Monday, July 14, 2008

usapang POSS

Kahapon, may natangap akong email patungkol sa maliit na kwento at komento sa open letter na ginawa ng 8layer patungkol sa POSS. nakakatuwa sa isang banda may natutunan ako; mga kwento at mga maliliit na kadahilan para sa pagpigil ng malayang pagiisip at makatuwirang pagpapaunlad at pagtataas ng antas ng ating lipunan. LALO tuloy akong na challenge para lalo kong paghusayan sa larangan ng Open Source at labanan ang ilang maliliit na katiwalian.

Dahil dito, sa harap ng aking laptop at sa tulong ng Google ay nag search ako patungkol sa
"SINO SINO" na ba ang ang nag co-conduct ng linux training o gumagawa pa ng mga mahuhusay na mga programa para sa POSS.

nakita at nag komento ako sa link na ito:

http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/530668/Linux+Training+Schedule

ang sa akin lang, practitioner kasi ako ng open source, hanggat maaari kailangan kong maging maingat,magnamnam at magmanman bago mag e-execute ng mga programang patungkol sa Open Source/Linux (maging ito ay training na icoconduct o ang pangingiliyente...o mga proyekto); hanggat maaari sana eh lagi kong ilalagay yung POINT OF VIEW na kung hindi ko huhusayan...nakakahiya naman sa ibang company o Open Source na grupo na halos dugo at pawis ang kanilang mga pagpapakahirap sa pagpapalaganap ng tamang teknolohiya na ito...

na sa tuwing mali ko pala gagawin;

1.bumababa ang antas at pagtangap ng lipunan dito ( kesyo..nadadala ang ilan..dahil din sa maling execution ng iilan) na misan eto pa ang mga common na maririnig natin...

"AY AYAN NA NAMAN..LINUX NA NAMAN...MAHIRAP IYAN..at HINDI NAMAN TALAGA GUMANA IYAN..."

o kaya sa icoconduct mong training

"NGEK...ETO NA NAMAN..LINUX TRAINING NA NAMAN...DI BA CUT AND PASTE IYAN?"
"ANG MAHAL NAMAN"..DI BA..LIBRE LANG IYAN...eto yung URL oh..
https://savannah.nongnu.org/projects/lpi-manuals/"

2.at dahil dito, nagiging "LINISIN" na naman ito ng mga practitioner sa linux na kung minsan kung hindi na nila kakayanin eh syempre..mauuwi na naman ito sa pagkakaroon ng dahilan na "AYAWAN NA" at "MANGINGIBANG BAYAN" nalang ako...tuloy..sinong kawawa...si JUAN DELA CRUZ na naman...ang kakawang mga PINOY.

hindi naman masamang sumuporta sa kapwa nating pinoy; pero sa kabilang banda hindi di namang mabuting gagawa gawa ka ng mga hilaw na programa; "mag cut and paste" ng mga simpleng module na ang magnitude pala eh pagpapahirap sa mga taong labis na nagpahalaga at tunay na sumusuporta sa larangan ng Open Source at isa pa minsan, nagiging makasarili din tayo; at nakakalimutan nating meron pala tayong nirerepresenta.
na akala natin ay malaya tayong gumawa ng mga bagaybagay at nagiging pabaya tayo sa "salitang kabuluhan" na nagiging expense ng nagpapahalaga sa atin.maging individual o grupong nagpapahalaga(paano ko ba ipapaliwanag ito).Siguro ganito nalang... isang halimbawa:

Si "ey" ay nag wowork kay company "zi" dahil nag cut and paste si "ey" at madaming ng pumula sa kanya...hindi nya nakikita yung magnitude na dahil sa ginawa nya, naging kahiya hiya si company "zi"..GETS? =)

Para sa akin; ngayon na ang panahon para tayo ay mag contribute sa pag papaunlad o maging parte ng solusyon...hindi yung mag contribute at maging parte ng problema.

ibang kwento naman; Nitong July 12 nakuha ko sa pamamagitan ng ang RSS feed reader itong link na ito

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/infotech/view/20080711-147772/RP-college-replaces-open-source-system-with-Microsoft-OS

maedyo nairerelate ko din sa pagbabasa ng mga kumento sa isang sikat mailing list patungkol sa LINUX dito sa pinas (PLUG) nakita ko ang mga reaction;kuro kuro at mga pananaw ng aking mga kapanalig/kasama patungkol sa article na ito.

na kung ako naman ang tatanungin eto ang aking mga masasabi.

hindi naman ito issue ng technolohiya; issue ito na "TAMAD SILA at MADAMI SILANG PERA".
pero sana mabigyan ako at ang aking team makausap kung sino man ang pasimuno ng proyekto na ito ( syempre yung St. Paul College Pasig (SPCP) at First Datacorp (FDC). upang kahit papaano eh magkaroon man lang ng balense at malawak na pangunawa sa tinatawag na teknolohiya. at marahil lubos na ko na ding maunawaan ang kanilang ibig sabihin sa

"students and the faculty were looking for programs and applications that were not available in Linux"


eto lang muna sa ngayon!

medyo mag mumuni muni muna muli ako...

1 comment:

Unknown said...

Mahirap basahin ito ng mga mababawa ang pananaw... siguro mga limang taon pa, bago maging mas kapaki pakinabang ang iyong mga mungkahit rebelasyon..

pero may konting sasabihin din ako sa tinuran mo na:

Para sa akin; ngayon na ang panahon para tayo ay mag contribute sa pag papaunlad o maging parte ng solusyon...hindi yung mag contribute at maging parte ng problema.

Ang akin, kung walang magandang masasabi, MANAHIMIK NA LANG...

sabagay, may punto ka din e, yong mga kalat nagsisilbing tanda sa mga batang huwag pamarisan at sa mga matatandang malaman ang husto at loko... yung nga lang, nasa mga magpapaloko na yan.

ingat ingat... maraming mukha ang demonyo, minsan mas maamo pa sa tupat anghel