Sunday, August 10, 2008

can you call/tag someone as a "friend" when he does not even acknowledge you as one?

na-a-angkin ba ang kaibigan? mas madali kasi itong itanong sa ingles parang ganito.. can you call/tag someone as a "friend" when he does not even acknowledge you as one?

paano ko ba ikukwento? naglalaro lang sa isip ko patungkol sa usapang kaibigan?
siguro ganito, si "X" and "Rodel" nalang ang ibibida ko dito sa kwento ko.

meron lang akong experience kasi na patuloy na sinasabi nitong isang tao na ito na tatawagin kong "X" na kami daw ay matagal ng magkaibigan.
kahit nung college daw ay magkakilala na daw kami. Dalawang puntos yon, matagal at magkaibigan.

Pero ang nakakatawa ni hindi ko nga alam kung saan sya nakatira?
Sino ang mga magulang at mga kapatid nya o may asawa na ba sya o bading ba sya?
kung san sya nag-aral o graduate ba talaga sya?
mahilig ba sya sa musika o makata rin ba sya?
anong paboritong pagkain,kulay,hayop at nalalasing ba sya sa buko juice?
at kung ano pang mga kababawan?
at kung sino pa ang mga inaangkin nyang ibang kaibigang tulad ko?
etc..etc..etc (hehehe di ko makakaligtaan itong katagang ito dahil kay rodel)

nunca, ni sa panaginip hindi ko sya maituring na kaibigan. di ba dapat mutual ang "we used to be friends"?

nagkakilala lang kami nitong si "X" sa isang training na ikinonduct ko sa athena patungkol sa linux at autonomic computing.
tapos nilapitan lang ako nitong si "X" at nag-offer ng partnership dahil magtatayo daw sya ng company. dahil hindi ako kaladkarin tinanggihan ko ang offer bagkos nagbigay nalang ako ng oportunidad na bigyan sya ng test project para mabigyan ng buhay ang tinatawag na collaboration sa mundo ng opensource.
sa mahirap na sabi, pa-iigsiin ko yung istorya sa apat na letra...SAWI!

eto pa!!! may isang tao din na matagal ko naman na nakasama si Rodel P. Hipolito, halos 10 taon (at halos samupung taon kong kinanlong, naikuwento nga ng isang PM namin dati na ang silbi pala ni Rodel sa IDS ay pumasok nang maaga para i-reboot ang mga servers, yun lang, ayun tuloy sya kauna-unahang na retrench, pero huwag ka ha, IT Expert na sya ngayon - according to himself), na sya mismo ang nagsasabi na si "X" daw at ako ay magkaibigan na ng matagal ang nakakatawa sya mismo ay nasa pangyayari at makakapagpatunay sa mga kabulaanan at pagpapanggap. marahil kailangan nya lang panindigan ang kanyang ingles na "in the spirit of fair play", na di ko alam kung naiintidihan nya dahil nga ingles. marahil ang ibig pakahulugan ni Rodel ng "fair play" ay gagawin ko ito kahit ikapahamak ang sarili ko at ng iba. (sana nag Judge/ Hukom nalang sya at hindi IT Consultant Major in Simple NetworX Design..kasi alam nya yung ibig sabihin ng fair).

dalawang bagsak sa huli ang naiintindihan ko.
1. normal pala ang pagiging bulaan sa isang taong bulaan (inherent na kasi or second nature).
2. pwede pala talagang maangkin ang kaibigan (sa perspektibo ng mang-aangkin), pareho ba ito ng - "Kilala ko si Sharon Cuneta, pero ako kilala kaya nya?" (buti pa si Manong Gary Granada kilala ako)

=)

order in the court...

No comments: