Isa ito sa mga araw na maari kong sabihin PAGOD ang utak ko at PATA ang aking katawan. bukod sa gera na sinasabi ko sa huling post ko sa blog eh mag aalas dose na ng hapon at tuloy ang larga papunta sa isang client sa alabang di naman kami na trapik papunta pero lekat naman pabalik (eh kulang nalang itulak mo mga sasakyan para lang umusad sa daan o sa kalsada) ANG TRAPIK! kala ko medyo nahihilo lang ako nung panahong nakikipag miting kami sa client at nagpresent ako sa kanilang whiteboard..TALAGA PALANG HILO AT NARARAMDAMAN KO ANG GUTOM..pero .maganda yung usapan halos sarado na o maganda yung tinakbo ng presentation at mga pangyayari...pagod at gutom lang talaga.
medyo nanghihina pa ako dahil sa dami ng mga tawag, sa dami din siguro ng mga text na puro "TESTING.. kailan? kailan?" kumukonot na nga lang yung nuo ko..umiiling at nag kikibit balikat dahil sa nakakapagod palang tunay ang mag instruct ng paulit ulit...mahirap kumausap pala sa mga taong di arok ang umunawa at magbigay ng pagpapahalaga.
tulad ng aking promis sa akin sarili..imbes na mag date ngayong gabi
eh magmumuni ako sa mga kaganapan para sa mga araw na ito..magtatala ng mga natutunan at mananalangin...napagtripan ko din sanang bumili nalagn kanina ng CANVAS at mga pintura at balak kong mag pinta din..ngunit sa kasamaang palad di ko nakita yung gusto kong klaseng pintura sa nationalbookstore..kaya eto..tulad ng aking promise! ang pagsulat ng tula..matatapos na..bukas ko nalang ipopost. medyo kailangan kong pumikit at magpahinga na muna ng konti habang ang iba eh nasa kasagsagan ng kanilang mga date!!!
pero next week i mamake sure ko na MAGPIPINTA ako at ilalagay ko sa dingding ng 8layer sa aming upisina.
No comments:
Post a Comment