Thursday, March 06, 2008

Isumbong mo sa lelang mong panot.

Kanina habang nagkakape sa Coffe Bean sa makati (greenbelt) meron akong binabasang isang mahalagang documento..isang position paper na ginawa ng aming grupo…kasabay ng pagbabasa eh yung pagbabalik tanaw ng bata ako na kung saan pinapalo ako ng lolo ko ng buntot ng page at ng aking papa ng sinturon na di ko alam kung anong balat ng hayup iyon sa kapal at talagang pantal ang mangyayari sa iyo pag inabot ka…eto kasi yung isa sa pamamaraan ng pagdidisiplina sa amin noon..naalala ko kasi na isang beses yung grade 5 ata ako nun..napalaban ako sa kalye ng basketball..syempre..panalo! ang pustahan..isang boteng POPCOLA (mala mucho ang laki)..nakakainis lang isipin na PANALO na nga kame eh may isang umapela pa….yung isang kalaban naming na di ko alam kung anong posisyon nya sa basketball kasi ba naman..lahat ata eh ginagawa sa loob ng basketball court. Hindi siguro nya kinaya yung mga super powers ng aming team (MYC) oo..MYC yung unang team ko sa basketball (mangganian’s youth club)…ABA itong lintek..nagsumbong sa kanyang TATAY! At itong tatay naman eh dali daling lumusob sa amin sa basketbolan…malas ko lang! umuwi na mga kakampi ko ning mga panahong iyon..kaya ayun an gang INABOT…anong nangyari? Wala lang naman..sinabi lang naman ng tatay na dapat kami daw ang manlibre ng POP kasi kami ang talo…HAHAHA! Ang korni..pero ayun..sabi ko nalang..ubos na po at tapos nap o yung laban..aba! sineryoso ako ng kolokoy..pasugod akong sasampalin ng tsinelas..BUTI nalang nakatakbo ako….HINGAL na hingal na umuwi sa bahay namin…tamang tamang nagpapahinga kasi nun yung papa ko sa upuan naming sa SALA!..dahil feeling na naargabyado ako..SYEMPRE! sumbong ako sa PAPA ko…PA yugn tatay ni gerald..sinugod ako sa basketball court sasampalin ako ng tsinelas buti nakatakbo ako…aba imbes na pakingan ako..ISANG matinding hataw ang inabot ko! At isang malakas na sigaw…AYAW na AYAW kong LUMALAKI KANG SUMBUNGERO..KUNG GAGAWA ka ng mga KALOKOHAN mo dapat matutukang I SOLVE O PANINDIGAN MO…(balik sa kapihan sa Coffee Bean)..napangiti ako kasi naalala ko yung mga pangyayaring ito nung bata ako..nagpapasalamat ako kasi may ganito akong pagkatuto yung bata ako..mahusay ang pagdidisiplina…kasi may mga tao akong mga nakasalamuha na ngayon palang ata nagiging bata sa kabila nang kanilang edad…ngayon gumagawa ng mga kasagsagan ng mga kaululan ngunit pag hindi kayang mapanindigan..kung kani kani nag pupuputak..PUTAK DOON..PUTAK DITO..PUTAK ng INA….matatawa kang pagmasdan..tuliro, wala sa sariling bait at walang pagpapahalaga sa mga oras ng may oras at talino.…maraming satsat..may mga ESCALATION PANG kwento…MADRAMA! Iyak nang iyak na parang bata na kumukuha ng atensyon ng lahat..ngunit sa kabila nito ito’y isang IYAK na talagang plinano upang makakuha ng mga simpatya…pagbabalatkayo!...may mga ganito pa palang mga taong nabubuhay sa drama..nabubuhay upang magtapon ng oras para sa mga pinaglalabang mga kaululan..pandaraya...at nagpipilit mangaalipusta sa mga may alam..katatawa at kaawaawang nilalang.

(balik sa binabasang position paper)…nasa huling pahina na ako! Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na sa kabila ng aming kahirapan..sa kabila ng di pagkakaroon ng marangyang buhay nung kami’y mga bata pa…naibigay naman nila yung tunay na disiplina..maging patas..maging mapagmahal at magmalasakit sa kapwa..lumaban at ipag laban ang prinsipyong “TUNAY” na kayamanan…gamitin ang edukasyon at leksyong pinamana at iginapang para maging sandata sa hamon ng buhay! Walang sumbungan..laban...

Kung ikaw eh walang laman at para bang natalo o nalugi ka ng tadhana…kung ako ikaw..ISUMBONG MO NA LANG SA IYONG LELANG NA PANOT! =)

No comments: