Sunday, August 03, 2008

Ang ganda ng mundo

Ang ganda ng mundo. hindi ko pa din lubos na maiisip bakit may mga tao na magkaroon lang ng isang usapin sa buhay eh "galit na sa mundo".
minsan nasusubok ang tunay na paghubog sa ating pagkatao, gaano na ba tayo kahanda sa mundong ginagawalan natin? minsan nakakalimutan na din natin ang mga salitang kaagapay natin sa atin araw araw na sulirain..mga salita tulad ng "pagsubok","nagmamahal" "may karamay" "kaibigan" "pag-asa" at madami pang iba;
para kasing katapusan na lagi.

kanina, habang nagiinternet biglang nag alert ang MUA/thunderbird ko dahil sa nagsubscrive ako sa RSS ng BLOG ng kapatid kong si kong. natutuwa lang ako at may mga tao pa pala talagang gagawa ng mga "tula" upang magpahayag ng damdamin..(yung pamagat ng tula ni kong ay "PAGSUBOK".iilan na nga lang ba kaming kayang gumawa nito? pag iniisip ko, kung ang mga tao ang mag iisip lang ng mga magagandang outlet at matutunang mag appreciate sa mga telentong unique sa bawat tao...grabe..ang ganda ng mundo.

naalala ko din nitong nakaraang martes, bukod sa mga bagong kakilala,kasangga at kasama(oy willy salamat sa beer at sa papajeks na kulitan) sa conspiracy bar isa sa mga tambayan namin na matatagpuan sa visaya's ave sa qc. dito naman ay kakwentuhan namin si "manong gary granada". kwentuhan sa mga bagay bagay patungkol sa industria ng musika, IT at mga bagay bagay na patungkol sa mga magagandang kanta at compositor.
masasayang alaala. tawanan at kulitan sa gitna ng hardin sa harapan ng iilang bote ng san miguel beer.
mga plano.ang papatunay na masaya ang mundo na kasabay pa nito ang bonus na album na regalo sa akin ni manong na ang pamagat din ay "ang ganda ng mundo".
*kakaibang album: bukod sa mga orihinal,makulay na pabalat at mga pambatang kanta, kakaiba ang istilo na makikita sa album;ito ay may mga sumusunod 1. ang disc with vocals 2. minus one 3. lyrics 4.balangkas na magsisilbing gabay para sa mga guro.

Manong Gary..Maraming Salamat!

wala nang lawig. ikaw at ikaw lang, matuto sa ang ano ang kaalaman at kahinan at matutunang itong pahalagahan.
ito ang tamang susi sa tunay na kaligayahan. sa mundong masalimuot ang mundong ginagalawan.
ito ang ang patunay at ang kasangkapang gabay upang malinawan na ang ganda ng ating mundong ginagalawan.


PAGSUBOK
may akda:maricar mara

Isip mo'y puno ng katanungan
Mga letra'y naglalaro sa kawalan
Puso mo'y puno ng pangamba
na sa pagtulog ay gumagambala

Madalas isip mo ay lito
Sakit ng ulo'y di maitago
Tila pasan mo ang buong mundo
na unti-unti sayo'y guguho

Sa mga panahong ikaw ay lutang
at tila nilipad sa kung saan
huwag sanang kalimutan
mga taong sa iyo'y nagmamahal

Ang lahat ay pagsubok lamang
Maniwala ka sa iyong kakayahan
Pagka't hindi ka niya pababayaan

No comments: