caffe mocha large na binili ko. Medyo mausok ang paligid! Mga binata at naggagandahang mga dalaga/dalagita ang mga nakapaligid sa akin..nagtatawanan..nagkukwentuhan..landian..may mga nakataas ang paa sa upuan sa mesa may mga dalang i-pod at kumakanta at palit yosihan ang mga trip..anyway..wala naman akong pakiaalam sa kanila di ko naman sila kilala. natutuwa lang ako kasi naalala ko yung nagbibinata ako..katabi kasi ay libro..tatawag sa mga kaibigan noon..bibiita sa bahay ng kaklase ,ag titrip ng PIANO..gagawa ng mga TULA at kakain ng mga luto ng mga nanay nanay namin. Wala pa kasing ganitong kapihan noon.
Masarap din palang mag isa..minsan..di ko pa kasi naranasan yung ganito..madami kayo sa isang lugar na maingay at mayosi..di ka umiinom..pero ikaw lang mag isa at laptop mo lang ang kausap mo…maingay na paligid ngunit di nila kayang agawin ang tinatawag na kapangyarihan ng FOCUS..malaya ang pagiisip at tuloy tuloy at mag tatype …nagoobserba..nagmamasid sa bawat katabi at masayang ineenjoy at mga kaganapan..eto kaya ay isang uri ng pag rerelax? Marahil!!! Pag rerelax at pag titrip.
Sa ngayon kasi kailangan kong mag sulat ng magsulat..hasain itong biyaya na ito..
Kasi nais ko sana na bago manlang ako pumanaw may isa akong maisusulat na libro..naumpisahan ko na sya..at di ako papayag na di sya matapos..nais kong maibabahagi ko sa aking mga supling..di kailangan maipublish..mga karanasan..nakasulat na karanasan..kamalian..pagkatuto..mga ibat ibat klase ng tao….kaibigan..kaikaibigan..nakikikaibigan…ibat ibat kaganapan..ang noon at ang ngayon..ano ang mga meron? Ganun lang kasimple!
Alas onse na ng gabi....nagsisimula ng isara ang kapihan! Yung waiter eh isa isa ng pinupunasan ang mga mesa at isinasalansan ang mga upuang aluminum.
Nakaisang chapter na ako ulit sa pagsusulat para librong pinagkakaabalahan ko sa bawat libreng oras na mananakaw ko sa trabaho tulad ng panahon na ito..
KAYA,Pahinga na muna!
Sunday, September 16, 2007
The Royal Albert Hall "CELEBRATION"
Andrew Lloyd Webber The Royal Albert Hall "CELEBRATION"
...oo mahilig ako sa broadway at madami akong collection ng mga ganito. medyo ginising lang yung diwa ko nitong DVD na ito nalo na yung kinanta ni Donny Osmond ang Any Dream Will Do na sinundan pa ng nakakatindig balahibong pag cello ni Julian Lloyd Webber...sana mapanood nyo rin.
eto share ko yugn lyrics
Artist: Joseph & Children
Song: Any Dream Will Do
Joseph
I closed my eyes, drew back the curtain
To see for certain what I thought I knew
Far far away, someone was weeping
But the world was sleeping
Any dream will do
Joseph & Children
I wore my coat, with golden lining
Bright colours shining, wonderful and new
And in the east, the dawn was breaking
And the world was waking
Any dream will do
Joseph
A crash of drums, a flash of light
My golden coat flew out of sight
The colours faded into darkness
I was left alone
Joseph & Children
May I return to the beginning
The light is dimming, and the dream is too
The world and I, we are still waiting
Still hesitating
Any dream will do
Joseph
A crash of drums, a flash of light
My golden coat flew out of sight
The colours faded into darkness
I was left alone
Joseph & Children
May I return to the beginning
The light is dimming, and the dream is too
The world and I, we are still waiting
Still hesitating
Any dream will do
Bakit sa BO's?
kayo? saan ba kayo madalas dinadala ng mga Boss nyo twing mag mimiting? tuwing may kamiting? eh..aba..kayo ng sumagot nyan. ako siguro bibigyan ko lang ng dahilan kung bakit sa 8layer madalas sa BO's coffee club sa Robinson galleria kami nag mimititing.
maraming kasing dahilan.
pero kung sasabihin ko sa madaling salita...ITO KASI ANG PAMBANSANG TAMBAYAN NG MGA 8LIENS. nakasanayan at makasaysayan na kasi ito para sa amin. dito kasi kami nag hihire ng mga tao namin, dito namin kinakausap na usapang tao at kaibigan at mga tao namin..dito kasi lahat ng mga 8liens pantay pantay..walang BOSS..BO's coffe lang. masarap din kasi na sa katulad naming kumpanya meron kaming isang lugar na ganito..bukod sa masarap yung kape may libre kasing WI-FI sa lugar na ito..pwede din kaming makisaksak ng laptop namin pag nalolobat na. nagagamit din namin yung lugar na ito para magsimulate ng mga project namin using "remote connection"
tulad ng nasabi ko..masyadong makasaysayan yung lugar. may mga tao na kasi kaming dahil hindi kayang sumabay sa amin o hindi mala "einstein" (for more information check this site http://dyenibib.blogspot.com/ at pakibasa yung "Doon sa Walong Patong" ) dito namin kinakausap at sinasabing..DI KA SWAK sa amin (di ka "right fit" or 8liens)..kung baga sa "BAHAY NI KUYA".....Toot..toot...KUNIN MO NA ANG MGA GAMIT MO AT MAG PAALAM KA NA SA MGA HOUSEMATE" dito din namin nirereward naman yung mga tunay na 8liens.
kung magtatanong kayo bakit ito yung BLOG ko ngayon eh ang dami ko namang pwede itopic lalo na't bugbog ako sa mga projects ngayon...eh kasi! kamakailan lang, may nakita kasi akong hindi kaaya aya sa lugar na ito. bago ko ituloy...naiisip ko lang kasi na talagang may mga taong "MAHINA" o TALAGANG HINDI NAG AANALISA" alam ng mali yung mga ginagawa o gagawin..PATAY MALE pa! ewan ko ba..at consistent ba dun kabaliktaran nga ng sabi ng isa sa mga paborito kong awtor ng LIBRO na si John Maxwell "A person who is successful has simply formed the habit of doing things that unsuccessful people will not do." may mga taong consistent na gumagawa ng mga kaululan at mga kahunghangan...puro porma lang...o ibalik ko na sa kwento ko...may isa kasing tao na may atraso sa amin na alam na tambayan na namin iyon aba..dun din tumatambay at naghahakot ng mga makakausap nyang client (sana lang tama yung pag deal nya sa client at wala ng illegal na gawain...wag naman po sanang dagdagan yung mga nililinis naming mga kalat nila sa merkado at industria) naisip ko lang kasi..parang ang hirap gawin ng ganun hindi mo pa nareresolve yugn issue mo pero di ba..the worx yung kapal! but anyway..di naman sa akin yung BO's at malaya namang tumambay kahit sino dun, tsaka maiintindihan mo kasi nga.."KAPOS" may mga taong di alam lumugar,di alam ang tama at mali..di na natuto. sa madaling sabi (ISANG SALITA NA APAT NA LETRA ngunit DALAWA..clue..ang isa sa mga letra ay walang kabuluhan o bokya..gets!????) yaan mo na nga! ang maganda naman nung araw na iyon..kasi NAGMITING AT NAG UPDATE DIN KAMI NG mga 8liens...."first time" na nangyari sa amin na makashoot kami ng halagang tu..tooot account..4 na client sa araw na iyon.
sarap! mabuhay ang 8liens.
o sya! balik muna ako sa console ko..nabisita ko lang naman itong tambayan ko at nag iwan lang ng notes..sabi ko kasi 5mins lang na break. nag reready kasi ako ng mga programs at mga scripts processes para sa lunes! dedeploy na kami eh.yehey! Henyostein,Wittdengstein at jkulstein miting tayo sa monday para sa project na ito...dating gawi! Enterprise grade na Solution in 1 week. o ha!
