Kagabi biglaan ang takbo na ginawa namin para sa pagbisita sa papa ko sa isang hospital sa Caloocan.
Biglaan din kasi ang pag anunsyo ng aking kapatid na na-operahan daw ang aking mahal na ama.
naalala ko nga ang eksena na kung saan matapos ko matangap ang nakakagulat ng balita. biglang nanlamig ang katawan ko at nangilid ang luha sa mga mata ko. hindi ko alam kung bakit. marahil hindi pa ako ready sa mga ganitong sitwasyon...ngayon palang kasi ako bumubuwelo at rumiresbak sa mga pagmamahal na ibinigay sa akin ng mga magulang ko lalo na nung panahon nagaaral ako at ramdam ko ang mga gawi o diskarteng ginagawa nila para maitaguyod ako. marami pa akong kulang!
kaya nga sa biyahe papuntang hospital ay inaaliw ko nalang ang aking sarili sa mga bagay bagay upang maibsan and kaba at lungkot. pero pagdating sa hospital bigla nalang bumalik ang aking sigla. lalo na ng makita ko ang mama at papa ko na nagkukulitan at nagtatawanan na parang balewala lang ang operasyong nangyari...ginagawang katatawanan ng papa ko at masaya nyang kinukuwento sa aming lahat kung paano sya pinagagalitan ng doctor at paano nya hinahandle yung sitwasyon nuoong mga panahong inooperhan sya..kakaiba!!!. sa huli! bumalik ako ng upisana masaya at nabalot ng ngiti at alala lalo ng pag iniisip ko ang mga masasayang kwentuhan ito ng aming pamilya.
ps: papa pagaling ka agad! ok?
Masakit ulo ko ngayong araw na ito, di ko matanto ang dahilan pa kung bakit. Marahil dahil sa di masyadong nakakatulog sa gabi nitong mga nakaraang araw dahil sa mga ginagawang mga proyekto? at sabayan pa na paghahabi para sa mga presentation na ibabahagi sa mga client at para sa event na kung saan imbetado kami.
marahil nakadagdag din ang mga malulupit na hagupit at hampas ng hangin at malakas na ulan sa madaling araw na dahilan ng bagyong "karen" at nagiging kadahilanan din ng biglaang pagkagising sa panahong pag idlip.
siguro mamaya ay lalabaas ako ay sasagap ng hangin o dili kaya at mag titrip sa telebisyon para makanood ng Olympic. mag ju-juice or fu-food trip din ako siguro maya maya dahil hindi naging tama sa oras ang aking naging pagkain ngayon araw na ito...
No comments:
Post a Comment