Friday, October 05, 2007

pasensya na

pasensya na..kung ako ay di nag sasalita...oooopppsss...preno muna.
korni eh..parang eraserheads yugn dating, dapat yung orig..yung r3d3ye yung tono
wag tayong manggaya sa iba na sa kopya lang nabubuhay o nagaabang ng mga ginagawa natin tapos kopyahin...o game.

pasensya na at medyo naghang ako ng halos isang linggo. oo halos isang linggo.
lunes hanggang kanina..lunes kasi nagkasakit ako ng sobrang taas..puyat siguro wala kasi akong tulog nun mula yung saturday last week tapos..martes naman 41 na yung lagnat ko..kaya yung miyerkules dahil sa taas ng lagnat ko tinakbo na ako ng mga 8liens sa cardinal (HOSPITAL? totoo ba ito? alam ko si r3d3ye takot sa HOSPITAL..hehehe..aba FIRST TIME ATA.)..ayun lumabas ako kanina lang! yung ibang istorya next time time..sabi ni doc kasi pahinga muna daw..kaya konti lang kwento ko..pero ito..back in action na, parang walang nangyati..may bagong jacket pa =) sarap... bumisita lagn ako sandali dito sa blog ko..kasi medyo naiinip ako sa mga nicocompile ko para sa aming deployment next week.
kasabay nito yung isang binabanatan kong asterisk project na kahapon lang dumating yung card na inorder namin galing malaysia(NAKS ngayong lang ako hindi bumilib sa fedex kasi 2 linggo ko na itong inaantay eh)...na kasabay ng pagaaral para sa isang project na lalagyan naman namin ng "irebird database" kaya eto't tinitingnan ko itong karakas ng "flamerobin". o sya! sana payagan na akong maka barek mamaya..ABA OCTOBER FEST NA! di ko pa nararamdaman....para sa muling pagbabalik..hehehe..sana lang naman?

sabi kasi ni doc..pahinga daw muna ng 1week tapos balik sa kanya next week at wag masyadong magpuyat (hmmm..paano kaya ito??? sabi nya kasi dapat normal lang daw yung oras ng pagwowork..tsktsktsk..ano kaya yung normal na iyon??? sa 8liens kasi..eh..). ay DOC nga pala..maraming salamat sa maayos na pagaasikaso nyo sa akin..saludo ako sa inyo sa serbisyo sa pagiging mahusay din sa inyong larangan sa sa pagaasikaso din ng ng inyong grupo (yung mga intern at mga nurses) at hospital. mabuhay kayo!

ano yung barek? eh di UMINOM o MAGLASING, natutunan ko iyan dito sa mga ibaan boys sa opis.

No comments: