Thursday, March 20, 2008

TAYO ANG GUMAGAWA NG SARILI NATING KWENTO

Medyo maaga akong nagising kanina, madaming tumatakbo sa utak ako at para bang nag sasabing “ HOY TUMAYO NA, DALI..GISING” dahil sa maraming kailangan bigyan ng atensyon at oras. Nakaka challenge na pagpa-prioridad at mga pag iisip kung paano isu-swak ng maiigi ang tinatawag time management. Mag aalis onse na ng makarating ako ng opis, sa hrapan ng aking dalawang laptop, (isang pinoformat at yung isa eh habang nag dodown load ng CENTOS v5.1 eh binuksan ko yung aking chat client.. nakakatuwa, online ang aking kapatid na si Kong,dalidali ko syang kinamusta. Nakakamiss! Matagal tagal ko na kasing hindi nakakakwentuhan yung kapatid ko na ito na sobra busy ko sa work at marahin sya din busy sa kanyang work (sya ay nasa larangan din ng IT)sa aming kwentuhan eh isa isa kong kinamusta yung mga mahal namin sa buhay.Yung kapatid ko na si "KAKA" na nag aaral din sa ADAMSOM pero Architecture ang kanyang napiling larangan at hindi sa IT, nagtatawanan nga kami nung amin napagusapan itong aming bunso na si Kaka, medyo nag pahaging lang ako ng konti kay kong…(Nakita ko kasi one time yung blog nya..meron syang sinulat dun na di ko makalimutan..”TAYO ANG GUMAGAWA NG SARILI NATING KWENTO)..pinayuhan ko sya ng konti patungkol kay “kaka” na pwede nyang I guide..pero wag darating sa punto na sya yung gagawa ng mga asignatura nito sa pag aaral yung mga research ay dapat Sya mismo at tumutuklas at gumagawa..hindi sapat ang sahin mong "WALANG ORAS" eto daw kasi ang dahilan ni kaka sa sobrang dami ng kanyang projects...sinasabi ko ito kay Kong para Makita din ni kaka yung puwang para sa improvement nya, para sa igagaling pa nya na kung sya mismo at gagawa ng mga bagay bagay pa patungkol sa kanyang pagaaral at mga desisyong pang sarili. Napagusapan din namin at aming mga pinsan mga pinsan na ngayon lang naman nakakapiling dahil sa ito’y mga lumaki talaga sa aming probinsya sa "STA CRUZ ZAMBALES” yung isang pinsan ko eh mag tetraining daw sa amin, eto nga't halos araw araw eh nag tetext sa akin upang mangamusta at mag tanong tanong sa kung ano nga mga bagay bagay na ginagawa naming sa opisina mga bagay bagay na gusto nyang matutunan..yung isang pinsan din namin na si Rhea na sa amin na ngayon sa "Manggahan sa Caloocan" tumutuloy, nakakatuwa at isang taon nalang eh ga-graduate na sya..NURSING at nag aaral naman sa Fatima College. Ang bilis ng panahon!

sa aming kwentuhang mag kapatid ah nasagi naming pag usapan si “NANAY”.(nanay ang tawag namin sa aming Lola).sabi ko nga kay kong..KAMUSTA na SI NANAY? Miss ko sya…nakakatuwang isipin dahil sabi ni Kong..eto malakas naman at NAGSISIBAK PA NGA ng kahoy! Ang Lolo talaga…din a nag bago..KLASIK na KLASIK…yung bata pa kasi ako, katuwang ako ng lolA ko na ito SA PAG LULUTO ng mga ampaw, suman na moron, banana-q at kamote-q..mahilig din kasi mag luto itong lola ko at binibenta sa mga kabitbahay..at eto pa..isa ako ng mga nag lalako nito..inilalagay ko pa nga yung bilao sa ulo at habang nag lalakad sa daan at sumigaw ng SUMAAAAAANNN….na miss ko tuloy si nanay! ) sabi naman ni Kong i-ki kiss nya naman daw ako ke nanay eh.

anyway..nag tapos na din kami ni Kong sa aming mahabang kamustahan at kwentuhan…sabi ko nga sa kanya! Sana madalas..sana may mga panahon sya na ang gumawa ng paraan upang mag kakwentuhan din kami ng mag kakaharap an gaming mga pinsan…pasasaan.mangyayari din ang mga iyan…na exicite lang akong mangyari ang mga pagsasalong ito, marahil sa mga pagbibinata at pagdadalaga ng akong mga kapatid mga pinsan eh marami na silang kwento sa buhay. Mga kwentong kapupulutan ng aral..saya! mga hinabi ng kanya kanyang karanasan.

No comments: