Umaga palang ng march 11 eh may txt message na akong natagap “agahan nyo dapat mga 7pm..dumating na kayo kasi iyong yung oras ng pasabit”….medyo madami pang tinatapos nagawain sa opisina..marahil dahil sa kailangang mag doubletime dahil sa salot at sigalot na idinulot sa aming negosyo at oras ng isang lukaret na piling sa pagnenegosyo….kaya muli..double time…kaya matapos ang ilang proposal..dalidaling takbo naman sa isang client sa las pinas…at nagbabakasakaling ma iclose yung isang deal na iyon…inabot din kami ng halos mag aalasotso sa pagdemo at patetraining…di man ganap na na ko-close pa ang deal…eh nag paalam na kami ng maayos…matapos pumapak na masarap at mainit init na MANE eh...bitbit ang pabaong mga cookies at dali dali na ang pagtakbo sa batangas city upang abutan ang sayawan at bisperas ng kasal ni pangkie…
MAg aalas onse na ng gabi ng marating naming yung bahay nila pau sa greenwoods batangatas city..sino sip au? Siya ang kabiyak ni pangkie…oo mag aalas onse, sinalubong kami ni pangkie at pinakilala sa ilang mga personalidad sa kanyang pamilya.ang kanyang maadder…madder ni pau…syempre sa haba ng biyahe..kailangan kumain..ang hirap nga lang kumain ng panahong iyon..sa dami ng pagkain di mo alam kung ano ang putaheng uunahin mo..sampung baboy ata ang nakatay ..umaapaw sa pulutan..este ulam..may kilaw..dinuguan at kung ano ano pa..nakatutuwa lang isipin na habang kumakain ka eh nakakanood ka pa ng mga tin-edyer. Na nag sasayaw sa ilalim ng strobelite sa gitna ng kalsada sa harap ng bahay nila pau…ang saya! Naalala ko yung mga kasalang napanood ko nung ako’y bata bata pa, hawig..may mga sayawan at sa bahay din ng babae madalas nagaganap ang mga kasiyahan..may mga pasabit (eto yung pagsasayaw ng mag-irog at sinasabitan sila ng mga pera ng mga manonood ot mga kamaganak..ang mga ito ay magiging unang pera ng magasawa) iyon nga lang..di na naming naabot yugn pasabit ni pangkie..(saying din at di nanakapunta ang dekada boy’s..si PING kasi eh….PING..dami ka ng utang at mga promis..sana next time wala ng ganito ah…) anyway, may munting kantahan naman..bumanat naman si CHOX ng “knocks me off my feet”..oh I don’t want na bore you with me….”oh boy I love you I love u..” wiewit! Mabhuay ka chox kasi ikaw lang ng matapang tapang kumanta sa saliw ng gitarang parehas ata ang string number 1&2.
Umaga na! AYUS! MARCH 12 na..at araw na ng kasal, di ko na ikukwento yung mga panahong bagong gising at kanya kayang madaliang ligo para makaabot sa 9am na kasal ni pangkie..basta ang natatandaan ko lang..pag tapos kong maligo..eh sinalubong akong ni jasper na sumisigaw ang nag tatanong “SINONG MAY TISSUE?”
Maganda yugn simbahang napili, bago pa! pwede ka ngang mag mall..dahil ito ay nasa tabi ng SM batangas city. Sa bahay naman! Madami dami ding mga bisita. Marahil mga taal ng lugar na iyon..pardito ni pau at ni pangkie ang mga nagdodomina. Syempre..kami! pamilya ni pangkie din na TAGA remco tower naman, na matapos kumuha ng madaming pagkain eh dun pumuwesto sa likod..kasama ang mga karpentero sa ilalim ng matinding sikat ng araw…nagkukulitan! Nagkakainan. Nakakatuwa lang isipin na para bang ayaw huminto ang pagdating ng pagkain..may dumating pangang “UNAN” este/..KAIN na halos kasing laki ng UNAN at pwede mong tulugan sa laki…AT ETO PA..ihehele ka ng “ARIMUNDING MUNDING MUDING MUNDING”..ARE MUNDING”…na awit ng isang lola na na boses lolo na di ko maipaliwanag..dahil ako’y naiindak sa kanyang pag awit…hehehe..ARIMUNDING…di na rin kami nag tagal!!! EAT ng RUN nga ika nga…matapos ang pananghalian nag paalam na kami sa mga magulang ni pangkie at kay pangkie..madami pa silang mga kailangan asikasuhin at madami pang bisita..kaya sa aming pag uwi! Aba..may pabaon pang isang plastic bag na malaki na puro ulam at salad..may lecheplan pa nga…CHAMPION!..kaya anong masasabi ko sa kasal ni pangkie!...CHAMPION! NABUSOG MO KAMI…
Ay meron pala..MAGALING KA NA RIN PALANG MAG PHOTOSHOP =) hehehe
CONGRATULATIONS ULIT!
No comments:
Post a Comment