imaginin mo ang isang scenario na kung saan sa ilalim kayo ng puno ng mangga, may mesa at mga upuan plastic na kung saan nakapalibot sa mesa ang siyam na tao. Tapos hinahampas kayo ng masarap na simoy ng hangin at napapaligiran kayo ang mga kawayan na ang kanilang mga wagayway at nakikisali sa awit ng kalikasan. Mababanaag din ang mga luntiang damong nag sisilbing sahig at mga maliliit na puno ng saging na parang gustong mangusap at sumali sa inyong mga usapan kasama ang mga kaibigan nyang okra at mga tanim na upo. Di rin mabilang ang dami ng manok na nagkakahig sa lupa upang makatuka ng munting miryenda kasama ang mga maya na para nilang mga supling sa pagtuka. Sa isang puno ng mangga na di nalalayo sa puno ng mangga na aming kinatitirikan ay may mga huntahan ng mga matatanda, may mga seryosong usapan din tungkol sa pulitika ang kapansin pansin ang parang Balagtasang kombersasyon. Panalo!
Dapat kasi sama sama kaming mag la-lunch sa opis. Nagkayayaan. Ngunit sa kasamaan este kabutihan palad bigla kasing nagyaya itong si ms. “futek” sa kanila sa pandi..sa Bulakan..sa kung saan may nakalagay “WELCOME TO MALIBO MATANDA”. kasi birthday ng kanyang ama. Tamang tamang at umuo ang lahat...ako ang dahilan ng pag oo ko ay..para maiba naman..tutal kagagaling ko sa sakit este..di pa ako lubusang magaling kailangan ko ng sarawang hangin..at di naman ako binigo ng lugar na iyon..kaya nga habang nag kakantahan sila ng todo bigay sa harapan ng nirentang karaoke sa halagang 400. eh tahimik lang akong nagmamasid sa paligid..ninanamnam yugn hangin..sarap! Sulit kahit naligaw kami ng konti ng papauwi na kami.
Nakaka Relax! Nababanaag ko tuloy yung aking kabataan..halos parehas..wala pa kasing computer na laruan non or kung meron man..wala kami sa bahay kaya't “purong” laro na ang mga gamit namin ay mga katulad ng mga naihambing ko sa itaas. “Tapuan pong” sa ilalim ng manggang nila kuya Jhun, lere-lerehan at tamblingan sa likod na skwelahan na gamit na pamsapin ang mga damong patay. Paghabi ng sinulid sa pamamagitan ng puno ng saging at panunungkit ng mga puso nito sa pamamagitan ng paglalagay na mataas na kulsilyo sa dulo ng isang mahabang kawayan at tinalian ng tela o t-shirt na sira. At marami pang iba...KAILAN NGA BA ANG HULI? Yung HULI na na experience ko yung ganitong scenario bata pa ako..wala pa akong salwal nun marahil..pero sariwa sa akin lahat ng alaala.
Ay pahabol, nakasira lang sa eksana yung tatlong aso tapos yung dalawa ah parang di na mapipigil sa paggawa ng tuta..kailangan pang bugawin upang maisip nila na may okasyon..nakakatawa lang..kasi yung babae sa kanila parang may isip..kasi parang sinasabi nya sa lalake na may okasyon at lumugar sila. Kaya sa tuwing lalapit yung lalaki nung bandang huli..bonoboxing na nya..oo boxing na parang kangaroo nakataas yung dalawang paa sa ibaba habang yung dalawang paa nga sa itaas ang ginagamit na pansuntok sa makulit na asong lalaki..makulit o naglalambing? Kayo na ang humusga.
sabado
1 comment:
napilitang magimbita ang "futek". hehe, sa uulitin! sana hindi po kayo nadala sa layo ng byahe.
Post a Comment