Sunday, August 10, 2008

can you call/tag someone as a "friend" when he does not even acknowledge you as one?

na-a-angkin ba ang kaibigan? mas madali kasi itong itanong sa ingles parang ganito.. can you call/tag someone as a "friend" when he does not even acknowledge you as one?

paano ko ba ikukwento? naglalaro lang sa isip ko patungkol sa usapang kaibigan?
siguro ganito, si "X" and "Rodel" nalang ang ibibida ko dito sa kwento ko.

meron lang akong experience kasi na patuloy na sinasabi nitong isang tao na ito na tatawagin kong "X" na kami daw ay matagal ng magkaibigan.
kahit nung college daw ay magkakilala na daw kami. Dalawang puntos yon, matagal at magkaibigan.

Pero ang nakakatawa ni hindi ko nga alam kung saan sya nakatira?
Sino ang mga magulang at mga kapatid nya o may asawa na ba sya o bading ba sya?
kung san sya nag-aral o graduate ba talaga sya?
mahilig ba sya sa musika o makata rin ba sya?
anong paboritong pagkain,kulay,hayop at nalalasing ba sya sa buko juice?
at kung ano pang mga kababawan?
at kung sino pa ang mga inaangkin nyang ibang kaibigang tulad ko?
etc..etc..etc (hehehe di ko makakaligtaan itong katagang ito dahil kay rodel)

nunca, ni sa panaginip hindi ko sya maituring na kaibigan. di ba dapat mutual ang "we used to be friends"?

nagkakilala lang kami nitong si "X" sa isang training na ikinonduct ko sa athena patungkol sa linux at autonomic computing.
tapos nilapitan lang ako nitong si "X" at nag-offer ng partnership dahil magtatayo daw sya ng company. dahil hindi ako kaladkarin tinanggihan ko ang offer bagkos nagbigay nalang ako ng oportunidad na bigyan sya ng test project para mabigyan ng buhay ang tinatawag na collaboration sa mundo ng opensource.
sa mahirap na sabi, pa-iigsiin ko yung istorya sa apat na letra...SAWI!

eto pa!!! may isang tao din na matagal ko naman na nakasama si Rodel P. Hipolito, halos 10 taon (at halos samupung taon kong kinanlong, naikuwento nga ng isang PM namin dati na ang silbi pala ni Rodel sa IDS ay pumasok nang maaga para i-reboot ang mga servers, yun lang, ayun tuloy sya kauna-unahang na retrench, pero huwag ka ha, IT Expert na sya ngayon - according to himself), na sya mismo ang nagsasabi na si "X" daw at ako ay magkaibigan na ng matagal ang nakakatawa sya mismo ay nasa pangyayari at makakapagpatunay sa mga kabulaanan at pagpapanggap. marahil kailangan nya lang panindigan ang kanyang ingles na "in the spirit of fair play", na di ko alam kung naiintidihan nya dahil nga ingles. marahil ang ibig pakahulugan ni Rodel ng "fair play" ay gagawin ko ito kahit ikapahamak ang sarili ko at ng iba. (sana nag Judge/ Hukom nalang sya at hindi IT Consultant Major in Simple NetworX Design..kasi alam nya yung ibig sabihin ng fair).

dalawang bagsak sa huli ang naiintindihan ko.
1. normal pala ang pagiging bulaan sa isang taong bulaan (inherent na kasi or second nature).
2. pwede pala talagang maangkin ang kaibigan (sa perspektibo ng mang-aangkin), pareho ba ito ng - "Kilala ko si Sharon Cuneta, pero ako kilala kaya nya?" (buti pa si Manong Gary Granada kilala ako)

=)

order in the court...

Saturday, August 09, 2008

ano na?

tandang tanda ko pa ang eksana kanina mula ng bumangon ako kanina sa kama.
masama ang gising,bugnot at makasit ang ulo at likod. mulat na ang mata ngunit parang nasaloob padin ang eksana ng mga bangungot. mas minabuti ko na nga lang pumunta sa banyo at bumabad sa lamig ng tubig at pilit na ninanamman ang tila ulan na patak na galing sa shower na dahang dahang nananalaytay sa aking katawan.

tama nga siguro ang kasabihang "magbiro ka na ng lasing wag lang sa bagong gising"; ang sama kasi ng biro sa akin ng araw ngayon. na kahit nananahimik at wala kang ginagawa eh pilit kang bubuwisitin pala talaga ng tadhana; nakakasira ng diskarte at plano.meron pala talagang "malas na araw",at ito ay nangyayari pa talaga matapos ang inaakala mong buenas o maswerteng araw para sa iyo.

ngayon nasa upisina na ako. sa harap ng bintilador na pilit nag bibigay ng kaunting lamig ay ginagawa ang aking mga gawi. ang magbukas ng email, nagcheck ang mga server at magbasa ng mga balita patungkol sa loob at labas ng linux. pinapatay ang konseptong "tila pardibleng mabilis na tinutusok ang aking utak" kaya't eto ako mapayapang inaaliw ang sarili.

paulit ulit na sumasaliw at pinakikingan ang mga bagong awiting pambata ni manong gary na "Children’s Songs for Peace Education" para kumukuha ng bagong enerhiya. unti unti din ang ginagawang pag inom ng kape na tinimpla nilda at tinatanong ang sarili kung kakainin ba ang mcdo na nasa pantry? mag aalasingko na kasi ngunit hindi ko nararamdaman ang gutom, marahil sa patay pa o may pumatay na gana ko.
bale, pasasaan maya't maya eh kakainin ko din iyon. kailangan ko lang talagang mag hanap ng mga outlet para manumbalik ang gana ko sa mundong ibabaw at muling ma appreciate ang mga yamang uri ng kapaligiran.

bilang bonus nalang siguro para sa ngayon araw na ito, tahimik kong ginagawa ng ilang presentation patungkol sa mga "linux tools" na balak kong ishare ulit sa 8liens next week. kasabay din ng bonus ko ay ang pagdownload ng ilang linux short film sa youtube.com using "clive"[1] na syang sinisave ko sa loob ng aking /tmp/ folder.

ie. clive http://www.youtube.com/watch?v=PLHjT5-XM9o

sa pagtakbo ng oras.
kung ano na ang mangyayari?di ko pa alam. kung ano ang mga dapat pang pagkaabalahan? malinaw na ewan at kung ano na ang mangyayari bukas?bahala na! laban lang.malinaw naman sa akin na hindi araw araw ay pasko.

[1]clive - Video extraction utility for YouTube, Google Video and other video sites
http://home.gna.org/clive/

Friday, August 08, 2008

otso-walo-eyt (otsowaleyt) 888

kagabi nanonood ako ng balita; madami daw ang manganganak at magpapakasal ngayong araw na ito dahil sa swerteng dala ng numerong "8" na tamang tama at miminsang nangyayari na natatapat ito sa kalendaryo. 08-08-08 (august 8, 2008)

ngayon din ang araw ng pagsisimula ng olympic sa beijing china.

araw din kung saan kinalampag ko si jasper ng madaling araw sa opis dahil sa wala akong susi(sorry jas at naalimpungatan ka),ito din ang araw na inimail ni kuya spencer ang request ni henyo patungkol sa "8layer 3 years logo".Unang araw na makakapagprint na si rosa sa kanyang ubuntu dahil sa solusyong matatagpuan sa Ubuntu 7.10 Release Notes(sysop lagot di kasi kayo nagbabasa.. hehehe bale madami pang next time at humuhusay na naman na kayo...=) pagbutihin pang maigi ah) at ang masaya pa nito ito din ang unang araw na kung saan makukuha ni nilda ang unang cheke na galing sa PLDT! yehey! sabayan pa ng pagsalubong ni donna ng mandarin 101 at pangungulit na mag k-KS daw sya ng "paano kumuha ng passport"

plus bonus na agahan na nagtalo pa sa isipan ko kung 8-mcdo ba o 702-8888 ng chowking.
*chowking nalang yung pinili ko kasi mas madaming "8".

pero para sa akin. ito ang unang araw ko sa pagiging cleaner ko sa opis namin. OO cleaner!!!
sa opis kasi meron kaming programang toka-toka para sa pagsasaayos at para sa kalinisan ng aming opisina; lahat ay may kanya kanyang takdang araw at ito nga ang unang araw ko ang 08-08-08.
nag email nga ako sa 8liens na tularan ang working space ni kuya rey para di ako mapagod maglinis..hehehe! (o check nyo pa ang mesa ko parehas na kami ni kuya rey laptop nalang ang nakapatong)

ito din ang araw na kung saan eh pumasok ako ng 5am ng madaling araw; di kasi ako makatulog kanina dahil sa tumatakbong mga projects at mga plano sa aking kokote mula pa kagabi; kasabay pa nito ang daliang pagtakbo sa opis dahil kailangan maiup na internet connection namin dahil sa munting maintenance sa server room namin para ulit sa pagsasayos at kalinisan na proyekto ng sysop team.

at mamaya! empunto 08-08-08 ng 08:08 ng gabi may kaunting salo salo lang naman dito sa aming munting opisina at unting inuman siguro sa labas kung saan? di ko pa alam. (mag lilinis muna ako ng opis) baka maisip ko maya maya kung saan kami mag iinuman. =)

tamang tama din at suot ko na ang aking san miguel beer na t-shirt.

at eto naman ang email na galing kay japot kahapon...

Dear 8liens,

Rumors abound that tomorrow shall be one of the luckiest day in history. In Nostradamus' hidden memoirs (which I have predicted as really hidden because NO ONE has laid eyes on them yet... hehe), he mentioned that,

"on the day after Julian leaves, when the d8 is all twisted, Juancho will celebr8"

And Nostradamus is oh-so right in the mark!

Yep, yep! Tomorrow, August 8, 2008, at 8PM, we'll be sharing some delights to mark this specially special lucky twist.

So be ready to have your late permits signed and be ready to get ecstatically intoxicated!

That's tomorrow, 8liens, 08-08-08 at 8 o'clock!

Let's celebr8!

Whatta d8,

Sunday, August 03, 2008

Ang ganda ng mundo

Ang ganda ng mundo. hindi ko pa din lubos na maiisip bakit may mga tao na magkaroon lang ng isang usapin sa buhay eh "galit na sa mundo".
minsan nasusubok ang tunay na paghubog sa ating pagkatao, gaano na ba tayo kahanda sa mundong ginagawalan natin? minsan nakakalimutan na din natin ang mga salitang kaagapay natin sa atin araw araw na sulirain..mga salita tulad ng "pagsubok","nagmamahal" "may karamay" "kaibigan" "pag-asa" at madami pang iba;
para kasing katapusan na lagi.

kanina, habang nagiinternet biglang nag alert ang MUA/thunderbird ko dahil sa nagsubscrive ako sa RSS ng BLOG ng kapatid kong si kong. natutuwa lang ako at may mga tao pa pala talagang gagawa ng mga "tula" upang magpahayag ng damdamin..(yung pamagat ng tula ni kong ay "PAGSUBOK".iilan na nga lang ba kaming kayang gumawa nito? pag iniisip ko, kung ang mga tao ang mag iisip lang ng mga magagandang outlet at matutunang mag appreciate sa mga telentong unique sa bawat tao...grabe..ang ganda ng mundo.

naalala ko din nitong nakaraang martes, bukod sa mga bagong kakilala,kasangga at kasama(oy willy salamat sa beer at sa papajeks na kulitan) sa conspiracy bar isa sa mga tambayan namin na matatagpuan sa visaya's ave sa qc. dito naman ay kakwentuhan namin si "manong gary granada". kwentuhan sa mga bagay bagay patungkol sa industria ng musika, IT at mga bagay bagay na patungkol sa mga magagandang kanta at compositor.
masasayang alaala. tawanan at kulitan sa gitna ng hardin sa harapan ng iilang bote ng san miguel beer.
mga plano.ang papatunay na masaya ang mundo na kasabay pa nito ang bonus na album na regalo sa akin ni manong na ang pamagat din ay "ang ganda ng mundo".
*kakaibang album: bukod sa mga orihinal,makulay na pabalat at mga pambatang kanta, kakaiba ang istilo na makikita sa album;ito ay may mga sumusunod 1. ang disc with vocals 2. minus one 3. lyrics 4.balangkas na magsisilbing gabay para sa mga guro.

Manong Gary..Maraming Salamat!

wala nang lawig. ikaw at ikaw lang, matuto sa ang ano ang kaalaman at kahinan at matutunang itong pahalagahan.
ito ang tamang susi sa tunay na kaligayahan. sa mundong masalimuot ang mundong ginagalawan.
ito ang ang patunay at ang kasangkapang gabay upang malinawan na ang ganda ng ating mundong ginagalawan.


PAGSUBOK
may akda:maricar mara

Isip mo'y puno ng katanungan
Mga letra'y naglalaro sa kawalan
Puso mo'y puno ng pangamba
na sa pagtulog ay gumagambala

Madalas isip mo ay lito
Sakit ng ulo'y di maitago
Tila pasan mo ang buong mundo
na unti-unti sayo'y guguho

Sa mga panahong ikaw ay lutang
at tila nilipad sa kung saan
huwag sanang kalimutan
mga taong sa iyo'y nagmamahal

Ang lahat ay pagsubok lamang
Maniwala ka sa iyong kakayahan
Pagka't hindi ka niya pababayaan

Saturday, July 26, 2008

nildacount and testing tools

"nildacount" yung name na ibinigay kasi ni jasper sa aming accounting system na nasa development server namin...today I'm starting to test it by putting it on my local machine.

Symfony rocks!

I'm also looking GPL tools sa aking mga tambayan that will help me/our team on testing our applications.

kahapon eto yung naresearch ko, a testing tool written in Python.

http://funkload.nuxeo.org/
*FunkLoad is a functional and load web tester.

medyo sinisilip at binabasa ko din sa ngayon itong http://www.webload.org/

habol ko lang din, yung server namin (prod at dev)is using CENTOS pero yung local ko ngayon ay naka UBUNTU (fedora kasi ako dati) having problem sa ibang mga modules at nagiging mabagal tuloy ako sa ibang mga work ko.

para dun sa mga nag hahanap kung paano imanage yung mga rc scripts sa ubuntu eto yung katumbas ng "chkconfig" na ginagamit ko ngayon..madaling madali lang syang gamitin pambata.

sysv-rc-conf

installation:
apt-get -y install sysv-rc-conf

paano gamitin?
sysv-rc-conf [ --level levels ] service on|off

Friday, July 25, 2008

What's New?

Bago na pala yung cellphone number ko mula bukas...Abangan nyo nalang ulit yung "smart advisory" mag tetext nalang sa inyo iyon.

Ano pang bago bukod sa number ko? eto check nyo...
Microsoft, Apache POI and the Open Specification Promise

ISMOL BUT TERIBOL?

Maaga akong nagising ngayon dahil nga sa isang bidding na kailangan puntahan.
pupungas pungas pa nga ako sa harap ng aming mga kameeting at parang natutulog pa ang diwa ko.
pero matapos ang ilang minuto..ayun inaward naman sa amin yugn maliit na proyekto. (di na masama)

maghapon lang kaming nasalabas ngayon dahil sa mga meeting (sa makati) at mga documents na kailangan ayusin..kasabay pa ng pag submit ng mga documents sa smart wireless center (sa robinson galleria naman) para dun sa cellfone kong nalaglagsa taxi (thanks nilds sa iyong matyagang pagtulong patungkol dito).

habang naghihintay sa Robinson (sa BO's coffee sa aming tambayan), naisip ko na din idownload na yung lumang website ng project na gagawin namin..para tuloy tuloy na naming gagawin yung project pagdating sa office...syempre ang gamit ko..yung maliit ngaunit paborito kong tool sa pagdodown/pagmimirror dito sa aking linux ang "wget"

#wget –w 2 –p --mirror--html-extension –-convert-links –P http://server
you can see "man wget" or" wget --help" -more for a detailed explanation of each option.

since, yung laptop naka battery mode ako..konti lang kasi ang saksakan sa BO's eh..para sa mga naglalaptop; bigla ko lang naisip nag maginstall ng powertop sa laptop ko. (tambay kasi ako sa lesswatts at gusto ko lang din malaman ngayon araw na ito kung paano magbehave yung mga application ko.

powertop - program to analyze power consumption on Intel-based laptops

#apt-get -y install powertop
#powertop

Top causes for wakeups:
55.6% ( inf) USB device 1-2 : USB Optical Mouse ()
44.4% ( inf) USB device 4-1 : Foxconn Bluetooth 2.0 plus EDR (Broadcom Corp)

siguro gawa nga ako ng magandang presentation din para sa mga maliliit na GNU/Linux tools..
para ilinya ko sa mga i-K-KS ko sa office.

ano kayang magandang title? ISMOL BUT TERIBOL?

Thursday, July 24, 2008

SMEtoolkit

Nandito ako ngayon sa batanggas para sa isang event yung SMEtoolkit ng Planters bank.
isa kasi ang aming company 8layer Technologies, Inc. sa naanyayahan para mag speak o magpresent re: LOTUS FOUNDATION START.

kwentuhan ang tema na kung saan, sa mga presentation na nangyari nag patungkol sa evolution ng technology. (may story pa nga about..what is internet? at mga classic na technology like betamax+VHS at kwentong rewinder=)

yung aming presentation naman (na ginawa ko lang kagabi yung slides) ay nagtukoy naman sa SME, sa kung paano yung technology trends kasabay ng kanilang ICT adoption, may isiningit din kami na study na ginawa ng UNDP at syempre yung main product yung "IBM Lotus Foundation" at syempre ulit ang aming advocacy na "IT is all about values" wheeeew! (buti naman at natapos ko). sinasabay ko din kasi kagabi yung mga application namin (ERP,POS,CMS,sitebuilder)na nasa aming development server na dapat mailagay ko sa aking laptop para maidemo din sa mga organizer at sa mga interesado individual dito sa SMEtoolkit event.

muntik ko ng makalimutan ito kagabi.
php symfony cc
php symfony fix-perms

ano ba yung mga hindi malilimutan sa araw na ito???

1. siguro yung lumagpas lang kami ng konti papuntang LIPA dahil sa bago na yung daan at umabot kami sa ibaan. (pero okay naman...at least alam na namin yung bagong daan papunta kina henyo,nilda at pangkal..aba miss ko na tuloy yung LOMI trip.)

2. yung dami ng mga tao sa SMEtoolkit event. mahigit 100 ata yung umattend, nahilo ako sa ingay ng mga tao sa likod (sana naman hindi mga organizer iyon) parang dalawa kasi yung mikropono...isa sa harap-yung mga gamit na "presentation" at isa sa likod -yung mga nagtutumpukan na tao na parang nagkakape lang sa starbucks kung makapagkwentuhan.

3. Plantersbank+GLOBE+IBM Event itong SMEtoolkit; Pero yung presentation ng Globe dun sa parteng MOBILITY BUNDLING ay "HP computers/laptops" hehehe nice one ms. jhing mojares =) (ayun buti natandaan ko yung name ng nagpresent. sana sa susunod ay Lenovo or IBM laptops na yung bundle. =) (TAPOS LINUX OS (fedora o ubuntu...solve na yung mga SME dito)+GNU Apps+visibility) PWEDE!!! tutal SME ang gagamit...START "IT" right.. sabi ng huling penguin sa huling slide ng aming presentation.

sa huli, friendly naman yung mga tao sa event yung mga taga SME.com.ph lalo na kay Sir. Ado din...ay maraming salamat din sa food-nakadalawang balik ako.. =) sarap ng pasta.

pagnakaluwag ako ng konti sa oras ko visit ko at araling maigi yung SME BIZTER that has been presented by Sir Ado.

salamat din sa IBM sa kanilang laging pagsuporta sa aming hindi sikat na company =), Ma'am Mini salamat kuha ko ba yung tono ng presentation mo? ..HINDI KASI SIKAT ANG IBM eh...=)

Wednesday, July 23, 2008

ang rsync,eagle vs juancho at ang ten 02

Kahapon, sa aming munting opisina bilang parte ng aming lingguhang aktibidades na (KS:knowledge sharing). nag share si renan patungkol sa rsync bale binigyan nya ng diin ang mga sumusunod.

SOURCE:DESTINATION
nitix: nitix
nitix: windows (using clix)
nitix: linux

kasama namin sa KS na ito ang mga kaibigan sa IBM na sina Femee at Dominique (a.k.a FEEDO) (ay salamat sa pizza pala) hehehe

pagtapos nyang mag share, medyo dinagdagan ko lang din ng konting detalye patungkol sa ibat ibang "file transfer protocols" at detalye din sa kung paano nagwowok yung rsync, konting kwento about its algorithm at mga example kung may encryption at compression, nag share na din ako ng mga examples, projects na naging sucessful because of rsync (syempre kasama ang aming Clix"

matapos ang sharing, sa harap ng napakadaming pizza at manok na galing sa shakeys (oo tuwing may KS laging may makain dito sa office =) ) nagsimula na ang botohan sa kung ano ang mmagiging pangalan ng aming bagong mascot o penguin. "si femee at si dom ang hurado" para walang samaan ng loob...aba may premyo kaya sa kung sino man ang mananalong pangalan...nauwi sa dalawang pangalan at ibinigay na sa amin ni FEEDO at huling pagpapasya..."EAGLE or JUANCHO" kung ano man ang mananalo..abangan nyo nalang sa website namin.... =)

pagtapos ng konting kulitan sa opis, nagpaalam na kami at pumunta kami sa lugar ni myra (myra ng put3ska) sa kanyang bar sa timog ang "TEN O2" at dito nagrelax kami ng konti at nakipagkulitan kay manong Noel. (si Noel Cabangon kasi ang tumugtog ng gabing ito) at inenjoy ang kanyang mga musika.

ang sumatutal...LINUX+KULIT+RELAX sa araw na ito!

Monday, July 21, 2008

N82

paano ko ba sisimulan? ilang araw palang kasi mula ng nagrequest ako ng bagong cellphone (this time under na sa company namin; dahil yung dati kong plan is still under athena e-services. na hassle para sa amin everytime may mga kailangan kaming support; kesyo hinahanap yung dating signatory na matagal nadin wala sa athena e-services...at kung ano anong mga bagay bagay na hindi namin control

anong mga natutunan ko?
hindi talaga nag aaupdate ng maayos ang database/CRM ng smart. (ayun lang naman sa aking palagay)
medyo hassle ang customer service nila pagdating sa mga ganito cases.

anyway,kakapalit palang ng aking phone (this time may bago na kasi akong N82) sana, nag patulong na din ako sa smart para ma iblast sa lahat ng contact ko yung bagong number (eto medyo okay itong service nila na ito lalo na't may halos 600+ pala akong mga number sa luma kong cellphone). pero kanina,MALAS ata! nalaglag sya sa TAXI na MGE, ilawng beses kong tinawagan using my old number at nagbabakasakaling maisauli ng kung sino man ang makakuha at makapulot nito.
pero wala, iba na ata talaga ang panahon;kasabay ng pagtaas ng bigas at pagpapahirap ng mga oil company sa ating bansa..nasabay na din ata ang pagpapahirap ng ilang individual na hindi na ata naiintindihan ang halaga ng pagintindi at pagsauli ng gamit...di ko na din sila pa bibigyan ng mahabang kwento sa blog na ito...kasalan ko din marahil...shit happens!

malas din at dati rati ay lagi kong tinatandaan yung plate number ng taxi na nasasakyan ko; ngayon kasi dahil madalang na din akong nakakapag taxi nakaligtaan ko. BYE BYE N82..tsk tsk this is the first time na hindi ko man lang nalaro na maayos yung gadget na nahawakan ko. kasi itong mga nakaraang araw sobra din kasi kaming naging busy sa mga meetings at pag mi-migrate at pag coconsolidate ng aming mga servers.

share ko nalang din; kung may mga extra time kasi ako medyo binabasa ko din itong mga sites na ito re:mobile tools and linux.

http://www.jankratochvil.net/project/mdsms/
http://stalmp3box.sourceforge.net/kylixprojects/main.html
http://wammu.eu/
http://gmobilebrowser.sourceforge.net/
http://code.google.com/p/amora/
http://maemo.org/
http://nokix.pasjagsm.pl/

Monday, July 14, 2008

usapang POSS

Kahapon, may natangap akong email patungkol sa maliit na kwento at komento sa open letter na ginawa ng 8layer patungkol sa POSS. nakakatuwa sa isang banda may natutunan ako; mga kwento at mga maliliit na kadahilan para sa pagpigil ng malayang pagiisip at makatuwirang pagpapaunlad at pagtataas ng antas ng ating lipunan. LALO tuloy akong na challenge para lalo kong paghusayan sa larangan ng Open Source at labanan ang ilang maliliit na katiwalian.

Dahil dito, sa harap ng aking laptop at sa tulong ng Google ay nag search ako patungkol sa
"SINO SINO" na ba ang ang nag co-conduct ng linux training o gumagawa pa ng mga mahuhusay na mga programa para sa POSS.

nakita at nag komento ako sa link na ito:

http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/530668/Linux+Training+Schedule

ang sa akin lang, practitioner kasi ako ng open source, hanggat maaari kailangan kong maging maingat,magnamnam at magmanman bago mag e-execute ng mga programang patungkol sa Open Source/Linux (maging ito ay training na icoconduct o ang pangingiliyente...o mga proyekto); hanggat maaari sana eh lagi kong ilalagay yung POINT OF VIEW na kung hindi ko huhusayan...nakakahiya naman sa ibang company o Open Source na grupo na halos dugo at pawis ang kanilang mga pagpapakahirap sa pagpapalaganap ng tamang teknolohiya na ito...

na sa tuwing mali ko pala gagawin;

1.bumababa ang antas at pagtangap ng lipunan dito ( kesyo..nadadala ang ilan..dahil din sa maling execution ng iilan) na misan eto pa ang mga common na maririnig natin...

"AY AYAN NA NAMAN..LINUX NA NAMAN...MAHIRAP IYAN..at HINDI NAMAN TALAGA GUMANA IYAN..."

o kaya sa icoconduct mong training

"NGEK...ETO NA NAMAN..LINUX TRAINING NA NAMAN...DI BA CUT AND PASTE IYAN?"
"ANG MAHAL NAMAN"..DI BA..LIBRE LANG IYAN...eto yung URL oh..
https://savannah.nongnu.org/projects/lpi-manuals/"

2.at dahil dito, nagiging "LINISIN" na naman ito ng mga practitioner sa linux na kung minsan kung hindi na nila kakayanin eh syempre..mauuwi na naman ito sa pagkakaroon ng dahilan na "AYAWAN NA" at "MANGINGIBANG BAYAN" nalang ako...tuloy..sinong kawawa...si JUAN DELA CRUZ na naman...ang kakawang mga PINOY.

hindi naman masamang sumuporta sa kapwa nating pinoy; pero sa kabilang banda hindi di namang mabuting gagawa gawa ka ng mga hilaw na programa; "mag cut and paste" ng mga simpleng module na ang magnitude pala eh pagpapahirap sa mga taong labis na nagpahalaga at tunay na sumusuporta sa larangan ng Open Source at isa pa minsan, nagiging makasarili din tayo; at nakakalimutan nating meron pala tayong nirerepresenta.
na akala natin ay malaya tayong gumawa ng mga bagaybagay at nagiging pabaya tayo sa "salitang kabuluhan" na nagiging expense ng nagpapahalaga sa atin.maging individual o grupong nagpapahalaga(paano ko ba ipapaliwanag ito).Siguro ganito nalang... isang halimbawa:

Si "ey" ay nag wowork kay company "zi" dahil nag cut and paste si "ey" at madaming ng pumula sa kanya...hindi nya nakikita yung magnitude na dahil sa ginawa nya, naging kahiya hiya si company "zi"..GETS? =)

Para sa akin; ngayon na ang panahon para tayo ay mag contribute sa pag papaunlad o maging parte ng solusyon...hindi yung mag contribute at maging parte ng problema.

ibang kwento naman; Nitong July 12 nakuha ko sa pamamagitan ng ang RSS feed reader itong link na ito

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/infotech/view/20080711-147772/RP-college-replaces-open-source-system-with-Microsoft-OS

maedyo nairerelate ko din sa pagbabasa ng mga kumento sa isang sikat mailing list patungkol sa LINUX dito sa pinas (PLUG) nakita ko ang mga reaction;kuro kuro at mga pananaw ng aking mga kapanalig/kasama patungkol sa article na ito.

na kung ako naman ang tatanungin eto ang aking mga masasabi.

hindi naman ito issue ng technolohiya; issue ito na "TAMAD SILA at MADAMI SILANG PERA".
pero sana mabigyan ako at ang aking team makausap kung sino man ang pasimuno ng proyekto na ito ( syempre yung St. Paul College Pasig (SPCP) at First Datacorp (FDC). upang kahit papaano eh magkaroon man lang ng balense at malawak na pangunawa sa tinatawag na teknolohiya. at marahil lubos na ko na ding maunawaan ang kanilang ibig sabihin sa

"students and the faculty were looking for programs and applications that were not available in Linux"


eto lang muna sa ngayon!

medyo mag mumuni muni muna muli ako...

Thursday, July 10, 2008

we need marketing enthusiasts @8layer

We hope you can help us and help someone land a job that he/she might love.

Our team, 8layer Technologies, Inc. is in need of Marketing Ambassadors.

8layer is a relatively YOUNG, ALL FILIPINO, LEAN, SMALL YET TERRIBLY MEAN TEAM (Open Source Architects) who seeks:

* Articulate
* Aggressive
* Self- Motivated and Results- Oriented Talents

The Marketing Ambassadors will propagate 8layer's advocacy on IT Awareness, on imbibing the right IT Values, and on how IT with the utility of robust and reliable Open Source Technologies can bring forth the needed productivity and efficiency for one's organization.

And if you are quite willing to be a part of the 8layer Team, you must be:

* a fresh graduate or a tech novice starving for tangible and
applicable learning/training and wanting to make a difference not
only to your own self but to others;
* an experienced Marketing guy or gal in the field of IT, who is
hungry for what's right and challenging, and again, spell a whole
lot difference; or,
* an individual with high regard to doing things right and easy, and
in these times that spells a great deal of difference.

Send us your resume at info@8layertech.com or call us for an appointment at 706.0501

Thursday, July 03, 2008

We did it! Firefox 3 is now in the Guinness Book of World Records

from Firefox Download Day
reply-to Firefox Download Day
to mbmara@gmail.com
date Thu, Jul 3, 2008 at 9:08 AM
subject We did it!
mailed-by mcsv22.net

Download Day 2008
We did it!

We set a Guinness World Record for the most software downloads in 24 hours. With your help we reached 8,002,530 downloads.

You are now part of a World Record and the proud owner of the best version of Firefox yet!


AYUS! eto agad yung email na bumungad sa akin kanina pag login ko sa aking GMAIL Account,kakadownload ko din ang aking CERTIFICATE. magnada ding basahin ang istorya patungkol dito sa BBCnews



http://news.bbc.co.uk/2/hi/technology/7486668.stm
http://www.linux.com/feature/140732

also, medyo nabasa ko din itong interesting article na ito sa BBC on which Stallman Attacks Gates, Microsoft, & Charity Foundation

"It's not the Gates, it's the bars"
http://news.bbc.co.uk/2/hi/technology/7487060.stm


Ipagpatuloy ang pagsupporta sa FIREFOX at sa isa bang mga Open Source Project.

Monday, June 30, 2008

dalawangpung istorya at ang RSS ng Manila Bulletin

Ngayong huling araw ng hunyo ang dami ko ng gustong i-blog. naipon na ata at medyo kailangan kong maghabol.
may mga mahahaga din kasi akong tinatapos at inaasikaso sa ngayon, kaya baka hindi ko na sya ma idetalyeng maigi.
kaya marahil mga bagong istorya na ang aking mailalathala sa aking blog na ito sa mga susunod na buwan.

Eto nga yung mga listhan ng aking mga nais isulat sana.

1. yung aking opinion sa OSS.ph kasabay ng mga kwentong bagyo.
2. ang aking bagong laptop na lenovo at kung paano ito idemo sa akin yung VISTA ng isang engineer ng PCXpress at sinabi kong ihinto na nya dahil di din ako nag MS na Operating system.
3. yung bagong dating kong celphone na N82 dahil naubusan na ng stock ng Sony Ericson P1i.
4. yung aking opinion sa pagbaba ni bill gates bilang CEO ng microsoft.
5. yung aking komemto sa mga sinabi ng Microsoft representative nung OSS.ph tungkol sa kanyang mababaw na pangunawa sa mundo ng opensource.
6.tungkol sa www.microsoft.com/opensource at www.codeplex.com
7. tungkol sa halos isang oras at 200 pesos dahil pag hahanap ng handuraw at kayahag...na ngayon ay OUTPOST na daw ang bagong pangalan..sabi ni budoy ng junior kilat.
8. kabaklaan ng isang tao na nagcocomento sa isang BLOG na hindi naman kayang panindigan o tinatawag na "kapos" ang mga kaalaman sa mga bagay bagay na pilit na tinatahak.
9. creative common at ang aking mga akdang kwento at mga tula.
10. mga ekspiryens sa aming mga nakaranasan nitong mga huling KS sa opis.
11. huling bisita sa "republika de kapay" at ang babaeng buntis na namamara ng lahat ng saksakyan kahit umaambon na.
12. komento sa o kung ano aming sagot sa mga kaibigan at mga taong nagtatanong sa kung ano ng nangyari sa album ng dekada.
13. pag kawala ni Chox sa 8layer.
14. ang kagandadahang dulot ng WIKI sa aming organisasyon
15. si 8layer at ang kwentong 100% Linux OS (ubuntu at fedora) yung aming mga desktop.
16. maiksing sanaysay IBM at ang Lotus product at kay irish ng IBM kung paano sya mag present.
17. ang huling video-ke kasama si "PING" at ang mga IBM sa makati.
18. istorya bakit hanggang ngayon eh di ko pa napapanood itong laban ni Paquiao ke Diaz.
19. mga bagong nakilala sa larangan ng open source sa pilipinas.
20. SNOM IP Phones at ang SNOM Expansion Module

mas pinili kong iblog ngayon itong manila bulletin.
kakatapos ko lang kasing magdesisyon na gamitin ang aking Thunderbird para iconsolidate yung mga /emails/news/blogs. dati kasi ang gamit ko sa aking BLOG at NEWS (RSS) is yung tinatawag na "Akregator" at "straw"
since madami na masyado at gusto ko na isang beses lang ang pagbubukas ng application.ninais kong ilagay na aking THUNDERBIRD lahat ng ito kasabay ng pag configure ng thunderbird na magPOP ng aking mga GMAILs.

naiinis or natatawa lang ako kasi nung naisip kong mag subscribe sa mga local news (inquirer at manila bulettin) medyo binigo ako ng manila bulettin."Feed not found from http://www.mb.com.ph."

hindi ko makita yung RSS feed nila samantanang meron silang article na inilabas patungkol dito nuoong 2006 pa.
http://www.mb.com.ph/issues/2006/09/03/TECH2006090372857.html

Nag message na sa "webmaster" para kahit papaano masulbahan agad itong maliit na hinaing na ito. (sana naman eh may aksyon).

"My work is largely on facing my laptop's console and surfing the net. Thus, it becomes handy to me that i get in touch with relevant socio-political news and events right at my fingertips.

Relatively, i feel delighted when local papers seemingly would like to be in tune with the technology to capture the vast market and readership.

However, to my surprise i believe that your online paper did feature the RSS technology some 2 years ago but still your website doesnt offer such technology/ service . May i know your stand on this? Are you against it, or you dont find it useful? What is your actual point of featuring RSS when your online paper doesnt offer this service?

Thank you,
Meric B. Mara "

Isa lamang itong halimbawa ng kwentong maitutugma sa tunay na buhay.
marami kasing nangangaral, nagsasalita ng mga bagaybagay ngunit walang implementation.

nasa kalahati na ako ng librong nabili ko sa Booksale ulit na ang pamagat ay "Back to the drawing board"
http://www.amazon.com/Back-Drawing-Board-Designing-Corporate/dp/1578517761 (btw, yung copy na nakuha ko eh may authograph ng isang sa mga author ng libro na iyon) na si Jay William Lorsch.

natutunan ko lang, na ang mag kadahilanan kung bakit yung mga "BEST PRACTICE o mga magagandang bagay" ay hindi nagiging tama na nagiging hilaw dahil sa mga sumusunod.

1. yung mga best practice na ito ay hindi na icoconvert o nagiging "PRACTICE" nananatiling nakasulat lamang sa mga libro o kwento.
2. yung iba nag susubok i practice ngunit kulang o kapos sa "ACTION"
3. dahil sa bilis ng bulusok ng technolohiya. yung mga hindi nakakasabay na iiwan at naipapractice eh yung mga luma na hindi naman na applicable.
4. expectation ng nagpapagawa vs time and execution o kakayanan ng mga gagawa at magiimplement nito.

Friday, June 20, 2008

Jose Rizal

Batiin ko lang sa kanyang kaarawan itong ating pambansang bayaning si "GAT" (hindi ko kasi nabati kahapon)

Magkukwento lang ako ng konti. Naalala ko kasi noong bata ako may mga kalaro ako at yung mga "barbero" ng tatay ko eh tinatawag akong Jose Rizal. Marahil eh... sa istilo ng buhok noong mga panahong iyon (elementary ako =) ). Kaya siguro, nung high school ako eh GEL yung pinagdiskitahan ko hanggang college..este pati pala dun ako sa mga dati ko pang work...

E ngayon kasi longhair at di na ako na ge-gel at alam ko nakwento ko na eto.

pero teka, bakit ba buhok ko ang ikinukwento ko eh KAARAWAN ng ating pambansang bayani nga ang aking paksa ngayon?

wala din naman akong balak mag kwento ng Noli me Tangere and El Filibusterismo, di ko din balak mag detalye ng mga kontribusyon nya La Solidaridad. Ang sa akin lang, kahit sa *PISONG malaki at Dalawang Pisong papel na kulay bughaw ko na sya inabot eh, hindi ako papayag na hindi ko mabati ang ating pambansang bayani sa kanyang kaarawan.

*kahit pa yung PISO na ito eh ginagamit marahil sa palarong (sisiran sa tina) at unahan maishoot sa bibig yung piso sa pamamagitan ng paglagay ng PISO sa noo at pagkunot ng mukha.

Marahil ang mensahe ko lang ngayon eh.

WAG NA WAG NATING IHIHINTO ANG PAGGUNITA NOONG TAYO'Y MGA MAG-AARAL PA, yung ganitong mga araw at panahon kahit pa usapang "Ces Drilon", Obama, Pagbaha sa China, Nalalapit na Olympics o uso man mga bagong teknolohiya. BUHAYIN AT PAGNINGASIN NATIN ANG KANYANG SINIMULAN!

Wednesday, June 18, 2008

To all smart subscribers, did you know that WVdial can save the day!

Since it is very critical for me to be able to use "Internet" when I'm out of the confines office, I configured my Eeepc and my p990i+wvdial[1] ... This way, im able to

*properly monitor the status of our clients
*Send important emails
*update my projects and do my research
*others...

Yes, I opted for wvdial since this is very easy to use and this is the program that the NITIX product that we carry, used as an intelligent PPP dialer.

Dont cram yourself to send me SMS or email me on how I was able to configure this on my eeepc. Instead, right here i will share the steps so that everybody can also do this and enjoy this kind of service. (i believe that the steps will also work for any debian base linux)

IMPORTANT NOTE:
I just consulted "Jajapot" and she told me that you need to pay PhP 10/ per 30mins based on her experience. hiyun lang!

OKAY,let's start.

First you need to install WVdial on your PC (Eeepc)

then , I updated my /etc/apt/sources.list

#vi /etc/apt/sources.list

deb http://xnv4.xandros.com/xs2.0/upkg-srv2 etch main contrib non-free
deb http://dccamirror.xandros.com/dccri/ dccri-3.0 main
deb http://update.eeepc.asus.com/p701 p701 main
deb http://update.eeepc.asus.com/p701/en p701 main

install wv-dial using apt-get
# apt-get install wvdial

create/modify wvdial configuration file.
# wvdialconf
*this command will detect your USB modem (P990i) and will automatically genarate /etc/wvdial.conf file.

#vi /etc/wvdial.conf

IMPORTANT NOTE:
* “internet” is smart's (APN) so you need to put this line in your configuration.
Init3 = AT+CGDCONT=1,"IP","internet"
* If your using smart network you can put any value in username and password since this is not needed.
* It is very important that you also put *99# as your phone value. (check with smart network)

enough of explaining the other parametters..whew!...here is my /etc/wvdial.conf =)

[Dialer Defaults]
Init1 = ATZ
Init2 = ATQ0 V1 E1 S0=0 &C1 &D2 +FCLASS=0
Init3 = AT+CGDCONT=1,"IP","internet"
Modem Type = USB Modem
ISDN = 0
New PPPD = yes
Phone = *99#
Modem = /dev/ttyACM1
Username = meric
Password = meric
Baud = 460800
Auto DNS = 1
Dial Command = ATD
Ask Password = 0
FlowControl = NOFLOW

Once, you have this all configured "YOU'RE READY TO GO".

you can now run your "wvdial" and start surfing.
#wvdial

Enjoy!

Special thanks to Dave Coombs / Avery Pennarun for doing a greate job and innovation on the wvdial.

[1]http://alumnit.ca/wiki/?WvDial

Tuesday, June 17, 2008

Back to School, Back to Basics

Madaling araw na din when we finished our work in the office.

It was enormously tiring after the 3 consecutive KS (knowledge sharing) which i conducted
yesterday not to mention the orientation that i shared to LEN (new member of 8liens)...hala! sana makayanan mo yung mahirap na work sa 8layer..lagot! =)

Very well, my topics majorly did dwell on the following:

1. Sharing my insights on R&D/Design patterns and ERP Implementations.
-Thanks to Jasper and Kuya Rey because of the "INVALUABLE" ideas that they shared yesterday with regards to this topic as well. (I will note on our panda_y,pand@y,panda\y na isunulat ni jasper sa ating whiteboard) ay sya! paano ba natin ito e-espelengin?

2. Medyo kating-kating ako dito as this is one of my favorite,conducting Linux training to schools and other firms.THE LINUX BOOT PROCESS, this is also the first time in which i just outlined topics for discussion using a scratch paper na gamit ang whiteboard marker tapos sulat(s1,s2,s3,s4.s5)..stages..blahblah.. before presenting it to the group. As I always use IMPRESS lately everytime I conduct trainings or do presentations.

Reminisicing, it was during my yourger years that i've really learned so much about LINUX and its was during that period (that was 1996-1998), where i used to have my PLAYBOOK to map each and every detail on how LINUX boots... Without it,I believe it will be difficult for me to make my own distribution. Since I just finished our core OS (Kawing-Kawing Linux) last week (knowledge on bootprocess,hacking loader and init) is really an interesting topic to share and discuss.

3. Technology Roadmap for our newcomer and trainee. In this KS I discussed ON-DEMAND application,Autonomic Computing,GRID computing plus the basic of OS and Applications.

Bottomline, The lesson that I've learned in this KS sums to:

basic topics, like LINUX BOOT PROCESS with the rest above..can be definitely interesting (just make sure to focus on the accuracy and chronology/logic of nitty grittys, values and relevance, and make sure to answer the WHAT's in it for me/ or for the user? Whoever your audience is.
also, basic training tools and materials like (scratch paper) that comes in handy is not a
problem when doing presentation or technical sharing as long as you
know what you are talking about and know your topic by heart...( di kailangan ng projector..walang malaking TV.. excuses impedes learning and growth..) Just be selfless and continue the things that you want to share to your audience (make sure naman na tama). And lastly, it is also better you put this to practice, give each one assigned tasks/ assignment but most of all it is best that you make it work... kailangang magawa, first and for most.

More learning, More Work, More Fun.

Friday, June 06, 2008

My NVS and Lotus Foundation

I just finished installing my (3) three NVS environment on my Nitix Version 5.0.0a #0
1. nvs-sles10-2971.pkg; 2. Debian (Sarge) - Versabox 0.2.0 BETA and 3. nvs-1.1-25107.tar. Everythings works okay. I am still deciphering though on how to repackage all of these so that we can include our own rpm-based applications.

* BTW, if someone out there is knowlegeable in LFS, we are looking for a linux developer (certified geeks only- with lots of usable brain cells) who could help us with our ongoing project on linux distribution for our application. For those who may be interested just email mbmara@gmail.com or you may catch us at the Joomla Day on June 14 at UP.



Moving on, yesterday I was able to download a copy of Lotus Foundations-1_0_0. We installed it on my old P3 machines but we are having problem with it (hardware issue) . So we changed the hardware, we got to install it @

Genuine Intel[R] CPU 2160 @ 1.80GHz - 1800.442 MHz (GenuineIntel)
VT6102 [Rhine-II] (VIA Technologies, Inc.)
UniChrome Pro IGP (VIA Technologies, Inc.)
ST3160215AS ATA - 156.3 GB

Installation is as easy as 1-2-3, that even a grade three pupil can understand.
(hehehe sounds familiar j/k)

Enhanced user interface is something you will love on this distro.
I just have a little question with the "LOTUS FOUNDATIONS" logo since we are finishing up with this brochure, I'm really confused WITH REGARDS to its OFFICIAL COLOR. I see YELLOW+BLACK=WHITE or BLACK+WHITE. I hope that our friends@IBM will elucidate me on this.

... Going back, MY SAMBA experience after i connect using my ordinary user/account is that i can see all the other folders but can only access my own folder while the rest of the folders is "ACCESS IS DENIED". I just missed my Nitix SMB on which if i access my samba using my ordinary account the only folder that i can access is my own folder and only the root account can view all the folders.

And as to MY EMAIL experience, from qmail to postfix. =) it's very nice. But no webmail. Good thing our team developed our own webmail that we did call "mail8". As for now, this webmail client of ours uses http://www.php.net/imap to access our emails.... HENYO mabuhay ka!

upon more tinkering, my other findings shall follow...

Tuesday, June 03, 2008

IBM Lotus Foundations Start


What is Lotus Foundations Start?

IBM Lotus Foundations Start offers companies with little or no in-house technical expertise the essential software required to run a business. Combining reliability, security and simplicity, it helps to reduce cost and complexity:

* Self-configuring/managing – automates critical IT activity
* Automated disk backup
* Full system recovery in minutes
* Small footprint, reliable Linux-based OS that is easy to use
* Firewall included, antivirus and antispam (optional)
* Create and share information, email and calendars with IBM Lotus Notes and Domino
* Includes IBM Lotus office productivity tools – work on spreadsheets, presentations and documents without purchasing extra software

What's new in Lotus Foundations Start?

What's new in Lotus Foundations Start?
Lotus Foundations Start is based on the NitixBlue product that you are familiar with, and features the following enhancements:

* Domino Access for Microsoft Outlook (DAMO) support for Outlook 2003 and 2007
* Enhanced user interface with IBM branding
* 14 day trial for Sametime Unyte web conferencing service
* IBM Lotus Notes Domino 8, as opposed to IBM Lotus Notes Domino

Benefits of Lotus Foundations Start
• Provides essential software required to run a business, in one package
• Minimizes maintenance - no in-house IT expertise needed
• Quickly sets up a security-rich company network – includes firewall, and antivirus, and antispam are optional add-ons
• Protects and stores data with frequent automated backups – (software included)
• Facilitates the creation and sharing of information through e-mail and calendars
• Connects remote employees with anytime/anywhere access

Ryan's In/Out Board

May isang tanong kasi sa partner forum namin ng Nitix, kung meron na daw bang nakapagpagana ng
ryansiob sa nitix since ito daw yung gusto ng client nya. sabi ko lang sa kanya, na yung ryansiob eh madali lang iinstall at yung customization ng program ay nangangailangan ng konting background sa linux at perl programming. medyo ininform ko din sya na since yung program eh walang database o text files driven, hindi maganda kung lalaki yung data nya.

mahalaga din na marunong kang maginstall ng NVS (nitix virtual server) sa nitix since dun pwedeng itakbo yung application.

pero kung ako yung tatanungin, masmagandang gumawa nalang ng maliit na version nito sa PHP since pag binasa mo yung info patungkol application eh nakapa liit lang naman.

Kung may mga gusto pa ding magpatakbo ng application na ito. eto yung mga steps sa pag iinstall sa kanilang linux (eto rin yung ni-share kong steps sa aming forum)

tatakbo ito sa CENTOS 5.0,FEDORA 7,8,9 at Nitix version 5 na may "NVS version 1.1"

yung mga information abaout ryaniob pwedeng makita dito sa URL na ito.
http://ryansiob.sourceforge.net/

kung nitix ang gagamitin, walang "make" ito kaya magandang ito na muna ang maiinstall.
using "YUM"

eto yung mga pagkasunod sunod ng mga command na ginawa ko para maiinstall yung application. madali lang sya yung IP address ng laruang nitix ko na ginamit dito ay 192.168.0.34

yum -y install make

download Date-EzDate-1.10.tar.gz
wget http://search.cpan.org/CPAN/authors/id/M/MI/MIKO/Date-EzDate-1.10.tar.gz

tar zxvf Date-EzDate-1.10.tar.gz
perl Makefile.PL
make;make install

download CGI.pm-3.37.tar.gz
wget http://search.cpan.org/CPAN/authors/id/L/LD/LDS/CGI.pm-3.37.tar.gz
tar zxvf CGI.pm-3.37.tar.gz
perl Makefile.PL
make;make install

yum -y install httpd
vi /etc/httpd/conf/httpd.conf
change Listen port to port 88

chkconfig --level 345 httpd on
service httpd restart

download ryansiob_2_3.tar.gz
wget http://jaist.dl.sourceforge.net/sourceforge/ryansiob/ryansiob_2_3.tar.gz
tar zxvf ryansiob_2_3.tar.gz

cd ryansiob_2_3
mkdir /var/www/cgi-bin/ryansiob/
cp ryansiob.* /var/www/cgi-bin/ryansiob/
chown apache:apache /var/www/cgi-bin/ -fR

mkdir /usr/local/ryansiob/
cp -fR * /usr/local/ryansiob/
chown apache:apache /usr/local/ryansiob/datafile
mkdir /var/www/html/images
cp envelope.gif /var/www/html/images/

vi /var/www/cgi-bin/ryansiob/ryansiob.config.pl
*change the following

$ryansiob::cgiurl = "http://192.168.0.34/cgi-bin/ryansiob/ryansiob.pl";
my $images = "http://192.168.0.34/images/envelope.gif";

then "SAVE"

vi /var/www/cgi-bin/ryansiob/ryansiob.pl
require "/var/www/cgi-bin/ryansiob/ryansiob.config.pl";

then "SAVE"

YOU CAN NOW ACCESS YOUR IO/OUT APPLICATION
http://192.168.0.34:88/cgi-bin/ryansiob/ryansiob.pl
my $images = "http://192.168.0.34/images/envelope.gif";

for other configuration options READ
https://sourceforge.net/docman/display_doc.php?docid=24764&group_id=119431
section 8.6-8.9