Nandito ako ngayon sa batanggas para sa isang event yung SMEtoolkit ng Planters bank.
isa kasi ang aming company 8layer Technologies, Inc. sa naanyayahan para mag speak o magpresent re: LOTUS FOUNDATION START.
kwentuhan ang tema na kung saan, sa mga presentation na nangyari nag patungkol sa evolution ng technology. (may story pa nga about..what is internet? at mga classic na technology like betamax+VHS at kwentong rewinder=)
yung aming presentation naman (na ginawa ko lang kagabi yung slides) ay nagtukoy naman sa SME, sa kung paano yung technology trends kasabay ng kanilang ICT adoption, may isiningit din kami na study na ginawa ng UNDP at syempre yung main product yung "IBM Lotus Foundation" at syempre ulit ang aming advocacy na "IT is all about values" wheeeew! (buti naman at natapos ko). sinasabay ko din kasi kagabi yung mga application namin (ERP,POS,CMS,sitebuilder)na nasa aming development server na dapat mailagay ko sa aking laptop para maidemo din sa mga organizer at sa mga interesado individual dito sa SMEtoolkit event.
muntik ko ng makalimutan ito kagabi.
php symfony cc
php symfony fix-perms
ano ba yung mga hindi malilimutan sa araw na ito???
1. siguro yung lumagpas lang kami ng konti papuntang LIPA dahil sa bago na yung daan at umabot kami sa ibaan. (pero okay naman...at least alam na namin yung bagong daan papunta kina henyo,nilda at pangkal..aba miss ko na tuloy yung LOMI trip.)
2. yung dami ng mga tao sa SMEtoolkit event. mahigit 100 ata yung umattend, nahilo ako sa ingay ng mga tao sa likod (sana naman hindi mga organizer iyon) parang dalawa kasi yung mikropono...isa sa harap-yung mga gamit na "presentation" at isa sa likod -yung mga nagtutumpukan na tao na parang nagkakape lang sa starbucks kung makapagkwentuhan.
3. Plantersbank+GLOBE+IBM Event itong SMEtoolkit; Pero yung presentation ng Globe dun sa parteng MOBILITY BUNDLING ay "HP computers/laptops" hehehe nice one ms. jhing mojares =) (ayun buti natandaan ko yung name ng nagpresent. sana sa susunod ay Lenovo or IBM laptops na yung bundle. =) (TAPOS LINUX OS (fedora o ubuntu...solve na yung mga SME dito)+GNU Apps+visibility) PWEDE!!! tutal SME ang gagamit...START "IT" right.. sabi ng huling penguin sa huling slide ng aming presentation.
sa huli, friendly naman yung mga tao sa event yung mga taga SME.com.ph lalo na kay Sir. Ado din...ay maraming salamat din sa food-nakadalawang balik ako.. =) sarap ng pasta.
pagnakaluwag ako ng konti sa oras ko visit ko at araling maigi yung SME BIZTER that has been presented by Sir Ado.
salamat din sa IBM sa kanilang laging pagsuporta sa aming hindi sikat na company =), Ma'am Mini salamat kuha ko ba yung tono ng presentation mo? ..HINDI KASI SIKAT ANG IBM eh...=)
No comments:
Post a Comment