February 13,Bukas araw na ng mga puso..bagama't sa aking kapaligiran eh nangangamo'y na tila ba may magkakatuluyan o humabaol sa araw ng mga puso (naks! eh parehas kasi icon sa YM...) eh ako ay abala naman sa pag aaral at paghahanda para sa isa sa malaking gera para bukas..medyo maaga kasi iyon at eto yung unang pagkakataon na maharap ako sa ganung klaseng gera..pero naniniwala naman ako sa pamamagitan ng tamang dalangin...sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa salitang patas at pagkakapantay patay..bukas ay tiyak ang tagumpay!
Kayo? marahil may mga bulaklak na sa paligid? marahil ay may mga dumadating na mga chokolateng hugis puso! at supresang dumadating sa inyong mga mesa? malamang nakaplantsa na din ang damit na pula na susuutin para bukas?...kung ganun! IN ka o IN-LOVE--INLABABO KA!.... =) mabuhay ka!
Ako? medyo nag reready ng mga bagay bagay na dapat iturn over para sa isang client..nagreready din ng mga bagay bagay para sa presentation na gagawin sa alabang para sa isang sana'y maging client...ganito ako mag cecelebrate ng BALENTAYNS...di kasi ako mahilig at masabay sa uso at okasyon maliban sa BERTDAY KO kasabay and selebrasyon ng bertday ng tatay ko at NEW YEAR!
sa araw ng mga puso..gagawa ako ng tula..marahil tula ng pag-ibig at titiyakin ko ito..bago matapos ang araw...kahit pa bukas ng GABI eh may isang matinding usaping dapat ayusin, pagwawakas ng isang proyekto at pagsisimula ng bagong araw para sa mga 8liens. ETO yung aming DATE! isang madinting GERA at pag te-turnover ng mga natapos ng proyekto.
marahil sa ibang pahina ng BLOG ko nalang maisusulat ang mga naitala at mga natutunan ko sa mga bagong nakasalamuha, mga naging kakwentuhan at kainuman...SA ARAW ng mga puso ngayong 2008! isang pusong bato,pusong nagpapahalaga at pusong nagmamahal na nakakarami ang dapat manaig...
No comments:
Post a Comment