Batiin ko lang sa kanyang kaarawan itong ating pambansang bayaning si "GAT" (hindi ko kasi nabati kahapon)
Magkukwento lang ako ng konti. Naalala ko kasi noong bata ako may mga kalaro ako at yung mga "barbero" ng tatay ko eh tinatawag akong Jose Rizal. Marahil eh... sa istilo ng buhok noong mga panahong iyon (elementary ako =) ). Kaya siguro, nung high school ako eh GEL yung pinagdiskitahan ko hanggang college..este pati pala dun ako sa mga dati ko pang work...
E ngayon kasi longhair at di na ako na ge-gel at alam ko nakwento ko na eto.
pero teka, bakit ba buhok ko ang ikinukwento ko eh KAARAWAN ng ating pambansang bayani nga ang aking paksa ngayon?
wala din naman akong balak mag kwento ng Noli me Tangere and El Filibusterismo, di ko din balak mag detalye ng mga kontribusyon nya La Solidaridad. Ang sa akin lang, kahit sa *PISONG malaki at Dalawang Pisong papel na kulay bughaw ko na sya inabot eh, hindi ako papayag na hindi ko mabati ang ating pambansang bayani sa kanyang kaarawan.
*kahit pa yung PISO na ito eh ginagamit marahil sa palarong (sisiran sa tina) at unahan maishoot sa bibig yung piso sa pamamagitan ng paglagay ng PISO sa noo at pagkunot ng mukha.
Marahil ang mensahe ko lang ngayon eh.
WAG NA WAG NATING IHIHINTO ANG PAGGUNITA NOONG TAYO'Y MGA MAG-AARAL PA, yung ganitong mga araw at panahon kahit pa usapang "Ces Drilon", Obama, Pagbaha sa China, Nalalapit na Olympics o uso man mga bagong teknolohiya. BUHAYIN AT PAGNINGASIN NATIN ANG KANYANG SINIMULAN!
1 comment:
Gayundin naman ang aking pagbati sa mga unsung at unknown heroes of our times... na di lamang naniwala ngunit ginawang patnugot ang mga akda at gawa ni Rizal magmula nang kanila itong kamulatan.
Tamang masarap makinig, magbasa at maaliw sa mga nangyayari sa paligid ngayon ngunit ano ang esensya nito kung di tayo natuto sa mga leksyon ng dating panahon at dating tao... kaya't tama ka... di lamang paggunita... araw araw maging bayani sa sariling bansa.
Post a Comment