Thursday, February 07, 2008

Litratro sa tren

nandito ako ngayon sa BO's gumagawa ng mga proposal at nag sasasagot sa mga email na para client nag medyo nag nonote note using my “vi” ng mga maliliit na items para sa mga bagay bagay na pwedeng gawin pa ng aming team para sa ikauunlad ng smbayanan..naks! Usapang sambayanan na ito..

medyo lumalamig lamig na nga yung kape ko..di pa ako pa din nasisimulang higupin ang kape na halos mag tetranta minuto ko ng pinagmamasdan lang, bigla lang sumagi sa aking makulit na isipan yung mga pinaggagawa namin kagabi sa MRT..may proyekto kasi kami na medyo patapos na din..(hay sa wakas) inabot kasi kami kagabi dun ng halos mag aalas kwatro na ng umaga medyo madadami at dapawang istasyon din kasi yung aming nilagare at alasdyis na kami nag simula din. Kung ako nag bablog ngayon..kasi mula ng matuto akong sumakay ng LRT..naku college pa ako nito....ng MRT pati yung tren na bumibiyahe ng santolan to RECTO..lagi ko kasing naiisip bumaba ng riles ng tren..kung bakit? Gusto ko lang tumayo kahit panandalian sa gitna ng mga riles..tapos titingin lang palayo... Na para bang hindi makukumpleto ang aking buhay pag hindi ko nagawa ito...sa wakas..nagawa ko din! At kagabi iyon..di nga lang ako na kapagdala ng kamera..hehehe! Wala tuloy remembrance...pero kahit na..solve na ako!..

bata pa din kasi ako marami dami na din akong mga iniisip na patulong sa tren..may mga tula din ako patungkol dito., mga drawing na gamit ang uling..mga eksenang napapanaginipan ko din minsan. At madami madami pa.....nakakatuwa kasing isipin na sa tamang kumbinansyon ng riles,tren,mga stasyon..DULOT ay kaginhawaan sa mabilis na pag lalakbay..hay tsaka na nga ikukwento mga kwentong tren ko....SA NGAYON ang mahalaga..inumaga man kami halos kagabi..este kanina..masaya naman..natapos ang mga munting gawain..maytawanan..kunutan ng noo..huntahan..akyat parito sa munting hagdan at may mga laptapan... =) o ha! Bagong tagalog ko ito..laptapan..at syempre..may mga 8liens na laging nagtutulungan para sa mga magagandang layunin...kaya SOLVE! Kahit pa wala akong litratro sa tren...o sige..ngayon may dahilan na ako...hihigop na ako ng kape =)

No comments: