Saturday, August 09, 2008

ano na?

tandang tanda ko pa ang eksana kanina mula ng bumangon ako kanina sa kama.
masama ang gising,bugnot at makasit ang ulo at likod. mulat na ang mata ngunit parang nasaloob padin ang eksana ng mga bangungot. mas minabuti ko na nga lang pumunta sa banyo at bumabad sa lamig ng tubig at pilit na ninanamman ang tila ulan na patak na galing sa shower na dahang dahang nananalaytay sa aking katawan.

tama nga siguro ang kasabihang "magbiro ka na ng lasing wag lang sa bagong gising"; ang sama kasi ng biro sa akin ng araw ngayon. na kahit nananahimik at wala kang ginagawa eh pilit kang bubuwisitin pala talaga ng tadhana; nakakasira ng diskarte at plano.meron pala talagang "malas na araw",at ito ay nangyayari pa talaga matapos ang inaakala mong buenas o maswerteng araw para sa iyo.

ngayon nasa upisina na ako. sa harap ng bintilador na pilit nag bibigay ng kaunting lamig ay ginagawa ang aking mga gawi. ang magbukas ng email, nagcheck ang mga server at magbasa ng mga balita patungkol sa loob at labas ng linux. pinapatay ang konseptong "tila pardibleng mabilis na tinutusok ang aking utak" kaya't eto ako mapayapang inaaliw ang sarili.

paulit ulit na sumasaliw at pinakikingan ang mga bagong awiting pambata ni manong gary na "Children’s Songs for Peace Education" para kumukuha ng bagong enerhiya. unti unti din ang ginagawang pag inom ng kape na tinimpla nilda at tinatanong ang sarili kung kakainin ba ang mcdo na nasa pantry? mag aalasingko na kasi ngunit hindi ko nararamdaman ang gutom, marahil sa patay pa o may pumatay na gana ko.
bale, pasasaan maya't maya eh kakainin ko din iyon. kailangan ko lang talagang mag hanap ng mga outlet para manumbalik ang gana ko sa mundong ibabaw at muling ma appreciate ang mga yamang uri ng kapaligiran.

bilang bonus nalang siguro para sa ngayon araw na ito, tahimik kong ginagawa ng ilang presentation patungkol sa mga "linux tools" na balak kong ishare ulit sa 8liens next week. kasabay din ng bonus ko ay ang pagdownload ng ilang linux short film sa youtube.com using "clive"[1] na syang sinisave ko sa loob ng aking /tmp/ folder.

ie. clive http://www.youtube.com/watch?v=PLHjT5-XM9o

sa pagtakbo ng oras.
kung ano na ang mangyayari?di ko pa alam. kung ano ang mga dapat pang pagkaabalahan? malinaw na ewan at kung ano na ang mangyayari bukas?bahala na! laban lang.malinaw naman sa akin na hindi araw araw ay pasko.

[1]clive - Video extraction utility for YouTube, Google Video and other video sites
http://home.gna.org/clive/

No comments: