Friday, February 08, 2008

Dating Kulit

Yung high school ako..meron akong mga mangilang ngilan na mga kaibigan..oo medyo mapili ako sa mga kaibigan yung bata bata pa ako..dapat yung mga kalibre lang sa klase ang mga nagiging kabagang ko..pero yung hindi di kalibreng grades at yung mga naghahabol ng medalya ah..yung mga TUNAY syempre..yung mga wala ng kailangan habulin ..naks!

May isang kaibigan kasi ako nung HS si darwin huling nagkita kami nito eh yugn graduation pa namin nung highschool...tapos biglang nag press release kasi sya na mamumundok daw sya. Anyway tanong milnuebesyentosnubentaitres yung taong grumandweyt kamo na kung susumahin yung mga taon eh nakaka halos labing limang taon at ngayon lang kami magkikikita ulit. Kung paano ko nakuha yung number nya at kung bakit kami na kakapagusap ngayon..eh diskarte..pagsisiyasat at masususign pagtatanong...mahabang wento..pero nakakatuwa eto't nitong nakaraang sabado nakainuman ko sya..madaming kwento..masasaya..malulungkot..nakakatakot at tulad ng dati..mga kapupulutan ng aral..isang abogado na itong kaibigan namin na ito..di lang basta abogado..matinik na abogado..kasama namin si Doc..docleng..hehehe..si doc Darius..ang aming doctor na sikat ding kumpositor at syempre yugn isang atty na friend ko si atty. Tsoka este..atty. Richard. Wow! Ang bibigat ng mga kaibigan ko..mga atty. At doctor na...ayus! Libre na advise libre pa mga prescriptions.

Sinimulan namin ang aming mga araw (February 2 nga pala ito nangyari..MAY SAKIT AKO!)sa megamall muna dun kami nagtanghalian..tapos sabay higop ng kape naman sa Starbucks..at tapos..Directso sa office nalang namin sa lungga ng mga 8liens. Syempre di tatapusin ang araw ng walang kahit konting beer..sa 70'sbistro na namin itinuloy yung kulitan tawanan at mga kwentong highschool..habang sinasaliwan ng magagandang irihinan na kanta ng PERYODIKO at MOJOFLY..speeaking of mojo fly..(ngayon ko lang sila nakitang tumugtog..maganda pala yung bokalista nun? Wala lang..at pakiusap..walang magrereact..ok? O game..I tuloy ang kwento...

sa aming mga usapan..usapin..meron isang bagay na aabangan ako ngayon..dahil dito sa kwento ni Darwin na yung -CLASS HISTORY ng section namin na halos araw araw eh sinusulat nya sa kanyang nokbuk eh buhay pa..GUSTO kong makita iyon..pero nag promise sya na ipapakita nya sa akin pag nagkita ulit kami..kasi sa laguna pa sya umuuwi sa kasalukuyan..ANG TINDI ng atty namin na ito..ayus sa mga sentimeltal na bagay..ang galing din mag preserve. Nga pala..kung akala nyo ako nalang ang natitirang makata sa mundong ibabaw na ito..ay sya! Sana makilala nyo itong kaibigang darwin namin...ANG TINDI kaya nitong tumula at mag sulat nung mga bata bata pa kami..isa ito sa mga pambato namin. Isa rin itong napasimuno ng re-borebulusyunan at pag sasakatuparan ng mga eksane EL-filibusterismo sa aming paaralan. Hehehe! Kailan kaya mauulit ito? MAKIBAKA..WAG MATAKOT!



Ano lang ang medyo korni nung araw na ito...SYEMPRE di ako nalasing...kasi medyo pigil ang paginom ko ng beer at giniginaw ginaw pa ako dahil sa aking karamdaman...na feeling ko..ADRENALIN ko nalang ang nagtatrabaho para sa araw na aming munting reunion.

Sana sasusunod na buwan may isang pangyayari ulit na ganito...at sana next time may dalang pasalubong yung kaibigang darwin namin na ito..langya..KURIPOT PA DIN! =)

No comments: