ang cutud ay isang barangay sa pampanga. dinadayo ito dahil sa popular na pag papako sa krus tuwing biernes santo. marso abente uno, na kung nung highschool ako eh araw ng graduation ko ito..ngayon eh araw naman sya ng pagdayo sa cutod upang masilayan ang aktuwal na pagpapako sa krus (papular na tradisyon ito dito sa pampanga).
eksakst alas tres ng marating namin ang lugar, mainit,maalikabok, mahabang lakaran na siksikan sa daan. Eksaktong eksakto ang eksenang pag pako sa krus. kanyang kanyang tumpukan ang mga tao, nag kukwentuhan,nakatingala, kanya kanyang turo kanya kanyang litratuhan. lumulutang ang mga senturion sa kanilang pag papapicture at mga kasuotang may kapa pang kulay pula...
tatawa lang ako sa mga nag vivideo marahil nakatuon sila sa pagkuha ngunit yung tunog na kapaligiran na marahil ay nasasagap ng kanilang camera eh tunog ng team song ng selecta ice cream,walang paki alam ang mamang nag bebenta, kesyo may mga nananalangin, sumasamba, sya at ang kanyang karitong ng ice cream ay nangingibabaw ang alingawngaw.
may media, may mga dayuhan, na hindi papayag na hindi sila makaakyat sa itaas ng burol para lamang makakuha ng magagandang shots. click click ..dala ang mga mamahaling camera.
medyo suya lang ako sa mga mamang nakahubad (dun sa bandang sto nino..dito iniiwan yung mga sasakyan dahil hindi na ito pwedeng pumasok sa brgy. cutod sa dami ng tao), sigaw ng sigaw..walang inatupag kundi ang pag kubra sa parking. parking na halos parang ginto ang singilan...magkano? P150...na 150 na sakit ng ulo din ang dulot sa bukod sa mahal,pang aabuso ata ang mga pinapatupad ng mga ito sa araw ng semana santa.
isa pa sa obserbasyon ko eh mahirap palang pumunta din sa lugar na talagang hindi mo pa napunpuntahan..hindi na kasi lahat ng akala ko nung bata ako eh ganun padin sa panahong ito. dati kasi kahit saan ka mapadpad marami kang pedeng tanungan maraming mabubuti pang taong walang hangad kundi ang tulungan ka...ngayon kasi hindi..eto nga't ng papunta kami sa cutod. pag baba sa sto. nino. lahat ng mga tao eh sabay sabay na nag sasabing malayo pa ang lugar..mag pedecab nalang kayo..pag sakay sa pedicab at tanong..mag kano ba at malayo ba? naku malayo ho..nubenta ho ang biyahe (90 pesos)..sabi ko nga sa mamang padyak..mahal..grabe ka naman..bawasan mo, medyo napahinto sya at para bang nagiisip at nag mamath pa..maya maya may presyo na sya 70pesos..hay! grabe..sabi ko nalang..50 pesos ibiyahe mo na....mamaya mga limang minuto ang nakakaraan sa amin pag bibiyahe..ibinaba na kami. sa bay turo sa eskinita na dun daw ang daan papuntang lugar kung saan may pinapako..pag suong..at labas sa eskinita..mahaba haba pa palang lakaran! may mga nag ooffer pa ng sakay pedecab..grabe...syempre tanong ulit kung malayo pa ba..malayo pa daw..kailangan sumakay daw kami at ngayon naman 40 pesos ang bayad...sa huli 90 pesos na pamasahe..ang mahal! hindi malayo ang biyahe..mga pandurugas ng mga taal ng pampanga barangay CUTUD. marahil ay parte nga ng panata.
bahala na sila! malalaki na sila. para sa akin isang maganda karanasan. karanasan na hindi ko makakalimutan. ang makakita ng ipinapako sa krus at ma ekspiryens na ipako sa krus ng mga kababayang walang inatupag kundi ang makapanglamang...teka..marahil mas magandang title sa entry ko na ito ay "kikilan sa cutud"
No comments:
Post a Comment