Grabe itong nagdaang lunes namin..grabe sa bakbakan..grabe sa daming nangailangang ng aming serbisyon..grabe sa daming natutulungan...nakakatuwa lang isipin
ilang tik-atik nalang sa relo at mag mamartes na...kasabay sa bilis ng ratrat ng aming pulang kotse eh naramdaman din namin ang gutom..kaunting panghihana..gutom at uhaw.. kaya yung aming grupo..matapos mag analisa para sa mga solusyo sa mga problema sa network ng isang client eh medyo biglang preno muna sa kalsada ng ESPANYA! bakit? dahil sa kailangan na ng pagkaing katawan.SAAN? sa paresan na matatagpuan malapit sa kanto ng blumentritt.
nakakatuwa lang kasi iyon din yung perasan na lagi naming pinupuntahan ng aking mga katropa yung nasa college pa ako...walang pagbabago..masarap pa din ang pagkain...o marahil sobrang gutom lang kami..kasi yung araw na ito..tandang tanda ko pa na mula umaga hangga't maguumaga't magpapalit na ang petsa ng kalendaryo eh ang aking AGAHAN..TANGAHLIAN HAPUNAN at MIRYENDA eh "dalawang kutsarang oatmeal" lamang na pitong beses kong isinubo ng pakonti konti nung mga oras bago pa kami lumarga sa kalsada.
sayang at di ko mna picturan! kung makikita nyo lamang yung mga platito,platita,plato eh..SIMOT talaga! natatawa lang din akogn isipin na parang "EAT and RUN" ang mga pangyayari..dahil matapos ang huling subo ng pares eh dalidali naman takbo a MRT para sa isa pang project na dito ay halos inumaga na kami o mag aalas kwatro na kami natapos.
PAGDATING sa office...di ko na nadatnan ang aking tirang oatmeal..may nag ligpit na at inalis na sa mesa ko...kung sino ka man..salamat! kasi pasado ako sa 5's dahil sa bahagyang paglinis ng mesa ko.
No comments:
Post a Comment